16

5.4K 66 2
                                    


Danica

It's been a week noong pumunta kami sa Resort nila Ian. Heto ako ngayon sa mall bumibili ng regalo para sa upcoming na wedding nina Dhea at Ivan. Omz! I'm so excited. Can't wait. *giggles*

Pagkatapos kung bumili ng regalo ay pina-wrap ko na ito. Para hindi ko na kailangang mag wrap pa sa condo. Hindi ko alam kung bakit napunta ako sa baby section. Bibili nalang ako ng damit para sa soon-to-be-baby nila Dhea. Hindi ko mapigilang ngumiti. Nakakatuwa palang bumili ng damit ng mga baby ang cu-cute.

Binayaran ko na ito at pumunta muna ako sa shop ng kakilala ko doon kasi ako nag pagawa ng susuotin sa kasal nila Dhea. Sabi kasi ni Dhea na kahit ano daw yung susuotin namin basta ang color ng dress ay blue anything basta pamilya sa color blue. Kaya ayon nagpatahi lang ako.

"Good afternoon nandito ba si Mrs. Choi?"

"Ah good afternoon din po. Nandito po. Nasa loob pa po may kausap. Sino po sila?"

"Danica Santiago."

"Ah wait lang po Maam. Sasabihan ko muna si Mrs. Choi. Upo muna kayo." Tumango lang ako at umupo. Kilala si Mrs. Choi sa pagiging magaling sa larangan ng fashion. Madami na siyang naging cliente na bigatin kaya walang kang ikakabahala dahil masisiguro mo talagang maganda ang magiging kalabasan ng pinapagawa mo. Dito ako palaging nagpapagawa ng gown kung kinakailangan.

"Bakit hindi mo pinapasok kaagad?"

"Ah sorry po Maam hindi ko po kasi alam."

Biglang lumabas si Mrs. Choi mukang pinag sabihan yung babae kanina.

"I'm sorry my dear. Bago pa kasi si Nicole dito kaya hindi ka pa niya kilala." Paghihingi ng tawad ni Mrs. Choi.

"It's ok."

"Sorry po Maam. Hindi na po mauulit sa susunod." Nakayukong paghingi ng tawad ni Nicole.

"Ano kaba Nicole okay lang yun." Nakangiti kung saad.

"Pasok na tayo dear. Susukatin mo pa yung ginawa ko para kung meron mang mali maaayos pa natin." Pumasok na kami sa office ni Mrs. Choi. May cliente pala siya dito sa loob. Hindi ko makita yung muka niya kasi nakatalikod. Pero masasabi mong mayaman. Matangkad base sa nakikita ko. Lalaki ang tinutukoy ko.

"I'm sorry Sir ok lang ba na kausapin ko muna si Miss Santiago."

Humarap naman yung lalaki na siyang ikinagulat ko.

"Ice." Mahina kong sabi pero sapat na upang marinig ni Mrs. Choi.

"Do you know each other?"

Tinignan lang ako ni Ice bago sumagot. "No."

Ah ganyan pala ha. Hindi mo pala ako kilala. Sinimulan mo, sasabayan ko.

"Ah sorry I thought ikaw yung lalaking nanakit sakin. Ice diin kasi yung pangalan niya. Medyo hawig nga kayo eh."

Bigla namang umigting yung panga niya.

"Ah Mrs. Choi nasan na po yung pinapagaw ko? Pwede ko nabang isukat?"

"This way Miss Santiago." Sumunod naman ako pero bago yun ay tinignan ko muna si Ice at inirapan. Bwisit siya. Nakakasama ng araw.

Kinuha naman ni Mrs. Choi ang isang gown na nasa cabinet at binigay sakin.

"Ito isukat muna. Hope you like it. Kakausapin ko muna si Mr. Heluxus." Ngumiti lang ako at pumasok na sa fitting room. Medyo nahihirapan ako sa pag zip sa likod hindi ko masyadong abot, pero pinilit ko talaga. Haaay salamat na-zip din. Inayos ko muna yung buhok ko at tinignan ang reflection ko sa salamin. Hmm not bad. Sakto siya sakin.



Biglang may pumasok kaya nagulat ako. Kala ko kung sino. Si Mrs. Choi lang pala.

"Oh ano Miss Santiago kasya ba?"

"Opo medyo nahihirapan lang ako sa pag sara sa likod."

"Ah okay lang yan ipasara mo nalang sa boyfriend mo."

"Ho? Boyfriend? Wala po akong boyfriend."

"Ay sorry akala ko may boyfriend ka. Sa ganda mong yan? Walakang boyfriend?"

"Hahaha. Ok lang po yon. Sila yung nawalan hindi ako." Nagtawanan naman kami ni Mrs. Choi.

"Oh siya sige hubarin mo nayan para makapagbihis kana."

Bumalik na ko sa fitting room at nagbihis. Umupo naman ako sa kabilang side na kaharap ni Ice. Hindi pa pala to umaalis?

"Ah ija kailan mo kukunin yung damit?"

"Ano bang day ngayon? Tuesday. Baka sa Friday pa po."

"Ah sige ipapahanda ko nalang kay Nicole. May ipapayos kaba? Baka gustong ipadagdag?"

"Ah wla napo. Ok na po yun."

"Oh sige. Hinhintayin ko nalang mag Friday."

"Sige po. Alis na po ako."

Lumabas na ako ng office ni Mrs. Choi at umuwi na ng condo.

--
Alam kung maikli lang. Inaantok na kasi ako. Annyeong! See you in my next adventure. Hahahahaha. See you sa next chapter. 👋👋

#BeingSnob

Being Snob (Completed)Where stories live. Discover now