Chapter 18

3.4K 112 62
                                    



Alas dose na ng gabi pero nakatitig pa rin si Sarah sa kisame ng kanyang kwarto habang nakahiga. Iniisip pa rin n’ya ang mga pangyayari sa buhay n’ya nitong mga nakaraang araw. But most importantly, hindi mawala sa isip n’ya ang sinabi ng ina tungkol kay Gerald. All these time she thought he did her wrong… that he was unfaithful. Naniwala agad s’ya sa kanyang kaibigan at ni hindi man lang binigyan ng pagkakataong marinig ang side ng dating kasintahan. “Ako pala ang may malaking kasalanan,” ang nasabi n’ya sa sarili.


Nagulat na lang s’ya nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha n’ya ito para basahin ang dumating na message. It was from Gerald: Let’s talk. Please talk to me. I will drop by your house tomorrow.


“May dapat pa bang pag-usapan? Parang mas lalo ko lang pahihirapan ang kalooban ko kung mag-uusap kami. Even if I tell him that I still love him, eh baliwala na ‘yun dahil nangako na ako kay Carlie na hindi ko sila guguluhin. I don’t wanna feel the pain again… that feeling of seeing him walk away from my life. Hindi na, ayaw ko na. I will leave it all up to chance. Kung dumating ang time na magkita ulit kami, siguro ‘yon na ang pagkakataon na ready na akong harapin sila. Pero ‘wag muna ngayon. Hindi ko pa kaya.”


Binitawan n’yang muli ang kanyang cellphone at nagpatuloy sa pagtingin sa kisame at nanalangin na dalawin na s’ya ng antok.



The following morning, Sarah came down to have breakfast with her parents. Not long after, one of their helpers came in and said, “Ate Sarah, may naghahanap sa ‘yo sa labas. Gerald daw po ang pangalan.”


“Anong ginagawa ng walanghiyang ‘yan dito?” ang galit na tanong ni Mr. Geronimo.


Tumayo si Mrs. Geronimo at akmang maglalakad nang sabihin ni Sarah na, “Ma, please ‘wag mong sabihin na nandito ako.” Nagulat man sa hiling ng anak ay tumango na lamang ito.


Si Mr. Geronimo naman ay sumunod palabas sa kanyang asawa.


“Good morning sir and ma’am,” ang magalang na bati ni Gerald nang makaharap ang mga magulang ni Sarah sa may gate ng bahay.


“Napaka-agang pambubulabog naman nito. Bakit ka nandito? Di ba matagal na kayong hiwalay ng anak namin?” tanong ng ama.


“Gusto ko lang po makausap si Sarah.”


“Wala s’ya dito. Hindi pa s’ya umuuwi dito. Kaya makakaalis ka na. At sana ay h’wag ka nang makabalik-balik pa.” Matapos magsalita ay naglakad na ulit ito papasok ng bahay.


Naiwang nakatingin si Mrs. Geronimo sa malungkot na binata.


“Mrs. Geronimo, alam n’yo po ba kung nasaan si Sarah? Gusto ko lang po s’ya makausap,” ang nagmamakaawang sabi ni Gerald.


“Gerald, I think she’s not yet ready to face you. Give her time lang.”


“Mahabang panahon na po ang lumipas para sa amin. We’ve wasted too much time. Please just tell her to talk to me.”


“Don’t worry, hindi naman s’ya nalalayo dito and I’m sure s’ya mismo ang haharap sa ‘yo ‘pag kaya na n’ya. At hayaan mo na rin muna s’yang ayusin ang kanila ni Andrew bago ang sa inyo. Mas mabuti nang ganun. Kung ito na ang panahon na binigay sa inyo para magkasama ulit, mangyayari ‘yon kahit ano pa ang dumating. Just be patient with her some more. She’s really broken. She has issues to resolve within herself. She needs this time alone.”


“Sige po. Gagawin ko po ang sinabi ninyo but please let her know that I’m not going anywhere this time. I will just be around. I will be waiting for her to get better.”


Without YouWhere stories live. Discover now