CHAPTER 19 PART 1

6.7K 145 7
                                    

CHAPTER 19 Part1

($_$) POV


"Nasa bansa na si Russell? Kailan pa?" tanong ni Toni sa akin ng ibalita ko sa kanya yung tungkol kay Russell.

"Kahapon lang kami nagkita, sya yung bagong president ng company namin."

"Invite him para sa get-together-party natin. Para complete tayo."

Hindi ako nakapag react sa sinabi ni Toni.

Next week na kasi yung get together party namin.

Once every year nagkikita kita kami.

Si Toni, may pagka boyish pa din at isa ng Car dealer. Si Candy at Lily parehong teacher na. College ang tinuturuan ni Candy at primary teacher naman si Lily. Si Jigger architect na. Yung kambal na si Nathan at Bren mga engineer na. Si Stephen lawyer na. Si Rafael naman nasa company na ng Daddy nya at malamang sya na yung mag manage ng company nila in the future.


Lahat kami busy na sa mga career namin kaya once in a while kapag may oras nag se-set kami ng reunion.


"Hello Peachy? Hindi ka na nakasagot."

"S-sige I'll try to invite him."

"Good. Paano bye na muna may customer na dumating."

"Bye."

Ibinaba ko na yung phone na hawak ko. Pinindot ko na yung botton ng elevator.


Paano ko naman kaya sasabihin kay Russell ang invatation? Hindi na sya yung Russell na nakilala ko.

Kinapa ko yung pendant na bigay nya.

Nakakainis. Kahit itong pendant na bigay nya hindi ko magawang itapon.

Bumukas ang elavator at pumasok na ako. Magsasara na sana ang elevator ng may kamay na humarang.

And then I saw Russell. Parang na blanko ang isip ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at biglang nanghina ang tuhod ko.

Nang makapasok sya at magsara na ang elavator ay doon ko lang napilit yung sarili ko na magsalita.

"Good morning, Sir." bati ko.

Lumingon lang sya ng bahagya sa akin. "Good morning din."

Pagkatapos noon ay hindi na sya nagsalita.

Parang walang kasama.

Hmff...

Nang bumukas ang elavator ay nauna syang naglakad sa akin.

Napaka ungentleman.

Lumabas na din ako. Nang papunta na ako sa office ko ay lumingon sya sa akin.

"Mamaya ay ipapatawag kita sa secretary ko para sa schedule na paglilibot natin ok?"

"Yes, Sir."

Naiinis ako na pumasok sa office ko. Hindi ko agad napansin ang basket ng bulaklak na nasa table ko.

Ng makarating na ako sa table dun ko lang napansin ang basket.

Flowers?

Hinanap ko ang card para malaman kung kanino galing ang bulaklak.

Good morning beautiful.

Yun lang ang nakalagay doon.

Sino naman kaya ang nagbigay nito?

Love story ni Chubby at ni NerdyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon