KANLS: 16

4.3K 87 2
                                    

Jairus' POV

"Hoy Jairus, nakangiti ka na naman" napapailing na sabi ni Paul sa kanya.

Napapangiti talaga siya pag naiisip niya ang 'date' nila ni Sharlene nung sabado. He's indeed very happy at hindi niya maitago iyon kahit nakalipas na ang isang araw, it's Monday at magaling na si Paul kaya sinundo niya ito. Sabay kasi sila pumasok.

"Sharlene again… i guess" sabi pa nito.

"Well… anyway, welcome back bro!" bati niya sa kaibigan

"Yeah right. May sakit ako pero ang sarap ng buhay ko dito sa bahay" sabi nito sa kanya at napailing na lang siya.

"Ewan ko sa'yo! Halika na! Sigurado akong na-miss ka ng mga fans mo" sabi niya dito.

"Fans naman to, nakikihati lang naman ako"

"Ulol! Anyway pakilala ko si Shar sa'yo mamaya"

"Finally. I'll meet the princess" tila nangaasar na.banggit nito.

"Tss…" sagot lng niya

"Don't worry. Behave ako. Di kita ilalaglag" sabi nito

"Siguraduhin mo lang" nakangiting sabi niya at umalis na sila.

Late again. Napabuntong hininga na lang siya, di talaga sila pwedeng mag sabay ni Paul, lagi na lang kasi silang late pag sabay silang pumapasok.

"Aquino and Salas late na naman kayo!" bungad sa kanila ni Miss Belo, ang terror teacher nila

"Sorry we're late" sabay nilang sabi.

"Umupo na kayo" sabi ni Miss Belo at nag start na ng klase.

Recess na nung sinabihan niya si Paul na mauna na, susunduin pa kasi niya si Sharlene. Inasar siya nito pero binalewala lang niya. He's excited to see her again.

"Late ka kanina noh?" bungad agad ni Sharlene sa kanya

"Napansin mo talaga noh? Na miss mo agad ako?" sabi niya at kinindatan pa ito.

"Ewan ko sa'yo! Ang yabang mo talaga" sabi naman nito

"Magaling na si Paul, pakilala kita. Medyo makulit lang iyon"

"Sure! Pero ok lang ba sa kanya na kasabay niyo ako?" tila nagaalinlangang tanong nito

"It's ok with him. He's friendly"

"Ay oo nga pala. Ikaw nga pala ang masungit. Mayabang na masungit. Buti may nagkakagusto pa sa'yo eh ang bantot ng ugali mo"

"Grabe naman 'to… ang bait ko kaya sa'yo" sabi niya dito

"Yun na nga eh, sa akin ka lang mabait" sabi nito na ikinatigil niya.

"Yeah… sa'yo nga lang" sabi niya dito at agad siyang tiningnan nito. He smiled and took her hand. Kakain pa sila!

Sharlene's POV

"Yeah… sa'yo nga lang" sabi nito kaya napalunok siya. Kung tutuusin tama ito, suplado si Jairus sa iba pero sa kanya sobrang bait nito. Minsan lang niya yata itong nakita na ngumiti sa ibang babae at inisip pa niyang malandi ito.

Tiningnan niya ito pero ngumiti lang ito sa kanya then he held her hand again. Ang hilig talaga nitong hawakan ang kamay niya.

Nasa canteen na sila nang nakita nila si Paul na hinihintay silang dalawa.

"Isang linggo lang ako nawala tapos pagbalik ko may ka HHWW ka na" natatawang sabi ni Paul, sabay silang napakunot ng noo ni Jairus

"Anong HHWW?" sabay nilang tanong.

"Anong generation ba kayo pinanganak? Hello? HHWW! Holding Hands While Walking" sabi nito kaya agad niyang hinila ang kamay niya kay Jairus, kaso parang nabasa agad nito ang nasa isip niya kaya mas hinigpitan lang lalo nito ang pagkahawak sa kamay niya, kaya ngayon magka hawak kamay pa din sila.

Tiningnan niya ito ng masama pero ngumisi lang si Jairus, inaasar pa yata siya. Tinaas pa nito ang mga kamay nila na tila minemwestra kay Paul na nag hoholding hands sila.

"Uso eh…" sabi nito at tumawa pa.

"Anyway Paul, this is Sharlene. Shar, si Paul Salas" pakilala nito sa kanilang dalawa.

"Hello pretty Sharlene" sabi nito sa kanya at nginitian naman niya ito. She've heard things about Paul, mabait ito at palatawa, bolero din daw.

Paul's POV

He smiled nung nakita niya na papasok ang bestfriend niya at si Sharlene. He is holding her hands at parang ok lang naman kay Sharlene ito. He can see how Jairus' eyes are happy. Bestfriend niya ito at alam niyang si Sharlene lang talaga ang ginusto nito mula noon.

Grade 1 sila nagkakilala ni Jairus, magkaklase sila at agad nag click dahil pareho silang mahilig maglaro ng bola. Agad silang naging mag bestfriend at nalaman niya ang lahat ng tungkol sa prinsesa nito. Kung siya ay nagsimula nang magka crush at manligaw kuno sa mga girls nung elementary, ito naman ay wala nang ginawa kundi magsungit sa lahat ng babaeng lalapit dito. Laging bukambibig nito si Sharlene, keso si Shar daw ang prinsesa nito at si Shar lang ang babaeng gusto nito.

He didn't understand anything of it lalo na dahil sino ba naman ang nagkakagusto ng five years old? Iniisip niya noon na may sira sa ulo ang bestfriend niya pero ipinaliwanag naman nito sa kanya na iba daw kasi si Sharlene. Kung bakit iba? Di din niya alam.

Nang sabay silang lumipat ng Highschool sa Maynila ay naging schoolmate nga nila si Sharlene, pero sa kasamaang palad di nito naalala ang bestfriend niya. He saw how Jairus' eyes were sad that time. Kung ilang na ito noon, mas naging worst pa ito. Kaya nga mayabang at suplado ang tingin dito ng mga estudyante sa campus nila. Nagiba ito in a way, simula noon di na niya nakita ang picture ni Sharlene na pinagkakaingat-ingatan nito, ni hindi na din niya naririnig ang salitang princess. Nahuhuli niya itong sinusulyapan si Shar paminsan-minsan pero hanggang doon na lang iyon, parang pinapaniwala ni Jairus ang sarili nito na walang Sharlene na dumaan once sa buhay nito.

But now… they are together, holding hands while walking and he's happy. Iba talaga ang ngiti ni Jairus pag si Sharlene ang kasama. He just hope na mutual ang feelings ng mga ito. Sana di na bumalik si Nash Aguas sa buhay ni Sharlene, dahil pag nangyari iyon his bestfriend will have another heartbreak… at sa iisa pang babae.

Kung ako na lang sana (JaiLene fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon