Election Day

148 8 8
                                    

Maagang pumasok sina Jom, Brent, Lorie at Edward para bumoto. Bawal silang tumambay sa voting room kaya nagkaisa ang magkakaibigan na sa loob ng radio station tumambay. On-board ang kaibigan nilang si Edward. Masigla itong nagpapatugtog ng mga sikat na awitin habang naghihintay sila sa pagsasara ng voting room.

Mamaya ay magbibilangan na, bago matapos ang araw ay malalaman na nila kung sino-sino ang mga panalo.

Walang balak si Jom na hintayin pa ang bilangan, mas malakas ang kutob nyang hindi sya makakapasok. Malakas ang kalaban nya. Isa din sa matatalino at very active sa higher section ang kanyang kalaban.

Balita nyang ito ang third honor sumusunod sa second honor na kalaban sa pagka-Presidente ng first honor ng batch nila na si Jake Harriman.

Speaking of Jake Harriman, nakasabay nila ito sa pagboto kanina. Binati ng mga kaibigan nya ang binata, at masigla din itong bumati sa mga kaibigan nya. Nang siya naman ang bumati dito ay binalewala lamang sya ni ruggedly handsome. Alam ni Jom na kunwari lamang na hindi sya narinig ng binatilyo dahil medyo may kalakasang "Hi" ang sinabi nya, sinabayan pa nya ng kiming kaway ng dalawang kamay ang salitang 'hi' tapos ay ngumiti pa sya.

Pero dedma ang hinayupak na ruggedly handsome, para pa nga syang napahiya ng makitang nagbubulungan si Edward at si Lorie pagkatapos syang isnabin ni Jake.

"Hoy! Tulala ka yata?" Kalabit sa kanya ni Brent.

Nagbibiruan ang magkakaibigan sa pagitan ng saliw ng masayang musika na pinapatugtog ni Edward, si Lorie ay sumasayaw pa sa dance beat na umeere ngayon sa kanilang school radio.

"Yaan mo na ang manang Brent, disappointed lang ang lola mo kasi dinedma sya ni ruggedly handsome." Sabay tawa ni Lorie.

"Edward, sigurado ka hindi tayo naririnig ng mga estudyante?" naiinis na tanong ni Jom sa kaibigang si Edward.

"Berat ka ba, di natanggal ako sa radio station pag ini-on ko ang mike, alam mo naman itong si Lorie humahanap ng damay sa kabulastugan." Nakatawang sagot ni Edward.

"Excuse me darling, sutil lang ako pero hindi ako mapag-gawa ng kabulastugan, yang kakambal ni Brent manapa." Huminto sa pagsasayaw si Lorie at naupo sa tabi ni Edward.

"Alam nyo... sa lahat ng kabulastugan ng kakambal ko yung ginagawa nya kay Jom kahapon ang inayunan ko." Nakangiti ang binatang Brent at titig na titig kay Jom habang nagsasalita.

"I see that coming, kaya nga bago magsimula ang meeting de abanze e bahagya kong mineykapan itong si Jom, kasi narinig ko minsan... naguusap ang mga mean girls at nabanggit ang peluka at salamin ni Jom, tapos sabi ni Scarlet, 'I have an idea' naisip ko... yesterday would be the day for Scarlet mean idea and presto! Magandang-magandang Jom ang nakita ng buong St. Bartolo High.

"Pupusta ko dudumugin ka ng admirers Jom." Kumbinsidong salita ni Edward.

"Tama ka dyan, kaya lang mukang taken na itong si Jom." Sagot naman ni Brent.

"Taken nino?" nagtatakang tanong ni Lorie.

"Taken for granted ni ruggedly handsome." Sabi ni Edward. Nagtawanan ang magkakaibigan.

"Alam nyo, wala na kayong alam asarin kundi ako saka yang Jake Harriman na yan, wala akong gusto sa mokong na yun noh!" naiinis na sabi ni Jom.

"Hmmm, wala pa, pero I'm sure pag hindi ka na taken for granted ng Jake Hariman na yun, BOOM! Bibigay ang diwata sa ruggedly handsome." Nang-iinis pa ding sabi ni Lorie.

"Diwata ka dyan, lubayan nyo na'ko at walang ka-pag-a-pag-asa na pansinin ako ng Jeff na yun, taken and I mean taken as in boyfriend na ng pinakamagandang babae sa eskwelahan si Jake, at wala akong panama kay Scarlet.

"First, maganda nga ang kakambal ko, pero hindi sya ang pinakamaganda."

"Korak! ako ang pinaka, susunod ka bestf riend," putol ni Lorie sa sinabi ni Brent.

"Second," pagpapatuloy ni Brent, "Hindi taken ng kambal ko si Jake, obvious na may gusto si Scarlet kay Jake pero for the record wala silang relasyon, and the last but not the least, sinabi mong wala kang panama kay Scarlet, I beg to disagree, medyo lamang sya ng ganda sa'yo pero mas matalino ka sa kapatid ko."

"Okay ka lang Brent? Hamak na hamak naman kapatid." Sabi naman ni Edward.

"Okay, hamak na hamak na matalino ka kay kambal." Imitate ni Brent sa sinabi ni Edward. "at kung ako e hindi kakambal ni Scarlet, for example isa lang akong kapwa nyo estudyante at kaylangan kong mamili ng liligawan, ikaw ang pipiliin ko."

Nabigla silang lahat sa sinabi ni Brent.

"Dumidiga ka na ba partner nung lagay nayan?" Sabi ni Lorie, itinago ang bahagyang selos at pagkagulat sa sinabi ni Brent.

"Parang ganuon na nga." Sabi naman ni Edward.

"Tumigil nga kayo!" dinisimula ni Jom ang awkwardness na nabubuo. "Nagsi-set lamang ng example si Brent, he' just making a point."

"Tama... I'm just making a point." Sabi naman ni Brent.

Kinabukasan, grand slum win ang Promising Student. Masaya ang lahat at very sport ang kabilang party ng makipagkamay ang bawat isa sa kanila. Pagkatapos ay lumapit si Mr. Manuel sa grupo ng mga nanalo.

"Congratulations kids, ngayon e medyo mahaba-haba ang oras natin na magkakasama, lahat kayo ay nasa drama class at ilan sa inyo ay sa quiz bee at spelling, yung iban naman e sa the view. Pagtiisan nyo lang ang kagwapuhan ng Sir Manuel nyo mga bata, at isang taon tayong magkakasama sa maraming activities."

Gwapo naman si Mr. Manuel, nahahawig ito sa artista at nasa senadong si Ramon 'Bong' Revilla Jr, medyo moreno lang ang kulay nito kesa sa senador,

"Kayo din ho ang coach ng SBO sir?" masiglang tanong ni Jom sa guro.

Mabait at palabirong Coach si Mr. Manuel, sa loob ng mahigit halos isang buwan ni Jom sa paaralan ay napalapit na rin ang dalagitang si Jom sa kanilang guro na si Mr. Manuel. Bakit nga hindi ay talaga namang kagiliw-giliw si Jom at bukod sa matalino na ay mabait na bata si Jom at magalang pa.

"Kaya nga sabi ko huwag kayong magsasawa." Biro ni Mr. Manuel sa dalagita.

Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ni Mr. Manuel.

"Kayo ho ang huwag magsasawa sa'min Sir." Magalang na sabi naman ni Jake.

Napatingin si Jom kay Jake, nasa magandang mood ito ngayon, naka-abrisyete naman si Scarlet sa binata at halatang mas maganda ang mood nito.

'sila na kaya?' sabi ng isip ni Jom.

"Basta huwag nyo lang pasasakitin ang ulo ko mga bata." Nagbibirong sagot ni Mr. Manuel, "So, pano, bukas meeting tayo, simulan na natin ang pagpapatakbo ng eskwelahan.

"Yes sir, sabay-sabay na sabi ng Promising Student at magalang na nagpaalam sa kanilang coach at tumungo na sa susunopd nilang klase.

oK:

Young heart, Sweet love (kilig, luha at saya ng umiibig book 4) ON HOLDWhere stories live. Discover now