KANLS: 6

4.7K 115 6
                                    

Sharlene's POV

Mauubos na talaga ang pasensya niya sa mayabang na unggoy na iyon. Feeling talaga ni Jairus na sobrang gwapo nito, eh di hamak na mas gwapo si Nash sa kanya.

"Eto na ang kotse, halika na mahal na prinsesa. Sakay na, o baka naman gusto mong magpa-buhat ulit?" sabi nito.

Napatigil siya ng marinig niya ang pagbanggit nito ng prinsesa. May naramdaman siyang kakaiba na agad namang nawala dahil nainis ulit siya dito. Inaasar talaga siya ni Jairus at naasar na talaga siya.

"Alam mo? Isa pa, uupakan na talaga kita!" Bulyaw niya dito at hindi siya nagbibiro. Makakatikim talaga ito sa kanya pag hindi siya tinigilan sa pang-aasar.

"Oy kalma lang mahal na prinsesa. Titigilan na kita, halika na, gabi na, baka nagaalala na parents mo sa iyo" sabi nito at inalalayan ako.

Napatingin ako ulit dito. Bakit ba napakagentleman ng damuhong ito?

Jairus' POV

Nasa sasakyan na sila ngayon at ihahatid na niya si Sharlene sa bahay nito. Hanggang ngayon ay nakangiti pa din siya. Inaasar niya ito kanina pa at inis na inis ito sa kanya, but still he finds her really cute, maputi ito kaya naman nagkukulay kamatis ito pag nagagalit. And that makes her really beautiful.

"Nandito na tayo" sabi ni manong joey na ikinagulat niya. Nandito na agad sila? He still doesn't want her to leave.

"Salamat po manong" sabi nito ng nakangiti kay manong Joey. Buti pa si manong nginitian samantalang nung humarap ito sa akin ay automatic na sumimangot ito, tiningnan pa siya ng masama tsaka nagsalita.

"Kung gusto mo ng maiinom, meron sa bahay namin" sabi nito at pumasok na sa bahay nila.

"Manong, inanyayahan ba ako ni Sharlene sa kanila?" tanong niya kay Manong. He isn't really sure kung inimbita ba siya nito or inasikan lang.

Tumawa si Manong Joey at tumango. Napakamot na lang siya sa batok bago pumasok sa bahay nila Sharlene. He was about to enter her house nung may narinig siyang boses na nagsasalita.

"Saan ka ba galing? Nag-alala ako sa'yo! Nung nakita kong umuulan binalikan kita kaso wala ka na doon! Tinawagan kita sa CP mo pero si yaya Judilyn ang sumagot! Naiwan mo daw cp mo. Sa sobrang pag-alala ko pumunta ako dito para dito ka hintayin. 3 Oras ka nawala! Akala ko nakidnap ka na! Sorry kung iniwan kita kanina sa park. Di na mauulit. At ikaw wag mo na akong pag-alalahanin ok?" sabi nung boses na narinig niya.

Pumasok na siya para makita ang lalaking nagsasalita. When he saw him ay napatiim baga siya. He wasn't expecting to see him hugging her that tight. Napakuyom ang kamao niya ng wala sa oras. He's trying to figure out what he's feeling. Naiinis siya sa lalaking iyon, sa narinig niya na sinasabi nito kanina ay malamang na ito ang dahilan kung bakit umiiyak si Sharlene sa park kanina. He's the reason why she is so sad right now.

"Si Jairus ang kasama ko, pagod ako Nash, tataas na lang ako" sabi ni Sharlene, her voice was tired at nararamdaman niya ang lungkot dito. Mas nakaramdam siya ng galit. Sharlene doesn't deserve that kind of treatment.

"Nash Aguas" parang ang pait bigla ng laway niya dahil binanggit niya ang pangalan nito.

Nash Aguas is the reason. Sino pa nga ba? He saw them a million times together. Sila lagi ang magkasama sa campus. He's famous too. A volleyball player, the prince charming type. Mayaman, mabait, matalino. He's the boring one. Pero ito ang bestfriend ni Sharlene. He sighed.

"Jairus Aquino? Saan mo dinala si Sharlene?" Alam niyang nagtataka ito sa pagkakita sa kanya, he can feel iritation in his voice. Iritado ito sa presensya niya, but he doesn't care at all. The feeling is mutual, ayaw niya din sa presensya nito.

"Pakealam mo ba Aguas? You left her didn't you? Iiwan mo tapos nag-aangas ka sa akin ngayon? Know where to stand Aguas" sabi niya dito. Sinadya niyang di sagutin ang tanong nito, mang-aasar pa siya.

"Bakit di mo sagutin tanong ko?" parang naghahamon na ang boses nito. But still, he doesn't care. Balak niya talagang galitin ito. He doesn't like him since the first time he saw him. And he will not like him now, not after what he did to Sharlene.

"Bakit napaka-pakealamero mo?" Balik tanong niya ulit. Alam niyang nauubos na ang pasensya ng kausap niya at natutuwa sa reaksyon nito. Napipikon na ito.

"Isa lang tanong ko Aquino. Sagutin mo na. Saan mo dinala si Sharlene" binigyang diin nito ang bawat salitang binitawan nito. Aguas is serious.

"Gusto mo talaga malaman kung saan ko siya dinala? Sa bahay ko! Tatlong oras kami sa bahay ko" nakangising sabi niya dito. Kinuha na din niya ang cellphone niya at pinakita ang isang picture.

"Doesn't she look good with the 'Aquino' shirt on?" dagdag pa niya. Kita niya ang gulat sa mga mata ni Nash, he knew that Nash didn't expect Sharlene to come with him. At mas lalong nagulat ito sa nakitang picture. Isipin na nito ang gusto nitong isipin. This is just his little revenge. A little revenge for making Sharlene cry. Galit na galit ito na tumingin sa kanya, he knew that in any time ay susugurin siya nito.

Pero nakipaglaban lang siya ng titigan dito. Nash is mad at him? Wala siyang pakialam! Nash deserves it.

"Ah sige alis na ako, sa susunod na lang ako magkakape. Anyway umalis ka na din! Halata namang ayaw kang makita ni Sharlene." sabi niya dito habang nakangisi pa din. Umalis siya ng may ngiti sa labi. He got what he wanted. Nainis niya si Aguas.

Kung ako na lang sana (JaiLene fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon