Jom's Potential Part 2

152 13 5
                                    


After class ay nagtungo si Jom sa opisina ng the view. Sinalubong sya ng nakatalagang usherette sa bungad ng opisina, ngumiti ito sa kanya ng tumingin sa kanya pagkatapos ng bahagya niyang kinatok ang nakabukas ng pintuan.

"Joe Marce Mallari, right?" nakangiting tanong nito sa kanya.

"It's Jom, How did you know...."

"Ikaw lang naman ang naka-schedule ngayong araw na ito." Nakangiti pa ring sabi nito. "Interesado kasi si boss sa'yo, bukam-bibig ka kasi ni Mr. Manuel kahapon ng makita nya yung essay na sinubmit mo.

"Mr. Manuel, yung coach ng drama team?" tanong ni Jom sa kausap.

"Yup! Sya din ang coach ng quiz bee team. Galing noh!" kumindat pang sabi nito.

'kaya pala malapit si Brent kay Mr. Manuel' sabi ng isip ni June.

"Ako nga pala si GG, short for Girlie Gomez." Pakikay na sabi nito.

"Jom" sabi naman nya sabay abot sa kanyang kamay para sa famous handshake.

"Pasok ka na dun" itinuro ni GG ang pintuang nakasarado kung saan nakasulat ang View Office.

Medyo kinakabahan pa si Jom, bahagyang nakaramdam ng excitement ang dalagita, baritone ang boses na nagmumula sa radio kaninang pananghalian ng i-announce ang pangalan nya, "that's Jake"ayon sa kaibigan nyang si Lorie at sabi pa nito mas gwapo pa daw ang Jake'ruggedly handsome' Harriman na ito kaysa kay Brent, that was really something considering crush na crush ng bago nyang kaibigan na si Lorie ang bago rin nyang kaibigang si Brent at talaga namang may kagwapuhang taglay ang binatang Brent O'Harra.

Mahihinang katok ang ginawa ni Jom sa nakasaradong pinto pagkatapos ay ang maawtoridad na "Come In" ang narinig nya mula sa loob. Huminga muna ng malalim si Jom bago dahan-dahang binuksan ang nakasaradong pintuan.

May apat na lamesa sa loob ng silid, may nakalagay na maliit na parihabang kahoy sa ibabaw ng mga lamesa kung saan nakaukit ang mga letra ng bawat posisyon ng school paper. Sa kaliwang bahagi ay may dalawang magkadikit na lamesa, Assistant Editor in chief at Management editor and nakasulat sa maliit na kahoy na nakapwesto sa gitna ng lamesa. Sa gitna ay may lamesa at ang nakaukit na letra sa kahoy ay TEAM COACH. 'malamang ay kay Mr. Manuel ang lamesang yun' sabi sa isip ni Jom, at sa kanang bahagi naman ng silid ay mayroon ding dalawang lamesa. Editor in chief at Editorial Assistant naman ang nakaukit na letra sa mallit na parihabang kahoy. Mayroon pang ibang lamesa na sya namang ino-okupa ng iba pang posisyon para sa the view.

Kung wawariin ay parang mahirap na makasama sa napakaraming activities sa loob ng eskwelahan, pero may kanya-kanyang araw ng schedule ang bawat grupo. Minsan sa isang lingo, Sa kaso ni Jom na natanggap sa drama team at malamang na matanggap sa the view, maluwag na maluwag ang schedule nya para sa mga nasabing activities. Pwera na nga lamang kung meron silang deadline, pero masasabing maluwag pa din sa mga grupo ang kanilang obligasyon, minsan sa isang buwan lamang kung mag-release ang school paper ang drama team naman ay dalawang play lamang ang ginaganap kada taon.

Ito ay pagbibigay ng kanilang eskwelahan para sa iba pang aktibidades tulad ng basketball league, baseball league, chess, scrabble, at kung ano-ano pang sport sa para sa Sports meet sa buong Nueva Ecija, meron ding national meet para sa spelling contest, quiz bee national, folkloric group at ang pamosong cheer leading competition.

"You must be Joe Marce Llewllyn Mallari." Sabi ng nakaupo sa lamesa ng editor in chief, nakatalikod ang upuan nito sa kanya kung kaya't hindi makita ni Jom ang nagmamay-ari ng boses, pero makikita ang makapal na buhok nito.

"Ako nga po yun" magalang na tugon ni Jom.

