Chapter 05 - Love Jeep (September 01, 2013)

39.6K 1.2K 271
                                    

Chapter 05 - Love Jeep

"Wow. Grabe lang wow! As in wow na wow."

"Hoy Oliva. Wala ka na bang alam na word kundi wow?" Suway ni Jasper sa kaibigan. "Para kang tanga."

"'Yun naman." Tumango-tango si Voltaire Oliva. "Ako pa ang tanga?"

"Okay... so ako pala, si Fire Jasper Sosa Varela Arias Avery, ang tanga?"

"H-hindi... hindi po..."  Atras ang dila ni Voltaire. "Alam mo ang labo mo talaga sa'kin Jas. Kapag 'di kailangan, 'tsaka mo lang ginagamit 'yung kapangyarihan mo 'ano?"

"Para kasing tanga naman talaga." Nilaklak ni Jasper ang energy drink para magising. Hindi pa kasi sila natutulog dalawa simula kagabi.

"Eh paano ba naman? Simpleng lagnat, dadalhin sa ospital."

"Walang simple sa lagnat. Dumugo nga lang tuhod ng kapatid ko, tatawagin na lahat ng manggagamot sa palasyo. Paano pa pag nilagnat?" Simpleng sagot ni Fire.

"'Yun nga ang point. Kapatid mo 'yun. Kayo 'yun. Hindi naman royal blood 'yung katulong niyo."

"Alam mo, alam mo..." Napailing na lang si Jasper. Ayaw na makinig sa mga lumalabas sa bunganga ng kaibigan. "Ang dami-dami mong sinasabi eh. Para kang hindi lalaki!"

"Sorry na..." Lalong nagsumiksik si Voltaire sa kili-kili ni Fire. "Grabe naman 'to kung magalit. Sorry na..." Nangaasar.

"Lumayas-layas ka nga!" Tinulak niya si Voltaire na ikinitalsik nito. "Kaya tayo nachi-chismis!" Tumingin si Fire sa paligid.

"HAHAHAHA! Asar talo!"

"Gago!"

"Joke lang! 'Eto naman! Lalaking-lalaki ako!"

"Ewan ko sa'yo!" Pinagpag ni Jasper ang damit na dinikitan ni Voltaire. "Try mo maligo ng holy water."

"Ay! Mukhang kailangan ko nga 'yan." Napa-smirk pa ito. Napayakap naman sa sarili si Jasper.

"Hindi! Ano na naman iniisip mo? Sa ibang dahilan ko yata kailangan ng basbas! Hindi ikaw 'yung pinagnanasaan ko 'no? Feeling mo po, kahit prinsipe ka. Babae pa rin gusto ko 'no? Seksing babae."

"Ha? Sin--" Tsaka lang na-realize ni Jasper ang pinapatungkulan ni Voltaire Oliva. "Naknamputsa! Ikaw naman pala eh!"

"'Di naman! Sinasabi ko lang na kung nagaayos naman pala 'yung katulong mo, eh..." sumipol na lang si Voltaire.

Napasigaw na lang ang squire ng batuhin siya ng prinsipe ng lata ng energy drink na pinaginuman.

"Aning-aning ka din eh 'no? Niligaw-ligaw mo 'yung tao, tapos ayaw mong ipa-ospital ko, tapos pagnanasaan mo?"

"Oo na oo na. 'Di ko naman talaga pagnanasaan 'yun. Amasona naman yata yan, parang hindi babae. May lagnat na pala, nangaaway pa? Gusto pa akong hampasin ng payong? Grabe!" umakto pa si Voltaire na na-shock. "'Yung moment lang talaga ng vulnerability..."

"Moment of vulnerability ka pa diyan."

"Oo. Hinuhusgahan mo na naman ingles ko? Ang sinasabi ko lang, 'nung bumagsak siya sa lagnat niya, parang hindi siya amasona."

"Naalala ko tuloy yung greek origins ng mga Amazons. Tinatanggal daw yung isang breast nila para maging magaling sila sa paggamit ng pana at paghagis ng javeline. Nanggaling sa /a-mazos/ na ang ibig sabihin ay breastless na malayo naman yata sa katawan ni Jellyfish dahil—"

"Hey hey hey!!!" awat ni Voltaire kay Fire. "Ayan ka na naman! Anong pinagsasabi mo?!" Nagtakip na ito ng tenga. "Okay na yung hanggang pagtanggal ng breast blah-blah! Pero nung umabot na sa etymology etymology, tama na po!"

Fire and Ice (Revamping)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon