He's Getting Worst Each Day

148 12 6
                                    

Paumanhin po sa mabagal na updates, hope you understand po na may busy moment din si story teller. hehe, sana po ay huwag kayong bibitaw. maraming salamat po.

now with the story po.


Busy moment sa mga estudyanteng active sa eskwelahan, si Jom ay tumuloy ng pumasok bilang assistant editor in chief ng the view, nakialam ang kaibigang si Edward at simpleng iniabot kay Mr. Manuel ang kanyang essay.

Nung una ay talagang nagalit si Jom sa ginawa ng kaibigan, pero ng ipaliwanag ni Edward na sasayangin nya ang opportunity ng dahil lamang sa mainit ang dugo sa kanya ni Jake 'ruggedly handsome' Harriman ay hindi dapat na umatras sya.

"Dedmahin mo na lang sya." Iyon ang sabi ng kaibigan.

At ganuon nga ang ginagawa ni Jom kapag nasa the view, mabuting ginagawa ni Jom ang kanyang trabahao bilang assistant editor in chief ngunit madalas ay pinupuna ni Jake ang kanyang trabaho. Okay nga lang sana kung constructive criticism ang ginagawa nito, pero madalas ay talagang hinahanapan na lang sya ng butas ni Jake para mapagalitan o kaya naman mas tamang sabihing para maipahiya sya sa kanilang mga kasama.

Kahit sa SBO ay lagi na lang syang pinag-iinitan ng kanilang President. Minsan ay ginawa nya ang listahan ng kanilang monthly dues, gumawa din sya ng record para i-submit sa office ng SBO, pero nakakita pa din ng butas ang Jake 'yabang' Harriman na ito.

Dapat daw ay si Scarlet ang maniningil at isa-submit sa kanya hindi daw sakop ng trabaho nya ang maningil, at ng tanungin nito si Scarlet kung may hawak na record, matunog na matunog na "wala" ang sagot nito.

Lalo namang uminit ang ulo ni Jake, nagpaliwanang si Jom na ang sinubmit nyang kopya sa SBO ay para kay Scarlet, pero ipinilit ni Scarlet na wala syang natatanggap na kopya, na dapat sana ay personal na binigay sa kanya ni Jom ang sinasabi nitong kopya.

Nakialam pa nga sa usapan ang kakambal nitong si Brent at ang kaibigan nilang sina Lorie at Edward. Pero sa bandang huli ay hindi rin nakatulong ang kanyang mga kaibigan sa halip ay lalo pang uminit ang ulo ni Jake sa kanya.

Ayaw daw nito ng kampihan sa pamumuno nya, kung may nagkamali o may magkakamali may consequence ang nagkamali at hindi dapat panigan ng sino man ang nagkamali. Tiniis ni Jom ang lahat ng pagmamasungit ni Jake sa kanya. Katwiran ni Jom, lahat ng obligasyon nya ay nagagawa nya ng tama at naniniwala ang mga kasamahan nya hindi lang sa the view kundi pati na din sa SBO sa kanyang kakayahan at tama sya.

Katatapos lamang nilang mag-edit, next week ay mag-re-release na ng kauna-unahang issue ang the view. For printing na ito, kaya naman maluwag na ang lahat.

Kumpleto ang attendance ng the view, nanduon din si Mr. Manuel. Sinisimulan na nitong i-coach si Jake para sa susunod na issue.

Samantala si Rick ay masiglang nakikipag-biruan kay Jom, sampu ng kanilang mga kasama. Magkatabi sa upuan sina Jom at Rick, nakaupo sila sa mahabang lamesa sa labas ng the view office, dito ginaganap ang meeting nila, pag meron silang deadline sa mahabang lamesa ding iyon ang kanilang pwesto.

Kwela talaga si Rick, madalas ay nakakatuwa itong magdeliver ng salita, kahit hindi sinasadya ay lagi kang matutuwa sa sinasabi nito. At dahil nga sa tapos na ang kanilang deadline ay masayang nagre-relax ang the view staff.

Isang nakakatuwang joke ang pinakawalan ni Rick, na ayon dito ay nabasa nya sa readers digest. Ganun na lang ang tawanan ng mga kasamahan ng marinig ang joke. At si Jom na bihira kung bumumunghalit ng tawa ay hindi rin nakapagpigil.

Nagulat ang lahat ng pabagsak na isarado ni Jake ang pintuan ng opisina ng the view.

Salubong ang mga kilay nito at mabilis na lumakad palapit kay Jom.

Young heart, Sweet love (kilig, luha at saya ng umiibig book 4) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon