KANLS: 30 (Last Chapter)

4.6K 107 38
                                    

Jairus' POV

Isang linggo. Isang linggo na ang nakakaraan simula nung sumasabay na si Sharlene sa kanila and he just can't help it…hindi niya kaya, kahit anong pilit niya hindi niya kayang iwasan ito at balewalain ng tuluyan. Yun bang kahit sabihin niya sa sarili na masasaktan lang ulit siya, go pa din ang puso niya. He doesn't talk to her but he can't help not to care about her, nililibre niya ito ng pagkain, he makes sure na paborito nito ang kinakain ni Sharlene pag recess at lunch; binubuhat din niya ang gamit nito, simpleng "Your bag" lang ang sinasabi niya dito at sumasang-ayon naman ito, she doesn't talk to him either at nakakatulong iyon sa 'pag-iwas' na ginagawa niya.

Paul talked to him about Mika's plan, may balak ang mga ito pagbatiin sila ni Sharlene, malakas daw kasi ang kutob ni Mika na 'may gusto' sa kanya si Sharlene. Napansin naman niya ang mga efforts ng mga kaibigan niya pero binabalewala na lang niya iyon. Masarap sanang isipin na siya naman… na siya naman ang mahal ni Sharlene ngayon, pero sino ang niloko niya? Alam niyang di pa nagbabalikan si Nash & Sharlene pero sabay ang dalawang pumasok at umuwi, nalaman din niya na ang dalawa ang magka partner sa prom, konti na lang siguro magkakabalikan na ang dalawa at maiiwan na naman siya…

Bukas na ang prom, he asked Ella to be his partner pero nagulat siya nang sabihin nito na si Paul na ang partner nito. Hindi siya manhid, alam niyang may lihim na pag tingin si Paul kay Mika kaya nga si Ella ang tinanong niya pero dahil nga may partner na si Ella ay si Mika na ang naging partner niya.

PROM NIGHT

"Gwapo natin ah!" sabi ni Mika sa kanya at napangiti siya dito

"Ganda natin ah!" gaya naman niya dito. She's really pretty, kung hindi lang niya nakilala si Sharlene noon at kung wala lang gusto ang bestfriend niya dito ay malamang si Mika na ang magugustuhan niya, but then…Sharlene is Sharlene, wala na yatang mas hhihigit pa dito sa puso niya.

"Sira! Di nga ok lang ba ako?" tanong nito

"Oo naman, bakit kanino ka magpapacute?" nakangisi niyang tanong at naalala niya ang bestfriend niya.

"Wala no, gusto ko lang talaga maganda ako." sagot nito.

"Maganda ka, mana ka sa akin eh. Anyway di ka ba tinanong ni Paul to be his partner today?" pahapyaw niyang tanong dito

"Oo, pero sabi ko kay Ella na lang siya, wala ka kasing partner kawawa ka naman" sabi nito na nagpakunot ng noo niya, kaya pala wala sa mood si Paul nung mga nakaraang araw, ipamigay ka ba naman ng babaeng gusto mo, sinong di mababadtrip dun?

"Sinabi mo yun? Yung kay Ella na lang siya?"

"Oo. Anong problema dun? Eh mas close si Ella kay Paul kesa sa'yo. Tsaka malandi naman si Paul, keri niya si Ella" sabi pa nito

"Di yun malandi. Tsaka may mahal na yun" sabi niya dito at napatigil ito bigla. Napangiti siya. Gotcha Mika, gotcha!

"Sino?"

"Basta! Halika na, hinihintay na tayo ni Manong Joey"

"Sandali lang Jai! Sino nga? Si Ella ba?" pangungulit nito sa kanya

"Ano ngayon kung si Ella nga? Ayaw mo nun? Parang tinulungan mo siyang makuha si Ella para sa prom" nang-aasar na sabi niya. Nagbago naman ito ng aura, pilit na pilit ang ngiti nito, bago siya inunahan pumunta sa kotse.

Sharlene's POV

Prom na at excited na excited na ang mommy niya, her mom helped her pick her dress at napaka ganda nito. Nag light make up din siya, she wants to be beautiful tonight.

Kung ako na lang sana (JaiLene fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon