Chapter 10

3.2K 83 29
                                    

Samantala sa labas naman ng apartment ni Sarah ay nakaupo pa rin si Gerald sa kanyang sasakyan at umiiyak. Hindi n'ya magawang paandarin ang kanyang kotse... hindi n'ya alam kung paano tuluyang lalayo kay kay Sarah. He wasn't sure if he can do it all over again - walk out of her life without clearing things out or any form of closure. He thought of going after her but by the way she kissed him and said goodbye, he felt that she really meant goodbye. " Oh why did it have to be this way? What happened between us Babe," ang wala sa loob na sabi n'ya sa sarili.

Flashback

3 Years Ago

In the past few weeks, things have been pretty rough between him and Sarah. Hindi n'ya maalala kung kailan nagsimula pero naging madalas na ang pagiging malungkutin ng kasintahan. Madalas na rin itong maging moody na pinagsisimulan ng kanilang pag-aaway. Pero kahit na ganito ang nangyayari sa kanila, hindi nararamdaman ni Gerald na nababawasan ang kanyang pagmamahal para sa kanya. He still loves her enough to be with her for the rest of their lives.

When he got home that night, he found Sarah in the dining area doing what he thought were her materials for teaching and lesson plan. Masyado s'yang seryoso sa kan'yang ginagawa kaya't hindi n'ya napansin na nakapasok na ng bahay si Gerald.

"Hi Babe!" he said. Sarah looked up from what he was doing ang gave him faint smile. "O bakit gan'yang ang itsura mo? Are you tired?"

"Medyo," ang maikling sagot ni Sarah.

"Sakto pala ang dating ko. I brought home your favorite food para you won't have to cook anymore. So keep your things muna and I will set the table." Sinunod naman 'yun ni Sarah at nakita na ang nobyong kumukuha ng mga plato at kubyertos. Tatayo na sana s'ya para tumulong sa pag-aayos nang makita s'ya ni Gerald. "Hep! Just sit and let me do all of these."

"Anong meron Ge?"

"Wala... hindi ko ba pwedeng pagsilbihan ang Baby ko? Hindi ba pwedeng maglambing?" ang nakangiting sagot n'ya.

Napangiti na rin si Sarah. "Okay. Hihintayin na lang kita dito sa mesa."

Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na silang kumain. The mood became light. They started talking and laughing like they used to. In the middle of dinner, Gerald started being serious.

"Babe, you know that I love you right?" he said as he held her hand. She nodded. "Alam ko ang dami nating pinagdadaanan ngayon. Parang palagi na lang tayong nag-aaway o nagkakatampuhan. Pero kahit na ganun tayo I never loved you any less. Mahal na mahal kita. Ever since I met you ang daming nagbago sa buhay ko at lahat 'yon ay for the better. You made me want to dream bigger, aim higher. And being with you made me think that I can reach all of them. Babe, you have made me a better person and I am going to do everything I can to be the perfect man for you." Dahan-dahan s'yang tumayo at lumuhod sa harap ng kasintahan habang hawak-hawak pa rin ang isang kamay at nakatingin sa kanyang mga mata. Ang isang kamay naman ay dumukot sa kanyang bulsa upang kunin ang singsing - ang engagement ring. "Sarah Geronimo, please be with me for the rest of my life."

Without YouWhere stories live. Discover now