Class Officers

161 13 25
                                    

Nagbotohan ng class officers, si Brent ang nanalong President, Vice president naman si Edward, si Lorie ang secretary, treasurer naman si Jom, ilan sa kanilang mga kaklase ang naiboto para sa iba pang bakanteng posisyon.

At ang pinakahihintay ng lahat, Muse, at syempre si Scarlet O'Harra ang nangungunang napipisil para kumatawan sa kanilang Section, taon-taon ay may ginaganap na Senior Campus Queen, at si Scarlet ang nais ng section Camia na kumatawan sa kanilang klase.

Bakit nga naman hindi, sadya namang maganda talaga si Scarlet, pinay ito pero kung tititigang mabuti ay nahahawig ito sa sikat na singer na si Taylor Swift. Nagmula kasi sa lahi ng mga espanyol ang kambal na Brent at Scarlet.

At nung sila ay nasa Junior high school pa lamang hawak ni Scarlet O'Harra ang korona ng Junior High. Umaasa na ang advicer na si Mrs Santiago na si Scarlet na ang magiging muse ng biglang magtaas ng kamay ang kakambal nitong si Brent.

"Yes Brent?" sabi ng kanilang advicer.

"I would like to nominate Joe Marce Llwellyn Mallari for muse." Sabi nito.

Nagulat naman si Jom at inawat ang kaibigan.

"I second the motion" sabay na sabi naman ni Lorie at Edward.

"Wala pa tayo sa second the motion part." Sigaw ng isa nilang kaklase mula sa likuran.

"Brent, okay ka lang? muse ang hanap natin hindi mascot." Salita ni Asia.

Nagtawanan ang buong klase. Hiyang-hiya naman si Jom.

"Quiet!" sabi ng kanilang guro.

"Ma'am, nagbibiro lang po si Brent." Magalang na sabi ni Jom.

"Seryoso ang botohang ito!" masungit na tugon ni Ma'am Santiago.

"Pasensya na po ma'am, si Scarlet na po ang muse." Sabi ulit ni Jom.

Nagpalakpakan ang buong klase.

QUIET!

Tumahimik ang lahat. Tumayo naman si Edward at saka matapang na sinabing "Bakit hindi tayo magbotohan."

"Ano ka ba Edward, tama na!" pigil ni Jom sa kaibigan.

"Tama! Botohan naaa." Sabi ni Julius Tenor.

"Nagkaisa ang buong klase na si Jom ang iboto, tuwang-tuwa naman si Brent at si Edward. Nakairap naman si Lorie, si Scarlet sampu ng kanyang grupo ay nagbungisngisan pagkatapos na ideklara na si Jom ang muse.

"Si Julius ang nanalong escort, pinangunahan ni Scarlet ang idea. Ganun na lamang ang inis ni Julius na sinabing ulitin ang botohan sa muse.

Hiyang hiya naman si Jom. Pagkatapos ng klase ay tahimik ang magkaibigang Lorie at Jom habang nag-iintay sa kanilang sundo. Nagtataka naman ang magkaibigang Brent at Edward.

"Anong meron?" nagbibirong sabi ni Edward.

"Silent Mode!" sagot naman ni Brent.

"Para kayong mga tanga hano, tuwang tuwa pa kayo sa ginawa nyo kay Jom!" Mataray na sabi ni Lorie.

"Syempre naman, nakakasawa na kayang muse si Scarlet." Sabi ni Edward sabay baling kay Brent. "no offense pare."

"None taken" nakangiting sagot naman ni Brent kay Edward.

Wala pa ding imik si Jom, mangiyak-ngiyak na ito dahil sa todong kantyaw na inabot kanina sa buong klase, samahan pa ng galit na Lorie. Nagsisisi tuloy sya kung bakit pinapangit nya ang sarili.

"Maganda naman itong si Jom." Sabi ni Brent.

"Maganda nga, maganda ang kalooban, no offense best friend." Sabi ni Lorie kay Jom.

Young heart, Sweet love (kilig, luha at saya ng umiibig book 4) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon