Chapter 04 - Jellyfish under the Rain (August 18, 2013)

40.9K 1.2K 226
                                    

Chapter 04 - Jellyfish under the Rain

"Jas! Jasper! Dahan-dahan!" 'di mapakali si Voltaire sa pagmamaneho ni Fire. Kahit gabi na at maayos na sana ang pagmamaneho ng matulin, di rin niya maalis ang pagaalala. Lalo pa't umuulan ng malakas. Halos wala na silang makita sa windshield. "Zero visibility na oh! Jusko po! Mamatay yata ako sa mga kamay mo!"

"Mag-seatbelt ka kasi! Baka tumalsik ka pa sa windshield pag bigla ako pumreno!"

Nag-rewind naman sa utak ni Voltaire ang pinagsasabi niya sa babaeng niligaw niya kanina habang siya ang nagmamaneho ng mabilis. Parang siya naman ang nakakaranas ng posisyon nito kanina.

"Karma na yata 'to?!"

"Wag kang OA!" titig na titig si Jasper sa harap. Tinitignan lahat ng kantong madadaanan sa kabila ng malakas na patak ng ulan "Nag-aalala ka pa ba kung mahuhuli tayong overspeeding? Eh patrol car mo na nga ang gamit natin? Royal Patrol Car. May huhuli pa ba sa'tin?"

"Yun na nga Jas! Patrol car ko ang gamit mo! Royal Patrol Car pa ang makikitang sobrang bilis. Paano kung mahuli ako ni Chief Luna? Anong sasabihin ko at mabilis pa sa 80kph ang takbo ng kotse ko?" todo hawak pa din si Voltaire dahil hindi talaga maayos ang pagmamaneho ng prinsipe. "Tska bagalan mo nga lang! Paano kapag nabangga tayo. Baka mapano ka pa." Punong-puno ng fondness na sabi niya.

"Ako pa talaga ang sasabihan mo niyan? Mas iisipin mo pa si Chief Luna kesa sa kasama mo na 2nd in line sa trono?" 'di pa rin tumitigil si Fire sa pagmamaneho ng mabilis. Minsan lang nito ginagamit ang kapangyarihan kaya saglit na natigilan si Jasper.

"Sakto! Anong gusto mong sabihin ko kapag nahuli ako ni Chief Luna? Na hindi niya ako pwedeng pagsabihan at parusahan dahil prinsipe yung gumagamit ng patrol car? Na hindi pwedeng kasuhan yung prinsipe dahil may immunity kayo sa batas? Ganun?"

"Oo."

"Wow! Jas! Ang labo mo rin eh. Minsan ayaw mong sabihin na ikaw ang prinsipe, tas ngayon naman kung makagamit k—"

"Tumigil ka na. Ikaw naman may kasalanan nito eh." pinutol ni Fire ang sinasabi ni Voltaire na parang ayaw na marinig ang mga susunod.  "Naturingan kang royal guard, kung maka-ano ka dun sa babae."

"Maka-ano ka naman. Sabi ko nga kasi, kahit ano gagawin ko para sa'yo." May halong birong sabi ni Voltaire.

"Kadiri ka talaga." Inaambaaan si Voltaire ng prinsipe. "Eh, saan mo ba dinala?"

"Diyan! Kumanan ka diyan sa unang kanto."Biglang turo niya kay Fire at muntik na silang makalampas.

"Takte ang galing mong navigator!" Sarcastic si Fire.

"Grabe! Sino ba 'yun? Sabihin mo nga sa'kin. 'Yung katulong ba eh secret girlfriend mo o fuck buddy mo o ano?"

*screeeeeeech*

"Fvck!!!" 1000decibels na sigaw ni Voltaire ng biglang magpreno ang sasakyan mula sa pinakamabilis na takbo. Halos tawagin na rin ni Voltaire lahat ng santo ng sa pagkabingi niya sa biglang preno ng kamahalan. "ANO BANG PROBLEMA MO... PO?!" hindi niya pa alam kung paano gagalang kung ganitong parang mamatay na siya.

"Isang salita mo pa diyan." Mahinang sabi ni Jasper. Simula nun napansin ni Voltaire ay medyo mabagal na ang takbo ng sasakyan.

"'Di na nga ako magsasalita."

"Pero nagsasalita ka pa rin."

"Alam mo ang kulit natin."

"Nagsasalita ka pa rin."

"Bakit kasi kung makapanic ka naman diyan sa katulong"

"A-ano!? Ikaw kasi ang bopols mo! M-may utang kasi siya sa'kin! Paano na niya ako mababayaran! Eh iniligaw mo?"

Fire and Ice (Revamping)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon