Chapter 13

1M 26.1K 5.8K
                                    

Chapter 13

Ang Bad Girl

Nangolekta ako ng mga calling cards. Yung iba, sa tissue nilagay ang mga number nila. Limang number pa lang yung nakokolekta ko. Mamaya ko na ito ipagpatuloy dahil baka mag alburuto na naman si Sungit Hunk sakin dahil wala ako sa tabi niya. Alam niyo naman iyon, mejo clingy. Charot! Wish ko lang!

Bumalik na ako. Naririnig kong sumisipol sa akin yung ilang foreigner na nakaupo sa sofa ng reception. Di ko na tinignan. Hindi naman kasi namimilit ang mga ito kung hindi ka nagbibigay ng motibo.

Papasok na sana ako ng office nang bigla kong nakita si Jayden na nagsasalita sa gitna ng mga staff.

"Let's all work together to make this resort number 1. Alam natin ang goal ng mga Castillo."

Uupo na sana ako kasama ng ibang staff doon. Kakapasok ko lang sa office na ito pero late agad ako sa meeting.

"Shit!" Malutong kong pagmumura nang nasamid ang paa ko sa paa ng silya.

Walangyang silya!

Natigil si Jayden sa pagsasalita kasi umalingawngaw yung karampot na mura ko. Napalingon lahat ng mga staff sakin.

"That's Charity Rama, our new HR."

Kinawayan ko ang mga tao doon. Ngumiti din naman sila sakin.

"At secretary ko rin siya kaya kung may mga papeles o mga concerns kayo na wala ako..."

Lapitan niyo lang siya... Yes, yes... Tumango-tango ako habang pinapanood si Jayden.

"Kung wala ako, wala din siya. Okay? Dismiss. Salamat sa pakikinig."

Napatunganga ako sa sinabi niya. Agad gumalaw at nagsialisan ang mga staff. Kahit na may iba doong hindi pa nakakaget over sa kapogi-an ni Jayden...

"Ang gwapo niya, shet! Inspired ako nito lagi!"

Ako naman, hindi makarecover sa huling sinabi niya. Ibig sabihin sabay kaming luluwas sa syudad linggo-linggo? OMG! Yun ang gusto niyang mangyari.

Agad akong tumayo para sundan sana si Jayden, kaya lang ay hinarang ako nang nakangiting si Christian.

"Hey, ano? Mamayang gabi? Party tayo doon sa Sand and Booze? Di mo pa ako tinitext, ah?" Aniya.

"Actually, yun nga sadya ko sayo. Naiwala ko yung calling card mo, eh. Pwede penge ulit?" Ngumisi ako.

"Sure! Basta ba wa'g mo na iwala ulit!" Ngumisi din siya.

"Of course." Humalakhak ako.

Inabot niya naman sakin yung calling card niya.

"Thanks!" Sabi ko.

"Saan ka ba kakain ng lunch? Para sabay na tayo?"

At dahil ginugutom na ako, sumabay na ako kay Christian. Ang sarap ng mga pagkain dito sa Chase Paradise. Pumili ka lang kung sa harap ba ng pool o sa harap ng dagat. Syempre, pinili ko yung sa harap ng dagat. Puro seafood ang nandito. Napasarap tuloy ang kain ko. Amoy na amoy mo pa ang maalat na dagat. Maraming taong naliligo.

"Sarap ng mga shrimps." Sabi ko kay Christian habang ninanamnam ang paubos ko ng mga seafood.

"Oo nga, kaya lang, mahal talaga lalo na dito sa Bantayan." Sabi ni Christian.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon