Chapter 5

3.7K 75 67
                                    

Si Sarah naman ng mga sandaling ‘yun ay nasa kwarto na niya. Hawak-hawak pa rin ang calling card na galing kay Gerald. Anong ibig niyang sabihin na he has always been waiting? Bakit? Tiningnan niya uli ang  cellphone number na isinulat ni Gerald sa likod ng business card, ‘yun pa rin ang number ng binata, hindi pa rin nagbago.



Dalawang taon… dalawang taon na ang nakakalipas, ngayon pa ba siya magiging interesadong malaman kung bakit gusto pa rin siyang makausap ng dating kasintahan? Pero bakit sa mahabang panahon na ‘yon ay nagpupumilit pa rin si Gerald na magpaliwanag sa kanya? “Meron ba talaga akong dapat malaman? Why does he want to talk – to ask for forgiveness… for closure?” ang tanong n’ya sa sarili. “Bakit ba kasi kailangan pa naming magkita uli? Kung kelan masaya na ako with Andrew?  Masaya… oo, masaya ako with Andrew. He is nothing but wonderful to me. He made me believe in love again and wala pang araw na lumipas na hindi n’ya pinaramdam sa akin kung gaano n’ya ako kamahal.”



Tinignan n’ya ulit ang card na hawak n’ya. Napangiti s’ya nang makita ang business name sa card na ‘yon: Drive. “Buti naman at natuloy ang pagbukas n’ya ng dealership n’ya. Marami rin pala s’yang accomplishment habang hindi kami magkasama. Drive. Ginamit pa rin n’ya ‘yung business name na naisip namin.”




Flashback




“Babe, what do you think is a good name for my car dealership?” Gerald asked one quiet evening at Sarah’s apartment.



They were on Sarah’s bed, both with laptops in front of them. This was a typical night… after eating dinner together, they would clean up their mess, get ready for sleepy time and then settle on the bed with their gadgets to do some work before finally calling it a night.

 

 

“Hmmm… you’re finally getting ready to set up your dealership?”



“Yes I’m starting. May konting naipon na ako from my buy and sell business kaya I think I can start with the preparations. I don’t think the current name of my business is catchy enough. Gusto ko may dating para may dating din ang business.”



“Sige, pag-isipan natin ‘yan,” ang sabi ni Sarah habang ibinababa ang laptop n’ya sa kanyang paanan. Umayos s’ya ng pagkakaupo sa tabi ni Gerald at humilig sa kanyang balikat. “Ano na ba ang mga naisip mo?”



He showed him the list of names he has on his laptop. “Parang walang mga dating di ba? What do you think?”



Nanahimik si Sarah ng ilang sandali upang mag-isip. “It should have something to do with a car - its parts, movement... Wheels, Shifting Gear, Drive...



“That’s it Babe! I like the sound of Drive,” he excitedly said.



“It does have a good ring to it. At bagay pa sa ‘yo because it is the kind of person that you are, driven. Drive not only refers to the actual action but to your perseverance and motivation to make this endeavor of yours work,” ang mahabang paliwanag ni Sarah habang nakangiti sa kasintahan.

Without YouWhere stories live. Discover now