CHAPTER 15

7K 142 20
                                    

###########################################################################

When it Rains...

It really pours...

###########################################################################


CHAPTER 15

 

 

(@.@)

“Pasensya na hijo pero may sakit kasi si Peachy.” Sabi ng Nanay ni Peachy ng tawagan ko sya sa bahay nila. “Naulanan kasi noong isang araw.”


“Ganun po ba Nanay? Sige po paki sabi tumawag po ako at magpagaling sya.”


Binaba ko na yung cellphone ko.

Kaya pala hindi pumasok si Peachy dahil may sakit sya. Hindi nya kasi sinasagot yung mga tawag ko sa cellphone nya. Siguro talagang masama yung pakiramdam nya.

Dalawin ko kaya sya?

#############################################################

(@_@) POV


“Nanay okey lang po ba kung sisilipin ko si Peachy sa room nya?” sabi ko dahil ayaw daw lumabas ni Peachy ng kwarto at nagaalala na ako ng sobra. I wanted to make sure na she’s okay. “Promise, Nay, sisilipin ko lang po sya at hindi guguluhin.”                         


“O, sige dalhin mo na din itong gamot at ikaw na ang magpainom sa kanya.”


“Sige po.” Bitbit ang isang baso ng tubig at gamot ay umakyat na ako para puntahan si Peachy sa kwarto nya.


Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko pinihit pabukas ang pinto.


Nakahiga si Peachy at mukhang tulog sya.

Ibinaba ko ang gamot at tubig sa side table at naupo sa gilid ng kama.


Hinaplos ko ng marahan ang buhok ni Peachy.


Finally, nabawasan na rin kahit papaano ang pagaalala ko kay Peachy.

Sobrang nagaalala na kasi ako nung hindi nya sagutin yung mga tawag ko.


Ang dami ko pa namang sasabihin sayo…

 

 

 

May kasalanan kasi ako sayo…


Kusang humaplos ang mga kamay ko sa pisngi nya.

“Russell…” ungol ni Peachy

“Peachy...” Tawag ko sa kanya kasi akala ko nagising na sya.


“’Sorry…” Ungol ni Peachy na nakapikit pa din.


Is she dreaming of me?


Nakita ko ng may mga luhang dumaloy sa mga mata ni Peachy.


On an insatant ay nagawa kong mahiga at yakapin si Peachy para kalmahin.


“Hush…” sabi ko while giving her butterfly kisses on her temple.


After a minute ay huminto na sya sa pag-iyak at naging payapa na ulit ang paghinga nya.


Love story ni Chubby at ni NerdyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon