Chapter 01 - Be My Servant (July 02, 2013)

114K 2.1K 362
                                    

Chapter 01 - Be My Servant

"Ano ang buong pangalan ni Prince Ice?" tanong ni Ms. Ambrocio,  professor nila sa Royal History.

Pinipigilan ni Dew Lia ang mga mata na tuluyang pumikit. Kinakagat ang dila maging ang inner cheeks para magising. Kung pwede lang sanang ipang-tukod sa mga eyelids ang toothpick na nasa bibig niya, ginawa niya na. Antok na antok na kasi talaga siya at feeling niya anytime, pwede na siyang maghilik.

Pinaka-ayaw kasi niyang subject ang Royal History.

"Hoy, Dew, makinig ka." Bulong ni Nikki na napapansin na ang unti-unting pag-bagsak ng ulo ni Dew Lia.

"Nakikinig naman...." Lalong sinadyang nilakihan ni Dew ang mga mata, binukabuka pa ang bunganga para hindi tuluyang makatulog. 

Inip na inip na talaga siya. Ilang minuto pa bago magtapos ang pinaka-pangit na subject sa balat ng lupa. Kinusot niya ang mga mata sabay ang nakakatakot na pag mumura sa isip niya.

Taena naman talaga 'tong subject na 'to oh. Walang ka-kwenta-kwenta. Sayang lang sa brain cells. Nakakagago lang pag-aralan 'yung mga buhay nilang mga walang kwenta silang mga prinsesang nakaupo sa tasa.

Bata pa lang si Dew Lia, sinasabi na sa kanya ng tatay niya na walang kwenta ang Royal Family. Na ebidensya daw ito kung gaano ka-unfair ang buhay. Na mayroong ipinapanganak na may silver spoon na sa bibig, na mayroong pinapanganak na sagana sa buhay kahit walang pinaghihirapan sa buhay, at may ibang naghihirap at nagpapakapagod, pero mahirap pa rin. Dukha.

"Hoy!" Siniko na naman siya ni Nikki. "Nakatulog ka na diyan."

"H-ha." Pinunasan ni Dew ang bibig niya at baka may tumulong laway. "Shit." 

"Shh."

"Bakit ba kasi natin pinagaaralan yan? Nasa probinsya na nga tayo, royal family-crazy pa rin ang mga tao? Nag-aaral na nga tayo ng royal family, nagbabasa pa rin kayo ng ganyang magazine?" turo niya sa royal family magazine na patagong pinagkakaguluhan ng mga classmates niyang babae. "Hindi ba kayo nagsasawa sa nakakasawang mga mukha nila?"

"Ano ba Dew Lia? Magiisang taon pa lang ipinapakilala sa buong kingdom si Papa Ice, sawang-sawa ka na agad? At tska birthday niya na kaya sa isang araw! Pupunta nga kami eh! 'Diba Mars?" lingon ni Nikki kay Marie na isa pa nilang seatmate. Ibinalandra nito ang centerfold ng magazine kung saan naka-feature ang prinsipe na bago pa lang nakikilala ng buong bansa.

Kadiri! Ang dami-dami pang arte. Tinago-tago pa kunwari 'tong baklang prinsipe na 'to para kamo grand announcement at pa-effect lang.

Pinigilan ni Dew ang pag-ikot ng mga mata. Kaya nag-isip na lang siya ng pwedeng masabi sa mga kabarkada.

"Pupunta kayo sa party? Paano?!" Gusto niyang asarin ang mga pangarap ng dalawa.

"Yep! Bakit? Anong masama? Itatry namin pumunta. Ngayon pa lang kinilig na ako! Medyo matagal namin pinag-ipunan ni Nikki ang pamasahe." Medyo malakas na sabi ni Marie na 'di na talaga maitago ang excitement. "Makikita ka na rin namin, my loves." Nakadaop pa ang mga palad ni Marie.

"Whut!? Ano ba naman kayo?!" gustong i-untog ni Dew Lia ang sariling ulo sa desk. "Luluwas pa kayo?! Invited ba kayo? Nagsasayang lang kayo ng oras." Napakamot na ng tuluyan si Dew Lia. Halos matanggal ang anit niya.  "Halos isang taon pa lang natin siyang nakikilala, porket prinsipe, mahal niyo na agad? Puro kayo kaartehan lang naman, ipapakilala rin pala nila ang anak nila, bakit kailangang may special annoucement pa kapag dumating ang 18 years old? Bakit kailangang secret-secret pa kung sino 'yung mga anak nila as if naman may pakialam ang lahat."

Fire and Ice (Revamping)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon