KANLS: 9

4.5K 98 8
                                    

Jairus' POV

Hindi niya alam kung gaano katagal si Sharlene sa dibdib niya na umiiyak, he can also feel how wet his uniform is pero binalewala niya lang ito. He wants to make Sharlene feel secured. Bigla itong tumigil sa pag-iyak, inalalayan naman niya ito para makaupo sila. They sat down without uttering a word, maya maya'y naramdaman niya na humilig ang ulo nito sa balikat niya. Nang tiningnan niya ito ay napansing nakatulala lang ito.

"Ang ganda talaga ng sunset no?" bigla nitong tanong sa kanya.

"Sobrang ganda" sagot naman niya habang nakatingin dito. Wala sa sunset ang attention niya kung hindi nakay Sharlene. She is indeed beautiful.

"Jai..." sabi nito habang nakahilig pa din ang ulo sa balikat niya, nakatingin pa din ito sa sunset.

"Hmmmmmm" sagot naman niya.

"Sorry at salamat nga pala" saad nito. Medyo nagulat siya dahil di niya akalain na sasabihin ni Sharlene yun sa kanya.

"Walang anuman" sabi niya dito at ngumiti pa, he smiled back pero hindi man lang umabot sa mga mata nito ang ngiting iyon.

He sighed at naisipang yayain itong kumain ng ice cream, siguro naman ay sasaya ito ng kahit konti pag kumain na ito ng ice cream. Pag broken hearted daw ang babae ay dapat kumain ng sweets. Pumayag naman ito at umalis na sila sa rooftop, napansin niyang pinagtitinginan sila ng tao pero di niya ito ininda, hindi din naman yata napapansin ni Sharlene iyon.

Pagdating nila ng ice cream parlor ay naghanap siya ng pwesto kung saan di sila guguluhin ng mga tao, he also offered to order for them, nakatulala pa din kasi si Sharlene hanggang ngayon, hindi talaga makausap ito ng ayos. Umorder siya, cookies & cream ang para dito at rocky road naman ang kanya. Pinalagyan na din niya ng isang smiley face cookie ang ice cream ni Sharlene, gusto niyang mapasaya ito kahit sa malilit ma bagay man lang.

Dinala niya ang order at napatigil siya nung makita na ngumiti si Sharlene. Napaka genuine ng ngiti nito, halos lumukso ang puso niya dahil sa nakita. Ang ganda talaga nito pag ngumingiti, she should wear that smile always. Kinuha pa nito ang smiley face cookie at kinagatan, parang nasarapan naman ito at tumingin sa kanya.

"Cute na nga ang cookie, masarap pa! And cookies & cream is my all time favorite!" parang bata na sabi nito.

"Alam ko!"

"Alam mo?" tila nagtatakang tanong nito, halos mapahawak siya sa noo nang mapagtanto ang nasabi niya, bakit ba di siya nag-iisip bago magsalita?

"Alam kong masarap ang cookies & cream" lusot naman niya, buti nalang at naniwala agad ito sa kanya. Nagpatuloy lang ito sa pagkain, di niya mapigilan ang di ito tingnan, sarap na sarap ito sa kinakain na hindi nito napansin na madumi na ang gilid ng bibig nito. Pagak siyang tumawa at kumuha ng tissue, pinunasan niya ang gilid ng mga labi nito at tiningnan naman siya nito.

"Pasensya na, ang sarap kasi eh" sagot nito at bahagyang ngumiti sa kanya, napapailing na lang siya sa tinuran ng kaharap. Parang bata talaga.

"Jairus salamat talaga" sabi nito

"Ice cream lang yan" sagot naman niya, ngumiti lang ito sa kanya.

Nang matapos kumain ay biglang tumawag si Manong Joey, 6 na pala, ni hindi niya namalayan ang oras.

"Shar, may sundo ka ba?" tanong niya dito.

"Ah wala, sabi ko sa sundo ko mag-cocommute na lang ako. Kung aalis ka na ok lang, kaya ko naman mag-isa" sagot naman nito na nagpakunot ng noo niya. Hindi niya pwedeng pabayaang umuwi ito mag-isa

"Ihatid na kaya kita?" suggest niya dito. Gusto niyang ihatid ito para masiguradong safe ito sa pag-uwi, baka kasi maging tulala na naman ito at mapabayaan ang sarili.

"Wag na, sobra na kitang naabala" sagot nito na tila nahihiya na sa kanya.

"May sundo ako at alam ko bahay niyo, sige na oh, tsaka madilim na hindi kita pwedeng payagang umuwi mag-isa" pamimilit niya dito.

"Hmmm sigurado ka ba?"

"Silly, of course i'm sure" sagot naman niya dito. Buti naman at pumayag na ito. Sabay silang pumunta sa parking lot at nakita nila agad si Manong Joey. Pagsakay nila sa sasakyan ay nagsalita ulit si Sharlene.

"Salamat talaga Jai"

"Hindi naman kita pababayaang umuwi mag-isa noh" sagot naman niya

"Hindi lang sa paghatid. Salamat sa pakikiramay, sa ice cream at sa cookie" sabi nito, napatingin naman agad siya dito, he can feel how sincere she is. Napalunok siya ng wala sa oras, gusto niyang hawakan ang kamay nito at sabihin na kaya niyang gawin lahat para mapasaya ito pero umuurong talaga ang dila niya.

"Walang anuman. Anytime Sharlene" sabi na lang niya. Nginitian naman siya nito. Bigla na lang niyang naisip na wala pa pala siyang number nito, he wants to ask her pero nahihiya siya. Ano na lang ang iisipin nito kung sakali?

"Nandito na tayo" nagulat siya ng magsalita si Manong Joey, hindi pa niya nahihingi ang number nito. Tsk.

"Salamat Manong" sabi nito. Bumaba naman agad siya para pagbuksan ito ng pinto ng sasakyan. Bumaba ito at tumingin sa kanya.

"Mabait ka naman pala minsan. Thank you"

"Igop na, mabait pa, san ka pa?" sabi naman niya, natawa naman ito at napailing.

"Conceited na unggoy" sagot nito at pumasok na bahay. Natawa na lang siya. Unggoy talaga ang tingin nito sa kanya.

Sharlene's POV

Pagkapasok niya ng bahay ay naabutan niya ang yaya Judilyn niya at ang mommy niya na nakangisi sa kanya. Binati niya ang mga ito at magdederetso na sana sa kwarto para ilagay ang gamit niya pero nagsalita agad si yaya.

"Hinatid ka na naman ni baby boy Jairus ah!" Sabi nito, napakunot naman ang noo niya dahil parang kinikilig ito

"Uy anak, nakita ko yun ah, ang gwapo. Ganda talaga ng taste ng anak ko, mana sa mommy niya" sabat naman ng mommy niya.

"He's a friend" sagot niya dito. Magkaibigan na naman sila diba? Nilibre pa nga siya nito ng ice cream kanina.

"Echosera ang alaga ko! Friend daw" sabi pa ni yaya na ikinatawa ni mommy.

"Ewan ko sa inyo" napapailing sa sabi ko, kung ano-ano talaga ang iniisip ni Yaya, dinamay pa si mommy.

Tumaas na siya para magpalit ng pang bahay na damit nang nakita niya ang picture nila ni Nash sa may study table niya, parang may bumara na naman sa lalamunan niya, naalala na naman niya ang sakit. Agad siyang pumunta ng banyo at naghilamos. She can't cry, kailangan pa niyang mag dinner sa harap ng magulang. She can cry later.

Humarap siya sa magulang at hindi naman napansin ng mga ito na malungkot siya, in fact inaasar pa siya ng mga ito kay Jairus. Gusto man niyang ibaling ang isip kay Jairus, sa ice cream at sa smiley face cookie na ibinigay nito ay di niya magawa, si Nash lang ang pumapasok sa utak niya. Nang matapos kumain ay tumaas na siya at gumawa ng homeworks, nahiga na din siya after. Inikot niya ang mata sa sariling kwarto, sa 10 years nilang pagsasama halos lahat ng laman ng kwarto niya ay nagpapaalala kay Nash, the stuffed toys, the pictures, the posters, at kahit mga libro doon ay may memories ni Nash. Naiiyak na naman siya.

'Hoy may message ka' message ringtone niya, binuksan naman niya agad ang cellphone at nagtaka nung unknown number  ang lumabas.

1 Msg from +919*******

-Iyakin matulog ka na! Wag nang mag-isip ng kung ano-ano. Kung mag-iisip ka, ako na lang isipin mo. JK! Anyway goodnight and sweetdreams see you tomorrow ツ ♥

Napailing siya sa nabasa. Hindi na niya kailangan manghula kung sino iyon, napangiti siya nang wala sa oras. Si Jairus talaga oo.

Kung ako na lang sana (JaiLene fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon