Chapter 22

3.5K 103 34
                                    

“Sarah! Sarah!” ang sigaw ni Mrs. Geronimo habang hinahabol ang anak na papunta na sa second floor ng bahay. Tumigil ang dalawa sa paglalakad at tumingin sa ina.

“Ma, I’m sorry for all of these,” Sarah apologized.

Nang makalapit na sa kanyang anak ay hinaplos nito ang kanyang pisngi. “Naiintindihan kita anak. Anong plano n’yo ngayon?”

“Ma’am, doon na lang po muna s’ya sa akin titira. Kung gusto n’yo po s’ya bisitahin ay okay lang po.”

“Gerald, ikaw na muna ang bahala sa kanya ha. Ingatan mo s’ya.”

“Of course ma’am.”

“Sarah i-text mo sa akin ang address ng bahay para mapuntahan kita at mapagdala ng mga ibang gamit mo pa. Anak, hindi sa kinukunsinti kita sa gagawin mong ito but I saw how you suffered before and now it’s just right to let you be happy. Matatanda na kayo at alam n’yo na ang dapat ninyong gawin. ‘Wag ka masyadong mag-aalala sa Daddy mo. Alam mo namang mahal na mahal ka n’ya. I’ll talk to him. Just give him time.”

“Thank you Ma,” sabi ni Sarah sabay yakap sa kanyang ina.

“Sige na. Magready na kayo ng gamit n’yo. Just let me know kung nasaan na kayo ha.”

“Salamat po Mrs. Geronimo.”

“Siguro panahon na rin hijo na tawagin mo akong Mommy o Ma. Sa palagay ko doon din naman papunta ang lahat ng ito.”

Napangiti ang binata. “I will make sure of that Ma.”

Hindi nagtagal ay nakaalis na si Gerald at Sarah at nagbabyahe na pabalik ng Maynila. At first ay nakikiramdam muna si Gerald sa kasintahan. He wanted to know what she’s feeling but there is a part of him which wanted to leave her alone. When he couldn’t stand the silence, he asked her, “Are you okay Babe?”

“I guess so.”

Kinuha ni Gerald ang kamay ng kasintahan at hinawakan ito. “Thank you for fighting for me.”

“Sabi ko naman sa ‘yo handa na ako eh. Nakakalungkot lang na ganito pa ang kailangang mangyari.”

“Everything will be better. We’ll pray hard that it gets better. Pinaglaban mo ako sa Daddy mo kaya ganun din ang gagawin ko. I will not fail you this time, Babe. Papatunayan ko sa kanya na ako ang karapat-dapat para sa ‘yo and I’m nothing like Andrew.”

Sarah sensed a hint of bitterness at the mention of Andrew’s name that she couldn’t help but smile. She let go of his hand and touched his cheek. “Aaaaww… Babe, na-hurt ka ba do’n sa sinabi ni Dad? Don’t worry hindi ko naman iniisip ‘yon eh. You are nothing like him. Mas angat ka naman sa kanya. Abs pa lang Babe, walang-wala na,” Sarah joked trying to make the atmosphere lighter.

“At bakit? Palagi mo rin bang pinupunasan ang katawan n’ya?” ang tanong naman ng binata.

“Hindi ah!”

“Asuuuus! Aminin mo na. Siguro tinititigan mo rin ‘yung katawan n’ya ‘no?”

“Eh kung sinabi kong oo, ano naman sa ‘yo?”

“Wala lang.” And then there was silence. “Sinong mas macho sa aming dalawa?” he finally blurted out.

“Ha… ha… ha! Grabe! 10 seconds…. 10 seconds bago mo nailabas ‘yun ah. Dati ang bilis mo bumanat ng mga ganyan. Tiniis mo talaga na hindi itanong agad?”

“Don’t change the subject. What’s your answer?” he asks as he shifts his attention from the road to her.

“Do I even need to answer?”

Without YouWhere stories live. Discover now