24

6.2K 66 3
                                    

Danica

Tapos na kaming kumain at nasa kwarto sila Icy at Zac naglalaro. Nasa balkonahe ako ngayon nagpapahangin.

"Danica." Humarap naman ako kay Ice.

"Bakit?"

"May itatanong lang ako kung pwede?"

Tumango lang ako.

"Ah bakit kilala na ako nila Icy diba sabi mo mawawalan na ako ng karapatan sa kanila?"

"Sinabi kasi sakin ni Mommy na dapat hindi ko ipagkait kina Icy yung papa nila sabi niya rin na hindi dapat ako magtanim ng hinanakit sayo."

"Ano yung sinasabi ni Icy na sa picture niya lang ako nakikita?"

"Ah yun hinahanap niya kasi yung papa niya so pinakita ko yung picture mo. Palagi nila yung kinakausap. Si Zac mana sayo yun si Icy mana satin pero mas malaki yung part mo pero sa attitude mana sakin."

Lumapit naman si Ice at niyakap ako at bumulong. "So may litrato ka pala sakin?"

"Yea."

"Sus mahal mo ko no."

Kinurot ko naman ang tagiliran niya. "Che! Hindi ko parin nakakalimotan yung pinagsasabi mo sakin noon no!"

"Sorry Danica. Hindi ko sinasadya. Alam kong naging gag* ako. Sinaktan kita, pinaiyak, pinaasa. Sorry. Sorry. Sorry talaga." Mas humigpit yung yakap niya sakin.

Niyakap ko naman din siya. "Mahal mo ba ko? Ayokong umasa Ice pero hindi ko mapigilan na umasa lalong-lalo na namay anak tayo."

"Gusto mong sagutin ko yan?" Tumingin siya sakin.

"Wag na. Baka masaktan ako sa sagot mo." Kumalas na ako sa yakap niya at bumalik na sa loob.

"I love you."

Natigilan ako sa paglakad at lumingon kay Ice. "Anong sabi mo?"

Lumapit naman si Ice. "Sabi ko mahal kita."

"Weee?" Niyakap naman niya ako. "Totoo talaga ang sinsabi nila na nasa huli ang pagsisisi. Kasi noong umalis ka nagsisisi ako tsaka kulang napagtanto na mahal kita ng sobra. Bakit ko ginawa yun sayo na dapat ang babaeng katulad mo minamahal."

"Sus mabuti nalang mahal parin kita." Tumawa naman si Ice.

"Danica I want to tell you two words. I love you."

"Two words diba dapat three?"

"Love one word you and I are one." Bulong niya sakin.

"Ha.ha. corny." Pero kinilig ako.

"I love you Danica."

"Love you too."

--

Nasa sala kaming apat nanonood ng tv. Nasa bisig ni Ice si Icy habang si Zac naman nasa gitna namin ni Ice. Gusto kasi ni Icy na nakayakap sa papa niya.

"Mama~" malambing na tawag sakin ni Zac. Sus minsan lang maglambing si Zac kasi nga mana kay Ice. Hahahahaha

"Bakit baby?" Kiniss ko naman ang ulo niya.

"Gusto ko ng ice cream."

"Ice cream?" Bigla nalang napalingon si Icy.

May binulong si Zac sa kapatid niya. Tumingin naman sakin si Icy. "Mama gusto ko rin ng ice cream. Pleasee~"

"Baby matamis ang ice cream iba nalang." Sumimangot naman si Icy.

Yumakap naman si Zac. "Sige na mama. Payag na kayo."

Being Snob (Completed)Where stories live. Discover now