Chapter 03 - Stray cat (July 28, 2013)

45.1K 1.3K 294
                                    

Chapter 03 - Stray cat

"Mom..." halos walang boses si Juliya habang kinakausap ang babae na pinagaksayahan niya ng pera para sa overseas call. Wala naman yun sa kanya. Ang mahalaga eh malaman nito agad ang mga pangyayari.

"I. am. Busy. Siguraduhin mong what you'll say will be worth my precious time sweetheart."May steadfastness sa boses ng ina nagpakaba sa kanya. Alam niyang ayaw nitong marinig ang sasabihin niya. Pero alam niya ring mas lalo siyang malalagot kung hindi niya agad ito sasabihin dahil malalaman at malalaman din nito ang lahat.

"He is..." She trailed off. "...seeing someone."

"WHAT!?" Alam niyang naintindihan agad siya ng ina kahit hindi siya magsabi ng pangalan. "Why? Sino? Hindi pwedeng mangyari yun!"

"Well mom, it happened."

"That's what I'm telling you, Juliya Alona!" Napalayo ng kaunti si Juliya mula sa receiver ng phone niya nang biglang lumakas ng todo ang boses ng ina.

"Tell me what did I drill in your brain?! Ang sabi ko kasi sa'yo hwag ka nang umalis! Ano naman ngayon kung may pinagsamahan kayo ng kapatid niya. You and the crown prince should be end game no matter what! O kahit umuwi ka na lang sana agad! Sabi ko sa'yo, don't waste time loitering around! What did you do? Eh di ngayon—"

"Mommy naman! Alam mo naman kung anong meron kami ni Fire!" gusto niyang sumigaw pero naalala niyang nasa loob pa rin siya ng fine dining resto.

"Kung anong meron kayo ng kapatid niya, wala na 'yun ngayon. You know that this Fire Jasper already knew who you chose." matigas na sabi ng mommy niya.

"This Fire Jasper is also a prince, mom." Pinaalalahan niya ang nanay niya.

"Whatever. Besides, nung nag-18th birthday ang kapatid niya, sinabi mo na sa kay Fire na si Ice ang gusto mo. Hindi ba?"

"Mommy!! Hindi ko sinabi sa kanya! Nakita niyang--"

"Gawan mo ng paraan 'yan! Above and beyond, ipinaalam ko na naman sa lolo mo ang sitwasyon. They can arrange your wedding earlier. Si Ice ang mas matanda kaya siya ang crown prince. Don't settle for less, sweetheart."

Ilang saglit pa. Wala na siyang kausap. Tinignan niya na lang ang glass of wine sa harap niya. Iniisip niya kung dapat ba isang bote na ng table wine ang inorder niya.

Don't settle for less.

Yun ang palaging sinasabi ng nanay niya. Don't. settle. For. Less.

Whatever that means, sumusunod na lang si Juliya. Tama naman ang mommy niya palagi eh. Sa sobrang daming kamalian na nagawa niya sa buhay niya, her mom just proves na tama ito palagi. 

Childhood friends sila ni Fire. Na minsan umabot na rin sa pagiging more than friends ang turingan nila. No words. Pero alam nilang nagkakaintidihan sila ni Fire Jasper. He really trusts her. Maraming beses niya nang napatunayan ang tiwalang 'yun. But she ultimately has proven how much he trusts her nang sabihin sa kanya nito ang tunay nitong pagkatao. Na anak ito ng hari. Ikalawang anak.

*

"Second son?" Sabi ng mommy niya ng di niya natiis sabihin ang totoo sa sariling ina.

"Yup! Isn't that cool mom? I, Juliya Alona Palafox, the only granddaughter of Menandro Palafox, is good friends with the King's son." Isa ang bansa nila sa Constitutional Monarchy.

"Stupid!" Sagot ng ina. "If he's the second son, you better look for the first... the crown prince."

*

Fire and Ice (Revamping)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon