Disciplinary Action

246 13 10
                                    


Dahil sa pagsasalubong ng galit nila Jake at Jom sa opisina ng the view ay pinapunta sila ni Mr. Manuel sa guidance office. Ganun na lang ang takot ng dalawa dahil ang matandang dalaga at istriktong social studies teacher ng Bartolo High na si Miss Valino ang guidance counselor ng kanilang eskwelahan.

Nang sabihin ni Mr. Manuel ang mga nangyari sa loob ng opisina ng the view kay Miss Valino ay nagdesisyon ang councelor na maglilinis ng park ng eskwelahan sina Jake at Jom at pagagandahin nilang dalawa ang park. Utos din ng istriktang si Ma'am Valino na hindi sila titigil hanggat hindi nila napapaganda ang park ng kanilang paaralan.

"And I want you both to settle things out, bago matapos ang parusa ninyo ay kailangang magkasundo kayong dalawa kung ayaw ninyong pati buong eskwelahan ay ipatrabaho ko sa inyo. Hangga't hindi namin nakikita ni Mr. Manuel na nagkakaayos kayo at hanggang walang kapwa ninyo estudyante ang mag-wi-witness na magkaibigan na nga kayong dalawa ay hindi kami titigil ni Mr. Manuel na bigyan kayo ng parusa until both of you settle things out." Mahabang sermon ni Miss Valino "Maliwanag ba!" minulagatan pa sila ng masungit na teacher.

"Yes Ma'am." Mabilis at sabay na sagot nila Jake at Jom, pagkatapos bigyan ng iba pang instructions sina Jom at Jake ni Ma'am Valino ay pinalabas na sila ng guro sa opisina nito.

"This is all your fault!" nang-gigigil na sabi ni Jom kay Jake matapos na maisarado ng binatilyo ang pintuan ng guidance office.

"At ako lang ang may kasalanan?" mulagat na sagot naman ni Jake.

Sasagot pa sana si Jom ng makitang lumabas ng pintuan si Sir Manuel, yuko ang ulo ni Jom at umalis naman si Jake sa pagkakaharang sa pintuan at tumayo sa tabi ni Jom nang maramdaman nya ang presensya ni Mr. Manuel.

"I can sense that you two are still arguing." Nakangiting sabi ni Mr. Manuel "mukha yatang sobra ang kasipagan sa katawan ninyo at gusto ninyong malinis at mapaganda ang buong Bartolo High, aba eh! maawa naman kayo sa janitors natin baka mawalan ng trabaho." Biro ni Mr. Manuel sa dalawang kabataan na ang tinutukoy ay ang hindi pa rin pagkakasundo ng dalawa at malamang na walang balak na magkasundo ang dalawa kaya sinabayan na nya ng pagwa-warning ang mga ito sa maaring mangyari kung hindi talaga magkakasundo sina Jake at Jom.

"Ito lang naman hong favorite student nyo ang matigas ang ulo eh." Nagrereklamong sabi ni Jake kay Mr. Manuel. Itinuro pa nya si Jom habang nagsasalita.

"Bakit ako?" kunot noo namang sagot ni Jom.

"Aba! Eh, di itanong mo kay Sir Manuel kung bakit ka nya paborito? Malay ko ba?" nang-iinis na sabi naman ni Jake.

"Hindi ang pagiging paborito ang ibig kong sabihin." Irap ni Jom kay Jake "Ang sinasabi ko bakit ako lang ang may kasalanan eh ikaw itong akala mo babaeng hindi dinadatnan ng monthly period sa kasungitan."

Sasagot pa sana si Jake pero nakangiti silang inawat ni Mr. Manuel. "Actually parehas ko kayong paborito." Sabi ni Mr. Manuel "Kaya nga gusto ko sanang magkasundo kayong dalawa." Kumindat pa si Sir Manuel kay Jake sabay sabing "Ang totoo, you two look good together."

"Sir naman! her?" Nakasimangot na awat ni Jake sa lalaking guro "I respect you a lot Sir at balita ang inyong sense of humor Sir Manuel at sa lahat po ng joke nyo yang the two of us good look together ang pinaka nakakatawa Sir." Nakangiting sabi ni Jake.

"Hmmm...malalaman!" sabi naman ni Mr. Manuel at pagkatapos ay iniwan na ng guro sina Jake at Jom na nagpalitan muna nang matatalim na tingin bago sumunod na lumabas kay Mr. Manuel mula sa guidance room.

KINAGABIHAN:

hapunan sa bahay ng Mayamang Familia Mallarri.

Ipinaliwanag ni Jom sa mga magulang at sa kanyang Lola Insyang ang nangyari sa pagitan nila ni Jake Harriman sa opisina ng The View, sinabi nya ang desisyong parusa ng guidance counselor at social studies teacher na si Ma'am Valino. Hiniling din nya at ipinagpaalam sa mga nakakatanda ang kapatid na si Boyet at si Yaya Inday na kung pwede ay samahan sya ng mga ito ngayong weekend na darating sa paglilinis ng park ng kanilang paaralan.

Young heart, Sweet love (kilig, luha at saya ng umiibig book 4) ON HOLDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora