CHAPTER 7

7.4K 160 33
                                    

CHAPTER 7

 

($ᴗ$)POV

($ᴗ$) “O, ayan Boss, sinunod na natin yang gusto mong kulay ng contact lens.”

Nakatalikod pa sa akin si Russell.

Nakaharap sya ngayon sa salamin.

Halos sampung minuto muna bago nya nailagay ang contact lens sa mga mata nya.

Parang aayaw na nga sya kanina, e.

Buti na lang natakot ko sya.

($ᴗ$) “Boss, patingin nga.”

Kinalabit ko pa sya.

Pero parang wala lang.

Ayaw na naman akong pansinin.

($,$)??? “Boss?”

(@.@) “Parang ayaw ko syang gamitin.”

Sumagot nga ayaw naman akong harapin.

Kaya sa inip ko hinila ko sya paharap.

Tugs. Tugs. Tugs. Tugs. Tugs.

Ang puso ko.

 

Sobrang lapit nya.

Ngayon ko lang sya nakita ng ganito kalapit.

Nawala lang ang salamin nya.

Pero ganun pa din ang buhok nya.

Hati pa din sa gitna.

Ganun pa din ang damit nya.

Baduy pa din.

Pero ng mawala yung makapal na salamin nya, umaliwalas ang mukha nya.

For the first time nakita ko yung mga mata nya.

(@.@) “Pangit ba? Sabi ko sa'yo wag na natin alisin ang salamin ko, e.”

($ᴗ$) “'Wag bagay nga sa’yo ang walang salamin.”

(@.@) ‘Sure ka?”

($ᴗ$) “Oo, kaya.”

Ngumiti sya ng sumagot ako sa kanya.

At parang dumoble ang tibok ng puso ko.

Para maka iwas ay lumayo na ako sa kanya.

May mali talaga sa nararamdamn ko.

########################################################################

(@.@) POV

 Ang lapit ng mukha nya sa akin.

Naiilang ako.

Bakit ba kasi kailangan nya pang makita ng ganito kalapit ang mukha ko?

(@.@) “Pangit ba? Sabi ko sa'yo wag na natin alisin ang salamin ko, e.”

($ᴗ$) “'Wag bagay nga sa’yo ang walang salamin.”

(@.@) ‘Sure ka?”

($ᴗ$) “Oo, kaya.”

Hindi ko napigilan ang mapangiti.

Nagustuhan nya ang itsura ko.

Pero teka nga…

Love story ni Chubby at ni NerdyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon