First Day High (part 2)

231 19 16
                                    


DISASTER!!!

Iyon ang tamang salita sa unang araw ni Jom sa eksklusibong paaralan. Nang isa-isang magpakilala ang bawat estudyante ay umeksena si Scarlet O'Harra. Nang si Jom na ang magpapakilala, lagi syang binabara ni Scarlet, aayudahan naman ito ng isang batang-lalake na nagsabing "hindi sya teacher kundi principal" Julius Tenor ang pangalan nito na ayon kay Lorie ay patay na patay kay Scarlet. Lahat ng gusto ni Scarlet ay ginagawa nito, daig pa ang turuang aso, doing some funny tricks to please his owner.

Nang mag-lunch break ang mga estudyante, kasama pa din ni Jom si Lorie na nagpunta sa canteen. Dinaanan muna nila si Yaya Inday sa waiting area kung saan nag-iintay ito kasama ng ibang Yaya.

"Kasama mo pa din ang Yaya mo?" natatawang sabi ni Lorie.

Ipinakilala ni Jom si Lorie sa kapatid na si Boyet at sa kanilang yaya. Masiglang nakipagkamay ang dalagita sa kanyang kapatid at yaya.

"Ang gwapo mo naman Boyet," bahagya pang kinurot ni Lorie ang pisngi ng kanyang kapatid. "At in fairness ha, sosyal si Yaya, walang uniform." Medyo iminulagat pa ni Lorie ang mata sa kanya.

"I like your friend here, she's funny." Sagot ni Yaya Inday.

"Ay bongga! English speaking yaya." Kunwari ay nagulat na sabi ni Lorie.

Mabilis na kinuha ni Jom ang kanyang baon na lunch at pahilang niyaya ang bagong kaibigan sa canteen.

"Aray, teka naman Jom, bakit ba kung kaladkarin mo naman ako, gutom na gutom na ba?" sabi ni Lorie.

"Bilisan mo na." patuloy pa din nyang hila si Lorie.

"Hiyang-hiya ka sa yaya mo noh?" natatawang sabi ni Lorie ng makaupo na sila sa lamesang kanilang ookupahin sa loob sa canteen. Nag-order lamang si Lorie ng kanyang lunch.

"Hindi naman sa nahihiya ako, kaya lang kasi..." hindi na tinuloy ni Jom ang sasabihin, sumubo sya ng kanin at ulam.

"Ang tanda mo na para bantayan ng yaya." Patuloy ni Lorie.

"Ang kulit kasi ng nanay ko e." parang naghihimutok na sagot ni Jom.

"Ay, intayin mong makita ang kakulitan ng mother ko, maloloka ka." Parang nakikipag-paligsahang sagot ni Lorie.

"Pero kahit anong sabihin 'di ko pagpapalit ang nanay, tatay at lola ko kahit kanino." Malumanay na sabi ni Jom.

"Ay ako, gusto ko." Nagbibirong sabi ni Lorie.

"Luka-luka." Hinampas pa ni Jom ang braso ng bagong kaibigan.

Masayang nagku-kwentuhan ang magkaibigan habang kumakain ng tanghalian ng lumapit sa kanila si Brent O'Harra.

"Hi." Sabi nito, bitbit nito ang tray ng pagkain. "Can I join you ladies?" May pagka-gentleman na tanong nito sa kanila.

"Sure!" pabiglang sabi ni Lorie, kahit halatang kay Jom lang naman talaga nagpapaalam si Brent dahil dito lang naman nakatingin ang binata.

"I'm Brent," iniabot nito ang kamay kay Jom matapos okupahin ang isang upuan.

"Jom," medyo alanganing iniabot din ni Jom ang kanyang kamay sa binata.

"I'm Lorie" nakangiting sabi nito kay Brent sabay abot sa kamay nito.

"Right, I know you, classmates tayo grade seven pa lang." natatawang sabi ni Brent.

"Alam mo itong si Brent, isa ito sa pinakamabait na estudyante sa eskwelahang ito." May pagmamalaking sabi ni Lorie.

"Don't listened to her, Lorie is one of my bestfriend kaya natural na kakampi ko yan." Tatawa-tawang sabi ni Brent, bahagya pa nitong pinisil ang kanang balikat ni Lorie.

Young heart, Sweet love (kilig, luha at saya ng umiibig book 4) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon