KANLS: 2

5.6K 99 9
                                    

Nash's POV

Nagtatakang tiningnan niya ang phone niya. Sharlene isn't answering his phone calls, baka natutulog pa ito. Hindi naman ito mantika kung matulog kaya nagtataka talaga siya kung bakit di ito sumasagot. Nagkibit balikat nalang siya. Saka na lang niya kakausapin si Shar.

Sayang. He sighed. Akala pa naman niya ay makakasama niya ang bestfriend niya at ang special someone niya sa breakfast. Gusto niyang magkasundo ang dalawa. Pag nangyari iyon siya na siguro ang pinaka masayang lalaki sa mundo. Now that Alexa accepted him to prove his feelings ay masaya talaga siya. Sa wakas makukuha na din niya ang babaeng perfect sa kanya.

Sharlene's POV

Two weeks. It's been two weeks since Nash told her na pumayag na si Alexa na magpaligaw and since then she really tried her best para iwasan ito, she can't see her bestfriend, whom she learned to love, with someone else. Nasasaktan siya, it seems na everytime she sees them together ay may isang parte ng puso niya ang napupunit. And know what's worst? Parang ok lang kay Nash ang lahat, kung siya ay parang mamamatay na dahil sa pagkamiss sa bestfriend niya, ito naman ay parang sobrang saya pa. Ano nga naman ba ang ine-expect niya? He's with the girl of his dreams.

She wants to fight for him. Pero paano? Paano niya sasabihin kay Nash ang nararamdaman niya ng hindi masisira ang friendship na iningatan niya for ten years? She wants him only for her, ayaw niyang mapunta ito kay Alexa. Pero sa ginagawa niya malamang ay maging si Nash at Alexa na, but what can she do? She's hurting big time! Paano siya lalaban kung sirang sira pa siya?

After class ay umuwi na siya, she can't stay at school, tsaka wala na din naman siyang kasama. Kung noon kasama niya si Nash sa pagtambay ngayon ay mag-isa na lang siya. Then she realized na si Nash lang ang tunay niyang kaibigan, she never had anyone else but him. And now he's losing him too.

"Sharlene, Nash is here bumaba ka muna" narinig niyang sigaw ng mommy niya

Si Nash? Impossible.

Natigilan siya. Ano naman ang ginagawa ni Nash dito? May kailangan kaya ito sa kanya? How can she face him without breaking down? Natatakot siya. Natatakot siyang harapin ito.

"Bebe girl, bababa ka ba or si baby boy Nash ang tataas?" sumilip si Yaya Judilyn sa kwarto niya kaya naman napatayo agad siya.

Hindi pwede! We can't talk here in my room! Actually bawal silang magusap sa bahay nila. Her mother is here, baka marinig nito ang pag-uusapan nila. She's afraid her mother would see her cry.

"Sige yaya, bababa na ako. Pakisabi na lang na pakihintay ako sa baba" sabi niya at nag-ayos na ng sarili bago bumaba.

Pagkababang pagkababa niya ay niyakap siya nito. She stiffed for a moment, she missed him so much. Bumitaw naman agad ito at hinarap siya, gusto niyang yumuko para di magtama ang mata nila.

"Shar! I missed you! Ano ba ang nangyari sa'yo? Two weeks mo na akong di pinanpansin, tapos sa school bumabati ka lang. Nakakatampo na yang ginagawa mo" sabi nito na tila nagtatampo talaga.

She wants to tell him the truth, pero bawal dito.

"Nash, park tayo" sabi ko lang at naglakad na palabas ng bahay. Tiningnan siya nito at kumunot ang noo. Alam niyang nagtataka ito sa mga kinikilos niya.

Sabay silang naglakad papuntang park pero ni isa sa kanila ang nagsalita. Hanggang ngayon ay tahimik lang si Nash. Naramdaman siguro nito na may problema siya

"Sharlene may problema ba tayo?" bungad agad nito nang makarating sa park. Tiningnan niya ito at kinabahan. He seems really serious. Di siya sanay na makitang ganito si Nash.

She sighed bago magsalita. Kailangan niya ng isang batalyon na lakas ng loob para makausap si Nash tungkol sa nararamdaman niya.

"Ikaw wala, ako meron" panimula niya. She started that way because it's true. Wala naman talaga itong problema eh, siya lang ang may problema sa kanilang dalawa. In two weeks gabi-gabi siyang umiiyak samantalang ito ay tila hindi man lang naramdaman ang pagkawala niya.

He looked at her intently at tila lumambot ang mukha nito, parang nakiki-simpatya sa nararamdaman niya. Nakaramdam tuloy siya ng bikig sa lalamunan, umiinit na din ang gilid ng mga mata niya. She'll cry in any moment.

"Anong nangyari? What's the problem? Kaya nga nandito ako diba? Para makausap mo. I'm your bestfriend Shar. You can tell me everything" Mahinahon na sabi nito

Bestfriend. Yan ang dahilan bakit siya nahihirapan ngayon. Pagak siyang ngumiti. Bahala na. She should tell him her feelings.

"Bestfriend. Yan ang problema ko Nash. Ako kasi yung babaeng bine-bestfriend diba? At si Alexa naman ang ang babaeng gine-girlfriend. Hindi ko na nga alam kung ano ba talaga ang problema ko eh, ako ba? o kayo" sabi niya habang tuloy lang ang pagtulo ng luha niya. She's crying her heart out. Sasabihin na niya kay Nash ang nararamdaman niya dito

"Ano bang pinagsasabi mo Shar?" sabi nito na halatang disoriented. Tila hindi nito naiintindihan ang sinasabi niya

"Nash i love you more than a friend. Hindi ko alam kung kelan nagsimula pero nagising na lang ako ng isang araw na mahal na kita! Believe me, i tried. Pinilit kong kalimutan ka pero hindi eh, hindi ko nagawa. At hindi ko talaga maintindihan bakit si Alexa pa? Bakit hindi nalang ako? Ako na lang sana Nash"  hagulgol niya dito. She's breaking down at napaluhod pa siya. Nagulat naman si Nash sa ginawa niya kaya agad siya nitong dinaluhan.

"Tumayo ka nga dyan Shar. Please!" utos nito. She can feel how frustrated he is. Di siguro nito akalain na magtatapat siya at sa ganitong paraan pa. Tiningnan niya ito and all he can see is pity on his eyes. She cried harder, kinakawawaan lang siya ni Nash.

"Ako na lang Nash. Ako na lang ang mahalin mo" pagmamakaawa niya. She's desperate. She can't lose him.

Tinayo siya ni Nash at pinaupo sa swing. He faced her na tila nahihirapan na sa sitwasyon.

"Shar, bestfriend kita at normal na mahal kita pero hanggang kapatid lang ang nararamdaman ko para sa iyo. Check your feelings again, baka yun lang din ang nararamdaman mo sa akin" mahinahon nitong sabi sa kanya.

Napailing siya. He can't understand her.

"Nash don't you ever question my love for you. Totoo ang nararamdaman ko" madamdamin niyang sabi.

He sighed again, mas malalim ito tapos hinawakan nito ang kamay ko.

"Then i'm sorry Shar. Sorry kung nasasaktan na pala kita ng hindi ko alam. Pero si Alexa talaga eh, siya ang mahal ko. Madami pa naman dyan iba. I'm really sorry" sabi nito at umalis na. Iniwan siya nito. Iniwan siya ng bestfriend niya.

Kung ako na lang sana (JaiLene fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon