9

5.1K 73 0
                                    


Ice

Galing ako sa isang convenient store kasama si Sabrina. Alam kong nakita kami ni Danica sa di kalayuan. Pinagbuksan ko nang pinto si Sabrina sa harap. Pumasok na ako sa drive's seat at tinignan ko sa side mirror kung saan pupunta si Danica. Bigla siya bumalik sa dinaanan niya.

Hinatid ko muna si Sabrina sa bahay nila. Biglang nag ring yung phone ko.

From: Danica
Sino yung babaeng kasama mo kanina?

To: Danica
Si Sabrina.

From: Danica
Girlfriend mo?

To: Danica
Fiancee ko.

Siguro kapag sinabi kong fiancee ko si Sabrina titigilan na ako ni Danica, alam kong may gusto siya sakin, yan din kasi sabi sakin ni Ivan. Nag-antay ako ng reply ni Danica pero hindi na ito nag reply. Mabuti naman.

KINABUKASAN

Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone baka si Danica to. Kasi araw-araw nag gregreet sakin ng good morning. O di kaya mag gogoodnight.

Pero si Ivan lang pala. Medyo nadismaya ako ng konti.

From: Ivan
Brad, kita tayo sa bahay may outing daw tayo. Dapat pag usapan. ASAP!

To: Ivan
K.

Outing? Tss. Saan naman kaya kami pupunta? Bumaba na ako at nag breakfast. Nagbihis lang ako ng simpleng damit at pumunta na kina Ivan.

Danica

Maaga akong nagising dahil may panonoorin akong tv show. Biglang nag ring yung phone ko.

"Hello?"

"Anica. Morning, punta ka dito sa bahay mamaya ha. Mag oouting tayo. Pag uusapan muna natin. Natext ko na din sila Aly"

"Ah sige. Pupunta ako"

"Bye"

"Bye Dhea"

Enend call ko na. Nag prepare na ako ng breakfast ko. Hotdog,bacon, at egg. Ang dami no. Hahaha ako lang naman ang kakain. Pero kahit madami ako kainin hindi ako tumataba. Sexy to. Hahaha.

Pagkatapos kong kumain ay nag bihis na ako ng white shirt at faded jeans. Sinuot ko yung bagong bili kong slipper.

Third Pov

Nakita ni Danica na papunta si Ice sa bahay nila Dhea. Napansin siguro ni Ice na may nakasunod sa kanya kaya nilingon niya ito. Nakita niya si Danica na nakasunod sa kanya. Nagtagpo ang kanilang mga mata pero biglang nag iwas ng tingin si Danica na siya namang ikinagulat ni Ice.

Halos magkasabay na pumasok si Ice at Danica sa bahay kila Dhea. Nandoon na din sila Drake at Aly. Nilagpasan lang ni Danica si Ice na nasa harap niya.

Danica

Nilagpasan ko lang si Ice. IGNORE. Ang drama ko ngayon. Umupo lang ako sa tabi ni Aly.

"Anica anong ganap?"

"Huh?"

"Duh? Yung kanina bakit hindi mo pinapansin si Ice? Eh kung may pagkakataon nga magpapapansin ka sa kanya o di kaya gagawa ka talaga ng paraan para mapansin ka niya."

"Bakit? Ano na mang masama kung iiwasan ko siya?"

"Is it real? Is it real?"

"What? Alam mo hindi kita maintindihan"

"So iiwasan mo talaga si Ice?"

"Kung yun ang tama. Hindi naman niya ako pinapansin. So titigilan ko nalang nag mag papansin sa kanya. Nakakapagod"

"Give up na te?"

"Ewan ko"

Hindi na nag salita si Aly dahil dumating na sila Dhea at Ivan. Nag start naman yung 'meeting' daw namin. Napag isipan nila na sa resort nalang daw nila Ian kami mag oouting. Tinawagan namin si Ian payag naman siya.

Bukas na kami aalis kaya maaga akong umuwi sa bahay para makapaghanda ng mga damit na dadalhin para bukas. Nagdala na din akong swim suit para incase na baka gusto kung mag swimsuit eh handa na. Girls scout kaya to. Hahaha.

Matutulog na ko para hindi ako mukang zombie bukas dahil sa sobrang excited ko. Gooooooodnight sleepyheads! Ciao! 💤👋

Ice

Nasa bahay na ako at katatapos ko lang maghanda ng mga damit.

Nakatitig lang ako sa kisame habang iniisip kung bakit naging ganoon si Danica. Hindi na siya nag gregreet at nag gogoodnight, hindi na din siya nag papansin. Siguro na pag isip-isip na niya na wala talagang pag asa na magkagusto ako sa kaya. Mabuti nga yun. Matutulog na ngalang ako.

--
Mentostar ♡♡

#BeingSnob

Being Snob (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon