CHAPTER 19 PART2

6.2K 129 3
                                    

CHAPTER19 PART2

($_$) POV


Nasaan na yung bag ko? Dito ko lang yun nilagay sa upuan.




Galing ako sa banyo at pagbalik ko wala na yung bag ko.




Pumunta ako sa kusina kung nasaan si Russell.



"Russell, nakita mo ba yung bag ko?"




Naghuhugas sya ng pinag-inuman namin ng kape.




"Hindi." sagot nya.




"Wala na dun sa pinag iwanan ko,e."



"Baka na misplace mo lang."



Na misplace ko?



Napaka imposible naman 'ata nun.




"Imposibleng na misplace ko yun. Ang laki ng bag na yun at wala naman akong pinuntahang ibang lugar sa bahay

mo."




"Tignan mo kaya ulit."




"Hinanap ko na nga di'ba? Wala dun. Dalawa lang tayo dito Russell kaya ang mabuti pa ilabas mo na yung bag ko."




Humarap si Russell sa akin. "Wala sa akin."



Nagdududang lumapit ako sa kanya. Halatang may tinatagong kalokohan yung expression ng mukha nya.




"Akin na yung bag ko. Tatawag lang ako sa office."





"Manood kaya tayo ng movie?" pagiiba nya ng usapan.




"Russell marami akong dapat gawin. Just give me my bag, okay?"




"I'm sorry I can't do that."




"Why?"




"Because thats part of the plan."




"What plan?"




"My plan to make you stay here for a week."




"What?!"




Naloloko na ba sya? Ako mag-i-stay dito ng isang linggo? No way. Ang dami kong trabaho na dapat asikasuhin.




"No! Hindi ako mag-i-i-stay dito ng isang linggo. Ang dami kong paper works na dapat tapusin."




"Don't worry nakapag bilin na ako sa office."



"Mag aalala sa akin sila nanay."




"Alam nila na ako yung kasama mo."



"At pumayag sila?" hindi makapaniwalang tanong ko.




"Ang sabi ni Tatay at Nanay ingatan daw kita. Yun lang yung bilin nila."



Tatay at Nanay...


Yun pa rin ang tawag nya kay tatay at nanay...



"Nagkausap na kayo?"



"Yes, sila yung una kong pinuntahan pagkauwi ko."




Na touch naman ako sa mga sinabi nya. Kahit papaano ay may halaga din naman pala sa kanya yung pamilya ko.




"Ano ba kasing binabalak mo?"



Nagseryoso ang mukha ni Russell ng marinig nya ang tanong ko.




"Marami. Kaya sana pagbigyan mo ako, Peachy. Pagkatapos ng isang linggo hahayaan na kitang magdesisyon. Ang dami kong gustong sabihin kaya lang alam ko na pwede mong pagdudahan lahat 'yun. Kaya ang balak ko iparamdam na lang lahat ng gusto kong iparating sayo. Ayaw ko lang na basta magsalita, gusto daanin na lang lahat sa gawa." lumapit pa sya lalo sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "I want to show you how important you are to me. Will you give me the chance to prove it to you?"



Sinasabi ng puso ko na 'wag umasa. Na isumbat ko dapat ang lahat na sakit na naramdaman ko noon. Na hanggang ngayon lagi ko pa ding naiisip na sana hindi sya umalis para hindi ako nasaktan. Gusto kong ilayo yung sarili ko sa kanya dahil nakakatakot na umasa ako ulit at sa dulo masaktan na naman. Ako pa din yung chubby na nakilala nya. Paano kung tumaba pa ako lalo? Anong magiging tingin nya sa akin? Hindi nya nga ako minahal noon di'ba?




Pero bakit sinasabi ng mga mata nya na mahalaga ako? Bumalik ba sya para paasahin na naman ako?




"Just give me this chance. Please?" Parang nabasa nya yung pagaalinlangan sa mga mata ko.




"Pero-"




"I promise you. Pagkatapos ng isang linggo hindi na kita guguluhin." puno ng paki usap ang boses nya.



Susubok ba ako ulit?




Sa huli pinakinggan ko ang sinasabi ng puso ko.



Marahan akong tumango.



####################################################################

Love story ni Chubby at ni NerdyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon