7

5.4K 80 0
                                    

Danica

"Tita bili po tayo nito. Pleaseeee" pinag saklop naman ni Cade yung mga kamay niya.

"Later na baby, kain muna tayo. Diba sabi mo gusto mo nang spaghetti?" Tumango naman ito.

Naglakad na kami papuntang Jollibee. Nakasunod lang si Ice samin. Habang papunta sa Jollibee ay nakakita ako ng baymax na stufftoy. Mamaya babalikan kita baymax ko.

Pagkadating namin sa Jollibee ay nagorder na ako. Habang sila Ice at Cade ay naghanap ng mauupoan.

"2 pcs. Jolly burger, isang jolly spaghetti. 2 large fries, isang sundae chocolate , dalawang nestea at isang basong tubig"

Inulit naman ng girl yung inorder ko. Tyaka ako nag bayad. Binigyan niya lang ako ng number.

Hinanap ko sila Cade nasa second floor lang pala sila. Ang hilig talaga ni Ice sa second floor anong bang nasa second floor na wala sa first floor?

"Titaa"

"Ssh Cade wag maingay" tinakpan naman ni Cade yung bibig niya. Si Ice busy sa cellphone niya.

"Ah Ice Salamat nga pala sa pagsama samin" hindi si sumagot. Tss -.-

Tinignan ko lang si Cade na nag lalaro sa tab. Hindi nag tagal ay dumating na yung inorder ko.

"Here's your order ma'am sir" at nilagay yung mga orders.

"Thank you" sabi ko at ngumiti lang ito at umalis na.

"Baby ako na magpapakain sayo para hindi ka madumihan" nilagyan ko na ng panyo yung t-shirt niya para incase na may mahulog di madudumihan yung superman niyang damit.

"open your mouth baby" sinubo ko naman yung spaghetti kay Cade. Hanggang naubos ito. Si Ice ay tahimik lang na kumakain. Tss. Sana hindi nalang siya sumama parang wala din naman kaming kasamang Ice dito sa sobrang tahimik -.-

Kumain na din ako ng burger habang si Cade ay kumakain ng sundae.

"Careful baby" pinahiran ko naman yung bibig niya namay chocolate.

"Hihihi sorry po" ngumiti naman ito. Ang cutee.

Pinagpatuloy naman niya ang pag kain ng sundae. Tinignan ko si Ice tapos na pala siyang kumain. Busy naman siya sa kanyang cellphone.

Biglang nag vibrate yung phone ko.

From: Aly
Danica asan kayo? Susunduin na kasi namin si Cade.

To: Aly
Nasa mall. Text ko na lang kung nasan kami.

From: Aly
Okay.

"Ah Cade susunduin kana ni Tita Aly mo"

"Okay po"

Tapos na kaming kumain at hinihintay na namin sila Aly at Drake na dumating. Nagpapabili ng laroan si Cade nang dumating si Aly na bitbit na, mangga?

"Hi Anicaaaa"

"Aly para saan yan?" Turo ko sa mangga.

"Ay nagpapabili ng mangga. Gusto kasi niya yung manggang nasa probinsya"

"Hayaan mo na naglili yan" tumawa naman kami ay! Hindi pala kaming lahat except kay Ice na walang ka emotion-emotion -.- wala namang pakialam yan.

"Anica saan ka pagkatapos nito?"

"Maglilibot lang. Baka may makita ako at gusto akong bilhin"

"Ikaw Ice saan ka pagkatapos nito?" Tanong ni Drake.

"Bahay" walang emosyan niyang sabi. As usual.

"Hindi mo sasamahan si Anica?" Biglang tanong ni Aly.

I'm hoping na sana samahan niya ako. Kahit ngayon lang pero nadismaya ako sa sagot niya.

"Bakit ko naman siya sasamahan?" Cold niyang sabi.

"Alam mo ang harsh mo" masungit na sabi ni Aly.

"Okay lang Aly. Kaya ko naman."

Pagkatapos naming mag usap ay nag kanya-kanya na kami ng lakad. Una pinuntahan ko yung store na may baymax na stufftoy. Mabuti nalang ay hindi pa naubos yung baymax, sus kung nagkataon iiyak talaga ako dito.

Pupunta muna ako ng bench bibili ako ng tshirt. Pumunta naman ako ng penshoppe para bumili ng perfume at slipper. Nakita ko si Ian kaklase ko nung college.

"Ian?"

"Danica, kumusta?"

"Okay lang ikaw?"

"Ok lang din. Maganda parin" ay nakalimotan ko bakla nga pala si Ian. Hindi nga lang halata kasi hindi mo iisipin na bakla siya sa gwapo niyang yan.

"HAHA. So anong gawa mo ngayon?"

"Nag papatakbo ng resort ni Mom."

"Ah oo nga pala kumusta na si Tita?"

"Ok lang din maganda pa katulad ko."

Pinalo ko naman siya "Sira ka talaga"

"Una nako Danica ha. Hinihintay pa kasi ako ni Mom sa bahay may sasabihin daw siya sakin"

"Sige ingat" nag beso naman kami.

"Sige. Bonding tayo sa susunod ha. Sabihan mo narin sila Aly at Dhea"

Nag okay sign naman ako. 👌

Nung naramdaman ko na pagod na ako sa kakalibot sa mall ay napag pasyahan ko nang umiwi gabi na din kasi. Nag para na ako ng taxi at umuwi.

--
Annyeong! Comment po kayo 😊

Mentostar ❤❤

#BeingSnob

Being Snob (Completed)Where stories live. Discover now