3

7.6K 94 3
                                    

Why can I say that I'm inlove, I wanna shout it from the rooftop~
LSS!
--
Danica

Good morning Philippines! Good morning sayo!

Nag luto na ako ng breakfast, at naligo na rin. Nag text kasi si Aly na pumunta daw kami sa kanila may sasabihin daw siya samin. So kumain nako at uminom ng fresh milk. Tapos ay nag ayos ng konti, perfume check, ponytail check, doll shoes check, phone check, at wallet check. So ok na. Gora na tayo!

Well kung tinatanong niyo kung nasaan ang parents ko o may kapatid ba ako. Ang sagot ko ay nasa America at oo meron akong bunsong kapatid. Sinabihan na ako ni Mommy na doon na lang daw ako tutal wala naman daw akong trabaho dito, sinabi ko na dito muna ako at nag promise din ako na susunod ako sa kanila. Simula noong college ay ako na ang mag-isa dito, kasi noong time na pupunta sila mommy sa abroad ay hindi ko pwedeng itigil yung college o lumipat nang bagong school kasi nagsisimula na din kasi yung school year so tinuloy ko nalang kahit ang lungkot na ako lang mag isa. Pero salamat sa mga friends ko hindi ko feel yung pagiging loner. Hahaha.

Dumating na ako sa bahay nila Aly. May nakita akong dalawang sasakyan siguro kina Ivan at Ice to. Sila na may kotse, ako wla :( ayaw ko din kasi, mas maganda yung nagcocomute ka baka makita mo na yung sinsabi nilang 'forever' mo. Diba? Hahaha. Anyways pumasok nako at nakita ko si Manang.

"Hello po manang, asan sila Aly?"

"Oh ija, nasa garden sila pumunta ka nalang doon"

"Thank you po" tinahak ko na yung daan patungo sa garden naririnig kuna yung mga tawa nila. Ang lakas talaga ng boses ni Aly ito naman si Dhea ang lakas tumawa. Ewan ko ba kung ano ang nagustuhan ni Drake at Ivan sa kanila eh ang iingay. Pero wag kayo love ko yan kahit parang naka lunok nyan ng mega phone.

"Danicaaaaaa, bat ang tagal mo?" Nag pout naman si Aly.

"Wag kanang mag pout, para kang pato"

"Nakakainis ka!" Naluluha niyang sabi.

"Hoy Aly ano bang nang yayari sayo, ang moody mo ha" moody? Hindi naman masama dahil kasal naman sila ni Drake, hindi ko lang nasabi. Sorry nakalimutan ko. Baka nga? Baka buntis siya.

"A-aly baka bu-" tinignan ko siya at bigla itong tumango. I was shocked O M Z !! Preggy siyaaaa. Omgaddd. Waahh my baby naa, gusto ko kasi ng mga bata.

"Omygad Aly mommy ka na. I'm so happy for youu. Ninang ako ha?"

Tumawa namn ito " oo naman noh" omygad talaga. Kailan kaya ako maging mama? Siguro bukas, hahaha kidding.

"Ahh may sasabihin din kami ni Ivan" biglang sabi ni Dhea na kinakabahan.

"Wag mong sabihin na buntis ka din?" Ako

"Hindi no!"

"Eh ano?"

"Mag papakasal na kami ni Ivan" double O M Z !! Two suprise in a day is too much.

"Wow! Congratss. Ikaw Ivan haa, ayaw mo nang pakawalan si Dhea."tumawa naman kaming lahat.

"So kailan ang kasal?"

"Next next month"

"Okayy. Excited nako!" Pumapalakpak kong sabi.

"Ikaw Danica kailang mo planong magpakasal?" Tanong ni Aly na kinatigil ng lahat , ay! Except kay Ice wala namn kasi yang pakialam

"Kung kailang gusto ni Ice"

"Tss. Hindi ako mag kakagusto sayo" biglang sabi ni Ice. Ouch ang sakit ha.

"I don't care kung wala kang gusto sakin, pero ito ang tandaan mo tayo ang ikakasal itatak mo yan sa maganda mong abs."

Nagtawanan naman sila, anong nakatutuwa doon seryoso ako! Kita mo tong mukang to? Seryoso to! Tss. Bahala nga sila jan. -.-

Being Snob (Completed)Where stories live. Discover now