Chapter 12

3K 92 32
                                    

That same Saturday Carlie and Trina were having their “Pamper Myself Day.” They decided to visit Nailaholics to get a foot spa, mani and pedi. This nail salon and spa has comfortable couches and homey ambiance very conducive for relaxation... a perfect place for pampering.

“I’m so glad to have this get-together with you. Namimiss na kita,” sabi ni Trina.

“Ako rin miss na kita kaya nga inaya kita eh. We need to do some catching up.”

“Speaking of catching up, kamusta na kayo ni Gerald?”

“We’re okay. Steady lang.”

“I’m guessing he hasn’t popped the question yet kasi you haven’t called me back to tell me about it.”

Tumamlay ang mga mata ni Carlie. “Hindi pa nga eh.”

Hinawakan ni Trina amg kaibigan sa braso at sinabing, “Don’t worry Sis. Knowing your boyfriend, he’s probably thinking of a perfect way to do it. Alam mo naman ‘yang si Gerald, masyadong romantic. Hintayin mo na lang and act surprised when that time comes.”

“I hope that time comes.”

“Ano ka ba? Of course it will come. May singsing na nga di ba?”

“Nawala na ‘yung ring Sis. When I looked again, it wasn’t there anymore.”

“He probably hid it na. Syempre it’s an important thing, hindi n’ya basta itatago lang ‘yun doon sa kotse n’ya.”

“Sana nga.”

“Bakit? Ano ba ang pakiramdam mo? Nagbago ba s’ya sa ‘yo?”

“Hindi naman. He’s still very attentive and sweet pero minsan I can’t help but feel that there is something wrong… like something is amiss.”

“Hay naku, imagination mo lang ‘yan. Masyado ka lang sigurong stressed with work.”

“Well, that’s true. Pre-occupied ako with work lately. Maybe the problem lies with me pala tapos s’ya ang naiisip kong may pagkukulang. That’s so unfair for him.”

“There you go girl. Take it easy. ‘Wag ka masyadong mag-isip ng nega.”

Ngumiti na lang si Carlie at napatingin sa labas. Tama naman na napadaan si Sarah kaya’t nakita n’ya ito. “Teka lang Sis, I saw someone I know,” ang sabi n’ya sabay dukot sa kanyang bag para kunin ang kanyang cellphone.

Samantala, napatigil si Sarah sa kanyang paglalakad nang marinig na nagriring ang kanyang phone. “Hello Carlie.”

“Sarah! I just saw you walk by. Nandito ako sa Nailaholics.”

“Ah talaga? Sige balik ako d’yan. Sandali lang.” Naglakad s’ya pabalik sa nail salon at doon ay nakita nga ang kanyang kaibigan. Agad s’yang lumapit dito at bumeso sa kanya.

“Sarah, this is my bestfriend Trina. Trins, this is Sarah. S’ya ‘yung pinalitan ko doon sa pre-school.”

Nagkamay ang dalawa pero habang nagkakamay ay iniisip ni Trina kung saan n’ya nakita before si Sarah because she thinks her bestfriend’s new friend looks really familiar. Habang nag-uusap si Carlie at Sarah ay nakatitig ng maigi si Trina sa bagong-dating at pinipilit isipin kung nagkakilala na ba sila noon.

********

After Sarah’s last class the following week, she went straight to Andreas without calling or sending a message to Andrew. Naisip n’yang bisitahing muli ang kasintahan and this time ay hindi s’ya papayag na hindi makikita ito. It has been days since the last time she saw him at naging madalang na rin ang kanilang pag-uusap sa telepono.

Nang dumating s’ya sa Andreas ay puno na ang restaurant, walang kahit isang bakanteng mesa at may maikling pila ng tao pa sa labas na naghihintay na makaupo. On nights like this, Andrew would be up and about. Makikita mo na itong nag-iikot sa bawat mesa o kaya ay nagbibigay ng instructions sa mga waiters. Pero sa pagkakataong ito ay wala s’ya sa labas kaya dumeretso na si Sarah sa opisina ng kasintahan. Tuluy-tuloy s’yang pumasok, ni hindi na naisipang kumatok, kaya naman nagulat s’ya nang tumambad sa kanya ang kanyang kasintahang may kaakap na ibang babae.

Napatingin si Andrew at Jeane kay Sarah nang pumasok ito. Agad na tinanggal ni Andrew ang kamay niyang nakapulupot kay Jeane. Magsasalita pa sana pero tumalikod na si Sarah at tumakbo palabas at s’ya naman ay pinigilan ni Jeane.

Patakbong lumabas si Sarah ng restaurant. Nang tuluyang makalabas ng pinto ay tumungo ito upang itago ang mga matang nagbabadyang magpakawala ng luha. Hindi n’ya napansin na meron pala s’yang taong kasalubong, na hindi rin nakatingin sa kanyang daan. Nagkabanggaan silang dalawa. Buti na lamang ay nahawakan s’ya nito at napigilan ang kanyang pagtumba.

“I’m sorry Miss…” Nagkatinginan sila at parehong  natigilan. Nagulat na lamang si Gerald nang isinandal ni Sarah ang kanyang ulo sa kanyang dibdib at humikbi. Napayakap s’ya kay Sarah at sinabing, “Bakit? Anong nangyari?” Hindi nakasagot ang dalaga at nagpatuloy sa paghikbi kaya inalalayan na lamang ni Gerald si Sarah papunta sa kanyang sasakyan.

********

“Hi Cuz!” Trina greeted Fred when she saw him come in. “What brought you here my dear cousin?”

“Mom asked me to get something here. May binilin ba si Auntie sa ‘yo na para kay Mama?”

“You mean the cassava cake? Oo, nandun sa kitchen. Just go get it.”

Pumunta si Fred sa loob ng kitchen upang kunin ang binilin ng kanyang Mama. Pagpasok ni Fred sa kitchen ay s’ya namang pagliwanag ng mukha ni Trina. “Now I remember,” she said out loud. Tumayo s’ya mula sa kanyang upuan at sinundan si Fred.

“Ito ba ‘yon?” ang tanong ni Fred habang tinuturo ang 2 boxes sa counter top.

“Fred, ang pangalan ba ng ex ni Gerald ay Sarah?”

“Yeah. Why’d you ask?”

“Because I met her the other day?”

“Really? How? Where?” ang sunud-sunod na tanong ni Fred.

“We saw her sa mall last Saturday. She was introduced to me by Carlie.”

Nagulat man si Fred sa sinabi ng pinsan ay hindi n’ya ito pinahalata. “Talaga?”

“She seems to be close to Carlie. Does Carlie know?”

“Know what?” ang pagmamaang-maangan ni Fred.

“Oh c’mon Fred. Hindi alam ni Carlie ang past ni Gerald at Sarah ‘no?”

Wala nang nagawa si Fred kundi umamin. “Walang alam si Carlie at walang balak ipaalam ni Gerald so please stay out of it.”

“Hindi ba parang unfair for Carlie ‘yon?”

“What happened with Gerald and Sarah is all in the past. Bakit naman magiging unfair kay Carlie ‘yon eh they’re all friends naman. Sarah has a boyfriend na rin naman so it’s not like magkakabalikan pa sila.”

“He better not hurt Carlie. Tandaan n’yang Carlie was the one who helped him get back up.”

“I’m sure hindi nakakalimutan ni Gerald ‘yun. Kung intention n’yang saktan si Carlie eh di dapat ginawa na n’ya. He’s not doing anything to hurt your friend.”

“Naninigurado lang ako,” ang mariing sabi ni Trina.

Without YouWhere stories live. Discover now