Chapter 13

3.5K 117 50
                                    

Inalalayan ni Gerald si Sarah na makasakay sa kanyang kotse. Nang maisara n’ya ang pinto ng passenger’s side ay patakbo naman s’yang pumunta sa driver’s side. Matapos n’yang maisara ang kanyang pinto ay humarap s’ya sa dating kasintahan. “What happened? Why are you crying?” ang tanong ni Gerald habang hinahaplos ang braso ng dalaga.

“He’s cheating on me,” ang maikling sagot ni Sarah.

Hindi na nagulat si Gerald sa sinabi n’yang iyon. Malungkot s’yang nakikitang umiiyak si Sarah pero mas malaki ang galit na nararamdaman n’ya dahil sa ginawang  ‘yun  ni Andrew. “Let’s get out of here. I’ll just take you back to your apartment,” he said as he turned on the iginition.

“Don’t bring me home to my apartment. Baka puntahan n’ya ako doon. Ayaw ko muna s’yang makita o makausap.”

Gerald started driving. “Pero saan kita dadalhin?”

“Kahit saan basta doon sa hindi nila ako mahahanap.”

Nag-isip ang binata kung anong gagawin... saan pupunta. Nagpatuloy ito sa pagmamaneho habang si Sarah naman ay mahina pa ring humihikbi sa kanyang tabi.

Makalipas ang ilang oras ay tumigil na ang sasakyan. Bumaba si Gerald para buksan ang gate. Habang pinapasok n’ya ang kotse sa loob ng garahe ay sinabihan n’ya si Sarah ng, “Sorry pero ito lang ang naiisip kong lugar na safe para sa ‘yo na hindi nila iisiping dito ka hanapin. Walang nakakaalam that I own this property. Ikaw lang.” Tango lang ang isinagot ni Sarah. After he has turned off the engine ay bumaba s’ya ulit at isinara ang gate. He then went to the passenger’s side and helped her to get out of the car.

Inalalayan ni Gerald ang dalaga papasok ng bahay at pinaupo muna sa couch habang kumukuha s’ya ng tubig. “Here, drink this,” ang sabi n’ya habang inaabot ang basong may tubig.

Kinuha ni Sarah ang baso at nagpasalamat sa binata.

“Magrest ka muna. If you want, you can take a shower and then we’ll just toss your clothes in the washer while you take a bath. Tapos ‘pag okay ka na and you’re ready, we can talk about it.” Tango lang ulit ang isinagot ng dalaga.

“Saan ang banyo?” ang mahinang tanong ni Sarah pagkatayo.

“Gamitin mo na lang ‘yung nasa guest room sa taas. Halika, ihahatid kita.”

Tahimik silang naglakad papunta sa second floor ng bahay. Tumigil si Gerald sa harap ng isang pinto at binuksan ito. “Ito na lang ang gamitin mong kwarto. May sariling banyo ‘yan. There are clean towels and a robe inside the bathroom. I’ll be in the kitchen.”

Pumasok si Sarah  sa kwarto, nagpasalamat kay Gerald na nagmamadali nang lumabas bago pa nito mayakap ang dalaga, hindi niya matagalan ang nakikitang lungkot sa mga mata nito.

Lalo nang tumulo ang luha ng dalaga nang maiwan siyang mag-isa. Halos wala siyang lakas na pumunta ng bathroom, dumapa na lang ito sa kama at nag-iiyak. Masyadong masakit sa kanya ang nahuling panloloko ni Andrew dahil mas pinili niyang maging mabuting nobya kay Andrew kahit na alam niyang mahal pa rin niya si Gerald, 'yun pala ay niloloko lang siya nito. Lalo nang tumulo ang luha nito ng maalalang kahit na aminin niya ngayon kay Gerald na mahal pa rin niya ito, maniniwala pa ba ito sa kanya? Isa pa may Carlie na ang binata, hindi din niya kayang manakit ng damdamin ng kapwa niya babae lalong-lalo na sa isang katulad ni Carlie na napakabait at mahal na mahal si Gerald. He deserves someone like Carlie na mahal na mahal siya. Hindi gaya niya na madaling isinuko ang pagmamahal dahil mas pinakinggan niya ang mga tao sa paligid niya kesa sa nararamdaman niya.

Si Gerald naman ay hindi din mapakali sa kusina. Halo-halong emosyon ang nararamdaman. Sa nakita niyang sakit at lungkot sa mga mata ni Sarah, nabuo sa isipan niya na mahal na mahal na nito si Andrew. Kung pwede nga lang niyang balikan si Andrew at ipamukha dito ang  ginawa niya. Nagngingitngit ang kalooban ng binata pero alam niya sa ngayon na wala siyang magagawa. Wala siyang karapatan para manghimasok sa nangyayari kina Sarah at Andrew. Hindi na siya dapat pang makialam. May kanya-kanya na silang buhay. Tamang hindi na siya dapat pang makialam. Ano na lang ang iisipin ni Carlie 'pag nalaman na dinala niya dito sa bahay niya si Sarah? Hindi lang ‘yun, paano 'pag nalaman ni Carlie na si Sarah ang ex-girlfriend niya? Nasapo  na lang ni Gerald ang mukha ng dalawang kamay. Ang simpleng pagsisinungaling sa kagustuhang huwag nang balikan pa ang nakaraan ay lalo lang nagiging kumplikado habang tumatagal.

Without YouWhere stories live. Discover now