Umikot ang upuan upang makaharap ang kung sino mang nakaupo sa kanya, bahagya pang napangiwi si June ng mabistahan ang kausap. Afro ang buhok nito, may suot itong makapal na salamin, medyo may katabaan at kaitiman ang batang lalake, baritone din ang boses nito pero malayong-malayo ito sa Jake 'ruggedly handsome' Harriman na dini-describe ng kaibigan nyang si Lorie.

Half-Filipino, half-American nga ang loko, Half African-american, bahagyang napangiti si Jom sa naisip. Tumayo ang binata at itinuro ang isang upuan sa harapan ng kanyang lamesa.

"Please have a seat Miss Mallari." Medyo maawtoridad na utos nito sa kanya.

Tumalima naman si Jom bago naupo ay sinabi nyang Jom na lamang ang itawag sa kanya.

"Sure, sure," tumatangong sang-ayon ng binata. "So, maganda itong sinulat mo tungkol sa tema ng audition nang ating the view." Nakatingin ito sa hawak na coupon bond, 'malamang ay yung sinubmit nyang essay ang binabasa ng kanyang kausap'.

"Buti naman po at nagustuhan nyo." Kiming tugon ni Jom.

"Please huwag mo na akong pupoin, matanda lang ako ng isang taon sa'yo." Seryoso pa ding sabi nito. "Alam mo okay itong sinulat mo, maganda talaga." Bahagya pa nitong hinagod ang ibaba ng kanyang baba. Gusto namang matawa ni Jom dahil hindi bagay dito ang mukhang masungit at perfectionist na Editor in chief.

"I can't believe you're doing it again Rick." Biglang sabi ng isang lalake mula sa pintuan.

Bahagyang nagulat si Jom, bago sya makalingon sa gawi ng pintuan ay isang malakas na tawa ang narinig nya sa lalakeng kausap kanina.

"My name is Rick Florante, I am the managing editor." Sabi nito kay Jom sabay tayo at abot ng kamay sa kanya.

Nalilito namang nakipagkamay si Jom.

"And this is Jake Harriman, he's our editor in chief." Pagpapakilala ni Rick sa binatang nakatayo sa may tagiliran ni Jom.

Nakalapit na pala ito sa kanya at nang lingunin ni Jom si Jake ay talagang napatulala sya.

Medyo lukot ang suot nitong pantalon na uniporme, marahil ay nalukot sa pagkakaupo nito, sa tingin nya ay boots ang suot nitong sapatos na balat.at ang polo naman nito bagamat puting-puti ay bahagyang nakabukas, makikita ang puti ring sando na pangloob nito. Hindi mahaba at hindi rin maigsi ang kanyang buhok, halatang gumamit ito ng gel pero bahagyang gulo ang ayos nito, parang nagulo lang.

Kulay brown ang mga mata nito, matangos ang ilong, ang mga labi naman ay parang nanunudyo habang pinipigil ang mga ngiti na nagmumula rito. Mahahaba ang kanyang pilik-mata, at in-fairness... medyo pawisan ang Jake 'ruggedly handsome' Harriman na ito pero may taglay na halimuyak ang dalang scent ng pabangong gamit nito.

"I'm sorry I'm late, I played a few rounds at the gym."

Mga salitang nagpabalik sa ulirat ni Jom.

"Yeah, ikaw yung captain ball ng basketball league right?" pabiglang sabi ni Jom sabay tayo.

"Yeah right, the ever famous JakeHarriman." Tatawa-tawang sabi ni Rick at umalis ito sa lamesa ni Jake, bago lumabas ay iniabot nito ang papel na hawak kanina sabay sabing. "Do what you do best. I mean... one of what you do best." Tinapik pa nito ang balikat ni Jake.

Inabot ni Jake ang papel at pumuwesto sa kanyang upuan, samantalang si Jom ay bahagyang napahiya sa tinuran ni Rick Florante, 'the famous Jake' parang sinabi na rin nito na isa sya sa mga nagkakandarapa sa Jake Harriman na ito.

Tumikhim muna si Jake bago nagsalita, ibinaling naman ni Jom ang nakayukong ulo at diretsong tumingin kay Jake. Kaylangan nyang bumawi sa pagpahiya kanina at ipapakita nya sa Jake Harriman na ito na walang epekto ang kung ano mang appeal meron ito sa kanya.

Young heart, Sweet love (kilig, luha at saya ng umiibig book 4) ON HOLDWhere stories live. Discover now