CHAPTER 12

7.6K 144 11
                                    

CHAPTER 12

Peachy’s POV

“Birthday mo?” natigilan ako sa pag copy ng lecture dahil nilapitan ako ni Bren.

“Birthday naming ng kakambal ko and I’m inviting you. Actually, yung buong grupo natin dito sa PD yung in-invite ko.”

“Bakit?”

“Bakit?” Nagtatakang tanong ni Bren.

“I mean bakit mo naisipan na i-invite kami?”

“For team building and bonding.”

“Weh?”

“Yeah. Actually Nathan suggested it.”

“Natanong mo na ba si Russel?”

“Ang sabi nya nga kapag pumayag ka daw sasama sya.”

Hala! Ginawa pa akong excuse.

Kung sabagay wala namang mali kung sasama ako.

“Kailan ba ‘yan?”

“Holiday sa Friday kaya sana sa Friday na tayo umalis, then hanggang Sunday tayo dun ng tanghali.”

“Umalis?”

“Yap, sa rest house namin sa batangas ise-celebrate yung birthday namin.”

“Okey, so buong weekend tayo dun?”

“Yes and I’ll assure you magiging masaya ‘to.”

Nag-isip pa ako kunwari. “Sige sasama na ako.”

“Great, thanks Peachy.” Tumayo na si Bren at iniwan ako.”

Kung buong grupo kaming pupunta dun? Pinayagan kaya yung iba?

“Lily, makakasama ka ba?” Binalingan ko Ms. Manang. Sa haba ng uniform nya at sa kilos nya mukhang may istrikto syang magulang.

“Actually hindi ako pinayagan ng mga kuya ko pero ng si Jigger na ang kumausap sa kanila bigla na lang silang pumayag.”

“Bakit nasaan ba ang parents mo?”

“Out of the country sila ngayon, e.”

Sumingit naman si Toni sa usapan namin ni Lily. Si Toni naman yung may pagka boyish. “Pinayagan din kami ni Candy.”

“So, kompleto pala tayong mga girls dun.” Nakangiti kong sabi.

“Nakakatuwa naman mukhang magbobonding kami sa Batangas ng sobra.

“The extinct group bakit parang ang ingay nyo?”

Nagulat kaming apat na mga babae ng magsalita si Sir Dragon. Napalaks ata yung tawa namin.

Tumahimik  na lang kami at nag ngitian.

Ipinagpatuloy ko na ang pagsusulat.

Maya-maya ay dumating na si Russell at naupo na sa tabi ko.

“I bet you said yes.” Sabi nya ng mahina. Katulad ko nagsusulat din sya at hindi nya ako tinitignan habang nagsasalita sya. “Inaya ka na ni Bren no?”

Shit!!!! Ang gwapo na talaga ni Boss.

“Ayaw mo ba Boss?”

Since nung birthday nya naging close na kami sabi nya nga ‘wag na ko na daw syang tawagin na Boss. Pero hindi ako pumayag, kailangan kong maglagay ng pader sa pagitan namin. Medyo malabo pa kasi kung ano yung mga emotions na nararamdaman ko sa kanya.

Love story ni Chubby at ni NerdyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon