Chapter 65 (October 29, 2011)

1M 10.4K 1.3K
                                    

DATE POSTED: October 29, 2011


Chapter 66

Nahihilo si Phoebe kahit nakahiga at nakapikit ang naman siya. Hinilot niya ang sariling ulo dahil umiikot ang mundo niya kahit nakasara ang dalawang mata niya.

Ahhh baby... bakit nahihilo na naman ako... Okay ka lang ba diyan? Nagalit ka ba sa amin dahil sa nangyari kagabi??Di ka naman nasaktan diba? Sabi niya sa 'baby' sa tyan niya habang hinahaplos ito.

Ilang minuto pa ang lumipas, mas lalong lumala ang morning sickness niya.

Dumilat si Phoebe at tumingin sa paligid. Nakakapanibago pa rin na ang kwarto ni Kent ang nakikita niya ngayong paggising. Tumingin siya sa orasan na nasa side table.

6:15am

Ang aga pa pero ang liwaliwanag na... Inaantok pa nga ako oh. Ano ba naman tong hilo na to nakakainis naman talaga. Waaaaah gusto ko pa matulog... Hindi naman ako patulugin ng hilo.

Humarap na lang siya kay Kent na kasalukuyang tulog na tulog pa din. Napangiti siya. Eto ang mga umagang gustong-gusto niya. Na si Kent ang unang taong nakikita niya.

"Keeeennnt..." sabi niya habang yumayakap dito.

"Uyyyy Kent ko..." sabi niya pa ulit dahil hindi ito natinag.

"Mmm?" sagot ni Kent habang pinipilit dumilat. Nasisilaw pa ito sa liwanag ng araw na nanggagaling sa bintana.

"Nahihilo ako...." Ngayon, naisip niya, makakapaglambing na siya habang nandito na si Kent.

"Sobra?" tanong ni Kent, hinawakan nito ang pisngi ni Phoebe habang naniningkit ang mata sa liwanag.

Tumango si Phoebe.

"Anong gagawin natin??" tanong ni Kent.

"Wala... sabi ko nga wala kang magagawa eh..." nalulungkot na sagot ni Phoebe. Totoo namang walang magagawa si Kent, pero naiinis na naman siya sa isinagot nito.

"Ha? Teka wag ka magtampo..." kinukusot pa ni Kent ang isa nitong mata.

"Hindi ako nagtatampo..." sagot niya.

"Ehhh!!!" nakapikit si Kent pero nagawa siya nitong hiilahin papalapit dito. "Halika... Inaantok pa kasi ako eh... Ang aga-aga pa tsaka..." bumulong ito. "Pagod pa ako..."

"Magbihis muna tayo..."

"Hwag na... Aish..." niyakap siya ni Kent ng mahigpit. Hinalikan nito ang noo niya. "Tiisin mo lang yang hilo..."

"okay..."

"Di ka ba nasusuka?" tanong na naman ni Kent.

"Ha... hindi pa naman... tatakbo na lang ako sa CR pag nasusuka na ako. Bakit natatakot ka masukahan kita at ang kama mo??"

"Ha? Hindi ah.. Tinatanong lang eh... Eto talagang baby ko..." sagot ni Kent

"Yung baby mo mommy na..."

"Okay lang yan... Baby pa rin kita..."

Natatawa na lang si Phoebe. Naalala niya kasi ang dahilan ni Kent kagabi kung bakit siya nito tinatawag na baby.

"Ahhh.. Kent..." maya-maya tanong ni Phoebe nang mapansing natahimik si Kent. Feeling niya nakatulog na naman ito.

"Mmmm?" mahinang sagot nito.

"Bakit ambaho mo na naman?"

Tinapat ni Kent ang mukha niya kay Phoebe.

"Ayan na naman sa mabaho-mabaho Phoebe ah! Sigurooo... Ahmm.. Gusto mong maligo na naman tayo?"

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon