KANLS: 5

5.1K 104 9
                                    

Sharlene's POV

Ang sakit ng ulo niya. Nilalamig siya at hinang hina na din. Nasa kotse siya ni Jairus Aquino ngayon, the famous Jairus Reuel Balagtas Aquino. The most famous guy on LuvU, the starplayer. Kilala niya ito dahil ito ang crush ng halos lahat ng babae sa classroom niya, kaya nga nagtaka siya nung tinawag siya nito with her surname. Hindi siya sikat kaya laking gulat niya nung malamang kilala siya nito. Mayabang ito and conceited, proven na iyon dahil lagi niya itong naririnig na nagyayabang. Feelingero din ito, akala siguro nito lahat ng babae ay magkakagusto dito.

Nagulat siya kanina nung binigay nito sa kanya ang jacket nito. Alam niyang parehas silang nilalamig pero sa kanya pa din nito ibinigay iyon. She felt special kahit sa konting sandali lang. Akala kasi niya na si Nash lang ang pwedeng gumawa noon sa kanya, yet Jairus Aquino gave her his jacket.

Pero di pa din naalis ang asar niya dito. Tinulungan nga siya nito pero labag sa loob naman, tapos ang yabang pa dahil feeling nito na tinititigan niya ito kanina and lastly, ang hilig nitong manghila ng kamay.

"Nandito na tayo, halika na" sabi nito bigla sa kanya. Gusto naman niyang tumayo kaso nahilo siya bigla. Nanghihina siya at ang sakit ng buong katawan niya.

"Ano? Bababa ka ba dyan?" iritado na naman ang boses nito. Naiinis na naman siya, bakit ba laging iritado ang lalaking ito pag kinakausap siya? Buti pa si Nash, if this was him ay binuhat na siya nito dahil alam agad nito kapag nahihirapan na sia

She sighed. Si Nash na naman ang iniisip niya.

"Halika na nga" sabi nito at binuhat ako. Nagulat siya sa ginawa nito kaya di agad siya nakagalaw.

"Your hands" sabi pa nito at tila hinihintay na isabit niya ang mga braso niya sa leeg nito. Mabilis naman niyang ginawa ang gusto nito. Now they really look like a newly wed couple minus the fact na di sila nakadamit pangkasal at basang-basa pa sila.

"San Pedro please don't look at me that way" sabi nito na mahinang mahina ang boses pero narinig pa din niya. Kaya naman umiwas agad siya ng tingin. This time talagang tinititigan niya ito. She was mesmerized sa gwapo nitong mukha. Mas gwapo pala ito pag close up. Idagdag pa na ang bango bango nito na tila hindi naulanan. Nailang siya bigla dahil sa pagpuri na ginagawa niya dito. She's brokenhearted hindi ba? Dapat hindi siya nakakaramdam ng iba sa lalaking nagbubuhat sa kanya.

Nang makapasok sa bahay ay binaba siya nito sa sofa. Gusto sana niyang tumayo dahil nakakahiya naman kung pati sofa ng mga ito ay mabasa pa dahil sa kanya.

"Dito ka lang, i'll tell manang Lucy to give you some dry clothes. I-dryer na lang natin damit mo para matuyo agad. Taas lang ako. Si manang na ang bahala sa'yo" sabi nito na tila umiiwas sa kanya.

He's acting really weird. Nailang kaya ito sa pagtitig niya dito kanina?

"Naku iha, basang-basa ka nga. Heto ang towel magtuyo ka muna" sabi sa akin ng isang middle age na babae. Nag-aalala ito sa akin

"Salamat po" magalang na sagot niya dito at sinimulang magtuyo ng buhok gamit ang towel na bigay nito.

"Iha sabi ni Jairus ako na daw ang bahala sa iyo, nag-prepare na ako ng hot water para makaligo ka na" nakangiti ito habang sinasabi iyon.

"Salamat po talaga" sabi niya ulit. Napakabait naman nito sa kanya.

Sinamahan siya ni Manang Lucy sa isang banyo para maligo na. Nang matapos maligo ay nakita niyang may nakahanda ng mga damit dito. Laking gulat niya ng makitang t-shirt ni Jairus ang nakalapag at isang shorts na malamang ay sa mommy nito.

Kung ako na lang sana (JaiLene fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon