Meeting de Abanze

170 11 13
                                    


"Show them what you've got my dear best friend. I am helping you here sabi mo nga ay nahihirapan ka na sa pagkukunwari, tama ka panahon na para itama ang lahat and as a good friend I'm helping you out here Jom." Sabi pa ulit ni Scarlet sa mikropono.

Hindi totoo ang sinasabi ni Scarlet, ni hindi nga sila nag-uusap ng dalagita, hindi maintindihan ni Jom kung ano ang pumasok sa isip nito para sabihin na mag-best friend sila at ngayon ay nakatuwaan syang bigla na ipahiya.

"Kung hindi mo gagawin ang sinasabi ko ako na ang gagawa, and trust me Jom you are not so going to like it." Bulong ni Scarlet sa kanya.

Kinakabahang tumingin si Jom sa mga estudyanteng nasa oval, tahimik ang lahat. Walang umiimik, nag-iintay sa susunod nyang gagawin, o mas malamang sa susunod na gagawin ni Scarlet, Jom looked at her friends, sumenyas ng OK sign si Edward at si Lorie mula sa baba ng stage. Nang ibaling nya ang tingin kay Brent ay nakakalakas loob na tango ang binigay nito sa kanya. At si Jake, nakatingin sa kanya si Jake pero nahihirapan si Jom na basahin ang itsura nito.

Huminga ng malalim si Jom, una nyang tinanggal ang may kalakihang antipara sa kanyang mata, pinangunahan ni Scarlet ang pagpalakpak matapos maalis ni Jom ang salamin sa mata na sinegundahan naman ng kapwa nila estudyante. Lalong kinabahan si Jom at hindi nakatulong ang masibagong palakpakan.

And now, the moment that everybody is waiting for, ang pag-aalis ng kanyang wig, muling tumahimik ang lahat. Yumuko si Jom at may pag-aalinlangang alisin ang suot na wig.

"Go for it Ate." Narinig nyang hiyaw ng kapatid na si Boyet.

Natigil si Jom sa gagawin, hinanap ng kanyang paningin ang kapatid na si Boyet, kung tutuusin ay hindi dapat na andito ang kapatid dahil nasa grade school ito. Ano man ang dahilan kung bakit andito ang kayang kapatid sa kanilang meeting de abanze ay mamaya na nya aalamin, malilintikan talaga ang kapatid nya kung nag-cutting classes ito para manuod sa kanila.

"Ano na, naiinip na kami?," pumawewang pa si Scarlet habang naasar na ang tono.

Yumuko si Jom, muli ay bumuntunghininga sya para palakasin ang loob. Sa gawi ng kanyang batok niya hinugot at wig, sinadya nyang matabing sa kanyang mukha ang wig na inaalis.

Nalaglag ang mahaba at itim na itim na buhok ni Jom, lumikha ng ingay na parang mga bubuyog ang mga estudyante sa kanilang mga bulungan, inayos ni Jom ang nalaglag na buhok mula sa pagkakalis ng kanyang wig, sadyang unat ang buhok ni Jom. Narinig niya ang tawag ng kaibigan na si Lorie sa kanyang harapan sa ibaba ng stage at sumenyas itong ibato sa kanya ang wig at salamin.

Sumunod naman si Jom pagkatapos ay inayos nyang muli ng kanyang kamay ang kanyang buhok, sabay ngiti at sanabi sa mikropono ang famous rejoice advertisement."Shinampoo ko lang yan!."

Nagtawanan ang lahat ng estudyante kasunod ang palakpakan, narinig pa nya ulit na sumigaw ang kapatid na si Boyet ng "ATE KO YAN!"

Naiinis namang bumalik sa upuan si Scarlet, ang purpose nya ay ipahiya si Jom sa buong eskwelahan, all along she thought na pangit ang buhok nito, kung makikita ng mga estudyante ang pangit na buhok ni Jom ay mawawalan ito ng follower, considering nagsinungaling ito sa tunay na itsura. Nagtatago sa mas pangit pang Jom. But to her dismay, eto at magandang-maganda si Jom sa mahabang buhok, at lumutang ang kagandahan nito ng maalis ang malaking salamin sa mata.

"Nice try twin sister." Nang-iinis na sabi ni Brent sa kakambal.

Hindi pinansin ni Scarlet ang kakambal, nang tingnan nya si Jake ay titig na titig ito kay Jom, para bang gandang-ganda sa kaklase nyang si Jom samantalang likod at buhok lamang naman nito ang tinititigan ng binata. Lalong naasar at sumimangot pa si Scarlet.

Habang si Jom naman ay lalong ginanahan sa kanyang speech, she have to admit nakatulong ang ginawa ni Scarlet, ngayon ay malaya na syang ipakita ang itsura na hindi magmumukang kina-career nya ang pagpapaganda. Mamaya pagkatapos ng meeting de abanze ay pasasalamatan nya si Scarlet sa ginawa nito, parang nakikita na ni Jom ang inis na itsura ni Scarlet pag pinasalamatan nya. Sabayan pa ng mga kaibigang si Lorie at Edward na mang-iinis at tyak na magsasabing "Salamat dahil sa'yo gumanda ang kaibigan naming si Jom." Talaga namang mabubwisit ang kahit sino.

Young heart, Sweet love (kilig, luha at saya ng umiibig book 4) ON HOLDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang