8

5.1K 81 2
                                    


Danica

Nasa bahay lang ako at nanonood ng tv. Ilang araw na din simula noong pumunta kami ng mall ni Ice kasama sa Baby Cade.

Sumapit ang hapon ay nandito lang ako sa bahay. Wala talaga akong planong lumabas nakakapagod at wala naman akong kasama. Si Dhea naman e busy sa pagprepare ng incoming wedding nila Ivan, si Aly nagpapahinga dahil buntis bawal mapagod at baka pag nasa mall kami baka biglang mag change ng mood.

Nag kalikot lang ako sa cellphone ng may nakita akong picture na dapat eh bura. Tngina madami pa pala akong picture niya. Delete. Delete. Long press. Delete All. Ayan wala na.

Simula ngayon pipigilan ko nang mahulog ng tuloyan kay Ice the snobber. Kahit na mahirap ay susubukan ko. Dahil sa huli ako lang din ang talo, ako ang masasaktan, ako ang maghihirap at ako ang kawawa. Ayoko ng ganoon.

Gabi na nang napag isipan kung lumabas, parang gusto ko kasing kumain ng ramen. Malapit lang naman ang convenient store sa bahay. Kaya maglalakad na lang ako. Sa hindi kalayuan ay mag nakita akong familiar na lalaki na may kasamang babae.

Si Ice! 😱

Sino kaya yang kasama niya. Maganda naman ang babae. Magka holding hands sila. Pero ang masakit dahil nagawang tumawa ni Ice sa harap ng babae. Na kahit minsan ay hindi ko nakita kapag kami ang kasama niya. Sasakay na sila ng sasakyan at binuksan naman ni Ice yung girl ng pinto, hindi ako nag kakamali sa front seat pinasakay ni Ice yung babae. So ibig sabihin special yung babaeng yun sa kanya. Special. Mahalaga.

Hindi niya ako pinaupo sa front seat kasi hindi ako special. Hindi ako mahalaga sa kanya.

Hindi ko namalayan na may luha na palang pumatak. Sht bakit ako nagkakaganito. Bakit sa kanya pa ako nagkagusto? Pwede sanang turuan ang puso kung sino ang mamahalin pero hindi pwede eh. Bakit sa maling tao pa tayo nagkakagusto? Bakit hindi nalang doon sa taong kayang suklian yung pagmamahal mo? Bakit masama na bang maging masaya? Gusto ko lang naman maging masaya.

Umuwi nalang ako ng bahay, nawalan na ako ng ganang kumain.

Pagpasok ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto at humiga. Kailangan kong malaman kung sino yung babaeng kasama niya. Kung sakaling sabihin niyang mahalaga yung babaeng kasama niya kanina.. susuko na ako.

To: Ice
Sino yung babaeng kasama mo kanina?

Hindi ko inaasahan na mag rereply siya kaagad.

From: Ice
Si Sabrina.

To: Ice
Girlfriend mo?

From: Ice
Fiancee ko.

Hindi na ako nag reply kasi hindi ko kaya. fiancee.

--
Comment po kayo. 😃

Mentostar ♡♡

#BeingSnob

Being Snob (Completed)Where stories live. Discover now