Chapter 02 - She's my girlfriend (July 14, 2013)

52.8K 1.3K 230
                                    

Chapter 02 - She's my girlfriend

Wala na akong pera, wala na akong pangload. Wala na akong pamasahe pauwi ng probinsya, at puro noodles na lang itong kinakain ko. Mauubos ko na 'tong pinautang sa'kin. Halos parang nagta-travel lang ako sa sarili kong bansa dahil sa tinitipid-tipid kong pocket money! Anlahuy!

Napatingin si Dew Lia sa hawak-hawak niyang cup noodles.

"Buti sana kung pinapa-sweldo ako 'nung lalaking 'yun. Aba, kahit libreng pagkain pala wala. Kutong lupa 'yun!"

Sa isip ni Dew, maraming beses niya ng pinatay si Jasper. Mabuti na nga lang at may natitirahan pa siya.

Kung hindi niya muna iintindihin 'yung totoong ipinunta niya sa Capital, baka pagkain na lang talaga ang problema niya. Kaya matiyaga siyang pumipila sa isang malaking grocery para makabili ng murang cup noodles. Kung sa convenience store kasi siya bibili eh masyadong malaki ang patong kaya nagtyatyaga siyang pumila doon kahit sobrang haba at dalawang cup lang talaga ang bibilhin niya.

"Bibilhin niyo po 'to lahat?" tanong ng cashier sa babaeng nasa harap niya. Ang totoo, kanina pa siya naiihi. Uminom na lang kasi siya ng madaming tubig para mapalis yung gutom. At ngayong malapit na siya sa cahier, lalong tumindi ang pagkaihi niya sa excitement ng paparating na pagkain.

"Tinatanong mo kung bibilhin ko? Ay hindi!! Pinapakita ko lang sa'yo. Kuya, ibalik mo lahat yan." Turan ng babae sa cashier na di maintindihan kung napahiya ba o natatawa sa pagka-sarcastic ng babaeng nakapila.

"Ma'am naman."

"Malamang bibilhin miss. Jusko. Ang tagal-tagal ko dito ta's hindi ko bibilhin? Ano 'yan ipinapakita ko lang sa'yo?"

Nagtawanan ang ibang mamimili at ang bagger.

Natawa na lang si Dew Lia sa sarcasm ng babae. Maganda naman ito. At hindi naman mukhang nagtataray. Hindi niya alam kung bakit di niya magawamg maiinis dito kahit ayaw na ayaw niya sa maangas at mala-vice ganda humor.

Ilang sandali pa, nakapagbayad na rin siya. Nagsingit na rin siya ng maliit na kaha ng yosi.

"Sorry budget, kailangang kailangan ko lang talaga ng yosi!" paalam niya sa sarili dahil medyo naguilty sa pagbili ng isang bagay bukod sa kailngang-kailangang pagkain.

Dumeretso siya sa food court na kaharap ng grocery para maghanap ng mainit na tubig. Swerte naman siya at agad nakakita ng water dispenser. Pinuno niya ang cup lampas na sa linyang inilagay. Di na mahalaga ang lasa, ang importante eh mapunan ang gutom na nararamdaman niya.

Dideretso na sana siya sa isang upuan para makakain ng maayos ng biglang may makabangga sa kanya.

"Aray!" napaaray siya dahil medyo natapunan ang kamay niya ng mainit na broth galing sa cup noodles na hindi niya pa man lamang nababawasan. Nabitawan niya tuloy lalo ang noodles, nabanlian pa ang kamay niya.

Naguho ang mundo niya. Ang tanging pagkain na pinila niya ng pagkahaba-habang panahon. Ang tinitipid-tipid ng budget niya. Nauwi sa sahig.

"Gusto kong malaman universe... kung bakit may masasamang bagay ang nangyayari sa isang taong wala namang ginagawa!!!!" gusto niyang mag-apoy. Kung may kapangyarihan lang si Dew Lia, baka sunog na sunog na ang kaharap.

"Sorry! Sorry Miss!!" sabi ng lalaking nakabangga na may kakaibang suot.

"Anong sorry-sorry?! Baka gusto mong—" Pero bago niya pa ito mahabol, humarang na sa harap niya ang isang babae.

"Ano ba?"

Umiling ang babae kunwa'y pinipigilan siya. Namukhaan niyang ito yung sarcastic  na babae na nasa unahan niya sa pila.

Fire and Ice (Revamping)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon