CHAPTER 14 part 2

6.6K 116 26
                                    


CHAPTER 14 part 2

($ᴗ$)POV



Wow...



wala akong masabi...



Talaga palang mayaman ang pamilya nila Russell.



Paano ko nasabi?



Nakatayo kaya ako ngayon sa gate ng bahay nila Russell.



Ang taas ng gate.



kulay ginto pa yung gate nila...



Pinutahan ko si Russell kasi nag-aalala na ako dahil napaka tahimik nya nitong nakalipas na araw.



Nararamdaman ko na may problema kaya pinuntahan  ko sya.



Kaya heto nakatayo ako ngayon sa harap ng gate nila.



Mula rito sa gate may ilang metro pa siguro yung dapat mong lakarin para makarating sa bahay.. mali... mansyon nila Russell.



Kita din dito yung malawak na garden na natataniman ng mga puno at halaman.



Ang yaman yaman ni Russell.


Ang layo talaga ng agwat namin.


Kanina ayaw pa sana ako papasukin ng guard sa gate ng village.


Katulad ng inaasahan ko sa isang exclusive village.



Mabuti na lang at pinapasok din nila ako matapos tawagan yung katulong sa bahay nila Russell.


Ang yaya ata ni Russell ang naka sagot.


May naghatid pa sa akin na sasakyan.


Bawal daw maglakad ang mga sibilyan.


Baka daw mapagkamalan akong nagmamanman ng mga bahay.



Tsk.


Mayayaman talaga.



Pero paano ko kaya haharapin ang mga kasama ni Russell dito sa bahay?



Nasan kaya yung doorbell?



Hinahanap ko yung doorbell ng bigla na lang bumukas yung gate.



Automatic?


Napansin ko na may CCTV camera na nakatutok sa akin.



Nailang tuloy ako bigla.



Maya maya pa ay may sumalubong na sa akin na gurad.



"Ma'am pumasok na po kayo."



Kahit naiilang ay sumunod na lang ako sa guard na naghatid sa akin sa malaking pintuan ng bahay ni Russell.



Hindi ko mapigilan ang hindi manliit sa mga nakikita ko.



Lahat puro karangyaan.




Bumukas ang pinto at sinalubong ako ng nagpakilalang mayordoma.



Dinala nya ako sa sala.



Pina-upo sa napaka lambot na sofa.



Isipin ko pa lang.


Paano kaya nakaya ni Russell na mahiga sa sofa namin na kung tutuusin matigas para sa mayayaman na katulad nya.



Lalo tuloy lumaki yung insecurity ko. Sa estado ko parang mali na naging malapit ako sa isang katulad ni Russell.



Love story ni Chubby at ni NerdyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon