Chapter 4

3.7K 91 51
                                    

Matapos maihatid ni Gerald si Carlie sa bahay nila ay nag-isip siya kung babalik ba s’ya sa apartment ni Sarah. Alam n’yang matagal nang tapos ang relasyon nila pero hindi n’ya kayang palampasin ang pagkakataon na makausap at makapagpaliwanag sa dating kasintahan. Ngunit alam n’yang mahihirapan s’yang magawa ito kung pagbabasihan ang pag-uusap nila kanina.

He turned right on Sarah’s street and parked across her apartment. He turned off the engine but did not immediately go down from the vehicle. Tumingin muna s’ya sa direksyon ng bahay at pinakiramdaman ang sarili sa kung anong susunod na gagawin. It took a few minutes before he finally decided to go through with his plan. And just as he was about to open his door, another vehicle parked right in front of the gate. Then he saw Andrew get off from it. Hindi na nakaalis si Gerald sa sasakyan. Pinanood na lang niya si Andrew na pumasok sa gate. Hindi na niya maipagkakaila sa sarili ang sakit na nararamdaman sa nakikitang may kapalit na siya sa puso ni Sarah. Nahihirapan siyang tanggapin na mukhang totoong nakalimutan na siya ng dalaga. May ilang minuto rin siyang nakaupo lang sa sasakyan niya. Gustuhin man niyang umalis na ay parang may pumipigil sa kanya. Nakatingin lang siya sa sasakyan ni Andrew na nakaparada sa harap ng bahay ni Sarah. Nagulat pa siya ng biglang bumukas uli ang gate at nakita niyang lumabas sina Andrew at Sarah, magkahawak-kamay. Parang may kumurot sa puso ni Gerald  ng makitang masuyong hinalikan ni Andrew sa labi ang dating kasintahan.

Gerald tried to convince himself one more time to drive away. Like she said, neither one of them stopped living. She deserves the same option to move on that he took for himself. There is nothing between them anymore. They moved on, he should not be hurting by what he is witnessing at that moment. He has Carlie, he has no business feeling the pain watching Sarah being kissed by her new boyfriend. He kept telling himself that while watching the two saying their good byes.

Pagkaalis ni Andrew, sa halip na pumasok na sa loob si Sarah ay nanatili ito sa kinatatayuan. Laking gulat ni Gerald ng tumingin ito sa kinaroroonan niya at nag-umpisang maglakad papalapit sa kanya. Mabilis na napababa ng sasakyan niya si Gerald at sinalubong ang dalaga.

 

“Anong ginagawa mo dito? Bakit ka pa bumalik? Di ba sinabi ko na sa ‘yong wala na tayong dapat pang pag-usapan?” galit na tanong ni Sarah. “Ano na lang ang iisipin ng mga kapitbahay ko ‘pag nakita nilang nandito kang naghihintay na makaalis ang boyfriend ko?” dugtong pa n’ya at nag-umpisang naglakad pabalik sa bahay niya.

 

“I am sorry, gusto ko lang talagang makapag-usap tayo. Hindi ko naman alam na dadating si Andrew,” katwiran ni Gerald na sumunod sa dalagang mabilis na naglalakad. Inabot n’ya ang braso nito upang pigilan sa paglalakad.

Napatigil sa paglalakad si Sarah at tuminging muli kay Gerald. Sa mas mahinahong tono ng boses ay sinabing, “Let go of me kundi mag-eeskandalo ako.”

Wala nang nagawa ang binata kundi sundin ang sinabi n’ya. “Please talk to me. I just want to talk.”

“This is the last time I’m gonna say this to you, there’s nothing to talk about. Tapos na ‘yung sa atin. May girlfriend ka na at may iba na rin ako. Nabuhay tayo ng dalawang taon na hindi nag-uusap siguro naman we can live the rest of our lives doing the same. Tahimik na tayo pareho. Wala akong balak guluhin pa ito kaya please lang tigilan mo na ako.” Hindi agad nakapagsalita si Gerald kaya nagpaalam nang tuluyan si Sarah, “I’ll go inside now. Please don’t follow me anymore. Umuwi ka na at ‘wag ka nang babalik dito.” Without looking back, she hurriedly went inside her house.

Without YouWhere stories live. Discover now