Chapter 08 - The Prophecy (March 14, 2015)

20.8K 721 133
                                    

Chapter 08 - The Prophecy

Ang huling natatandaan ni Fire Jasper ay ang galit ng nakatatandang kapatid dahil hindi pa siya umaahon sa pool terrace ng Rear Castle. Hindi siya makaahon dahil namumulikat ang isang paa at maliliit pa ang kanyang kamay at paa para kumapit sa gutter. Anim na taong gulang pa lamang siya at hindi pa ganoon kalakas.

"Prinsipe..."

Tinulungan siya ni Mea, ang kanilang personal na lady-in-waiting ni Prinsipe Ice. Mabilis siyang pinagbihis dahil pinapupunta sila ng kapatid niya sa Bahay ng Mga Bituin.

"Madali prinsipe. Inaantay na kayo ng mga hirang sa harap ni Divina Grasya." Inaayos ni Mea ang damit niya at nilagyan pa ng maliit na kapa. Ibig sabihin ay isang importanteng okasyon. Sa batang gulang ay hindi pa maintindihan ni Fire Jasper ang nangyayari.

"Ano bang gagawin namin sa harap ni Divina Grasya? Sino ba siya? Mas mataas pa ba ang posisyon niya sa presidente? O sa hari?"

"Hindi mahal na prinsipe. Siya ang Seer. Ang Augury. Ngayon ay isang magandang araw. Pangalawang kabilugan na ng bwan sa taon. Ayon sa tradisyon—"

"Huhulaan niya ang magyayari sa aming hinaharap?"

Nakaramdam siya ng tuwa at tumakbo na agad sa Bahay ng mga Bituin kahit nagaayos pa ang nakatatandang kapatid. Hindi na niya hinintay si Ice at hinabol siya ni Mea na agad ring napatigil sa pintuan ng makapasok na siya sa loob ng Bahay ng mga Bituin.

Nakaupo sa harap ang Royal Family Seer sa harap at nakaupo ang inang reyna at ang kanyang hari sa tapat nito sa baba. Nagulat ang lahat sa biglang pagpasok ni Fire Jasper.

"Ang hirang." Lumapit ito kay Fire. "Ang ating magiging hari."

"H-hin—" gusto sanang itama ni Fire ang Seer pero agad siya nitong pinatahimik.

"Mahirap ang daan crown prince. At mas lalo kang mahihirapang itayo ang bansa kung wala ang iyong magiging reyna..."

Pero pumasok si Prinsipe Ice at napatingin dito si Divina Grasya.

"Ingatan ang magiging reyna. Ang magiging ina ng bayang ito."

"Hindi ako ang crown prince... Si kuya Ice..."

"Pero..." naguluhan ang Seer. "Pagpalain sana kayo ng mga bituin. Hirang na prinsipe iyong hanapin... ang reyna Julia na magiging tanglaw natin."

"Mga anak..." tumayo ang mahal na reyna at inakay sila palabas.

"Julia?" sabay na sabi ng dalawang batang prinsipe.


Napasipa si Fire Jasper mula sa pagkakatulog. Napatayo siya sa sofa at tska naalala ang nangyari kanina. Nakatulog na pala siya sa sofa matapos ang mga nakakatawa at nakakahiyang pangyayari.

"Juliya? O Dew Lia?" nagsalita si Voltaire na nakahiga sa sahig.

"Ano?"

"Sumigaw ka kasi. Sino ba sa dalawang Julia na 'yun ang napapanaginipan mo?"

"Sumigaw ako?"

"Oo nga." Natatawa si Voltaire. "So sino nga?"

Tumahimik si Fire at umupo sa sofa.

"Bakit?" tumayo na rin si Voltaire at tumabi kay Fire.

"The late Divina Grasya."

"Bakit ba? Nung isang araw mo pa naman binabanggit ang dating pinuno ng Bahay ng mga Bituin?"

Fire and Ice (Revamping)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon