KANLS: 22

4.2K 80 8
                                    


Jairus' POV

"Sabi ng mommy mo pumunta ka ng park kanina. Anong nangyari? Bakit di ka sumagot agad sa tawag namin?" tanong ni Paul sa kanya, dito sa bahay nila ito matutulog. They've decided what to do sa mga tarantadong nanakit kay Mika.

"Kasama ko kasi si Sharlene" walang ganang sambit niya. He doesn't want to talk about it.

"Kailangan ko pa bang itanong kung anong nangyari?" tanong nito.

"Wag na. Wala din namang magandang nangyari." sabi niya. Alam niyang naramdaman ni Paul na nangyari na ang kinakatakutan niya, hindi na niya kailangan sabihin dito. Tumango naman si Paul, pareho silang nagulat nito nang biglang pumasok si Mika sa kwarto niya.

"Pwede ba dito muna ako?" tanong nito

"Oo naman" sagot ni Paul

"Mika, sa susunod wag kang maglilihim ng ganung bagay. Pag inaaway ka sabihin mo… kahit di kila manang, kahit sa amin man lang ni Kobi. Dalawa kaming kapatid mo dito oh" sabi niya dito. Napatungo naman ito at akmang iiyak na naman

"Tama na yan Jairus. Ok na si Mika, sa LuvU na din naman siya papasok kaya wala nang problema" pinal na sabi ni Paul. Tama ito dapat masaya siya na sa LuvU na din papasok si Mika.

"Mami-meet ko na din si Sharlene sa wakas" sabi bigla ni Mika. Nagkatinginan silang dalawa ni Paul. Ayaw nga niyang pag-usapan iyon hindi ba?

"You'll not meet her" sabi niya

"Bakit naman? Di ba ok na kayo? Ang saya mo nga diba?"

He sighed bago ikwento sa mga kababata ang nangyari kanina sa park. Maya maya ay niyakap siya ni Mika samantalang tinapik naman ni Paul ang balikat niya. Ang dalawang ito ang nakasaksi kung gaano kaimportante si Sharlene sa kanya.

"Magiging ok din ang lahat" sabay na sabi ng mga ito sa kanya

Sana nga.

──

Sharlene's POV

It's sunday at may usapan sila ni Nash na magsisimba at magde-date. She's excited, kahit ilang beses na sila lumabas ni Nash noon iba pa din ngayon. They are going out as a couple.Finally!

"Sobrang excited mo naman yata?" sabi ng daddy niya. Tiningnan niya ito at nagtaka siya ng nakataas ang kilay nito. Nakatayo ito sa labas ng pintuan ng kwarto niya

Hindi strict ang parents niya sa mga ganitong bagay. Mas gusto nga ng mga ito na nagsasabi siya tungkol sa pagrerelasyon, may tiwala naman kasi ang mga ito sa kanya tsaka it's Nash, 10 taon na din kilala ng mga magulang niya ito.

"Papa first date namin" sabi niya dito

"Ano ba nangyari sa inyo ni Jairus? Bakit si Nash ang boyfriend mo?" sabi nito na nagpalaki ng mga mata niya.

"Papaaaa!" nagtaas talaga ang boses niya. Nagulat siya sa turan ng ama. Bakit naman nito natanong iyon?

"Ito naman oh. Nagtatanong lang ako"

"Pa naman eh, si Nash yun…hindi ka ba masaya?"

"Nagtatanong lang ako anak, Nash is a good boy pero mas gusto ko si Jairus" anito at umalis na. Napalunok siya. Bakit gusto ng tatay niya si Jairus? 10 taon na nitong kakilala si Nash. Why does he prefer Jairus?

Napapaisip talaga siya kaya pinuntahan niya ang mommy niya. Hindi niya na-consult ang mga magulang niya nung sinagot niya si Nash. Gusto niyang malaman ang nararamdaman ng mga ito.

Kung ako na lang sana (JaiLene fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon