Chapter 5

3.6K 122 8
                                    

Chapter 5
Still

"Mae, bakit naman iyong si Karly pa ang pinopormahan ni Sien?" Tila hindi makapaniwala si Elaine.

"Oo nga. Wala na ba siyang taste?" segunda ni Aria. Napatingin kaming lahat sa kanya. Nag kibit siya ng balikat habang nakataas ang isa niyang kilay at hinintay lamang ang sagot ko.

"I don't know. Hindi ko nga alam na pinopormahan niya 'yon."

Pinagpatuloy ko lang ang pagaayos ng storage box ko. Busy ang klase sa paglilinis ng room dahil magtatapos na ang school year. Marami ang nangyari, but they're all usual to me. Same old hell week because of exams and thesis madness, same old days with the same faces. Fun days come on Fridays and Saturdays. Ganoon lang ang set up ng buhay ko hanggang sa dumating na ang araw kung saan sisigaw na ang class president namin ng...

"General cleaning na guys!"

Sari sari ang sigaw ng mga kaklase ko. Anila hindi pa nga sila tapos sa pagpapapirma ng clearance, hindi pa tapos magayos ng mga iuuwi nilang mga libro, at pati ang pagme merienda ay idinahilan nila.

Matapos naming mag ayos ay kanya kanya na kaming gawain para maglinis ng room. Pinili kong linisin ang jalousie kaysa sa mag-agiw dahil hindi ko naman abot iyon. Ang mga boys ang naka-assign sa paglinis ng sahig. Nasa loob sila at nagkukulitan.

"Wow, bespren! Ang sipag mo talaga. Ang saya mo sigurong maging asawa, ano?" pang-inis na sigaw ni Sien mula sa loob. Sumama ang timpla ng aking mukha.

Umakma akong ibabato ang hawak kong pamunas sa kanya at mabilis pa sa alas kwatro siyang naghanda para umilag. Natawa ako nang magtago siya sa likuran ni Jayce. Sumisilip silip pa ang loko para mag make-face sa akin. Inirapan ko lang ang kumag.

"Ang sweet ng mag best friend! Kailan kaya magkakaaminan?" pang asar na tanong ni Ten nang lumapit siya sa akin para punasan ang kabilang bintana.

"Have a nice summer, too, Pristine!" sarkastiko kong sabi at tinawanan niya lang ako.

Pinagpatuloy ko ang paglilinis. Nang masulyapan ko si Sien sa loob ng room ay saktong napatingin siya sa akin at binigyan ako ng nakakairitang kindat.

What the f uck naman kasi! Alam kong iniinis niya lang ako sa mga ganoon niya, pero naiirita na ako. Naiirita na ako kapag sinusubukan niyang maging sweet sa akin, kapag nagiging gentleman siya, kapag kinukulit niya ako, kapag ginagawa niya ang mga bagay bagay para sa akin. I must be insane for being too cranky at those gestures, I know. But those were the fcking reasons I'm falling deeper everyday. And honestly, I don't know how to prevent this fall.

"Mae, sa inyo naman tayo mamaya, ah?" Sabi ni Elaine.

"Ha? 'Wag sa amin, magulo ang bahay. Kina Jesca na lang!"

"Ay, sorry bakla, nandoon sina Tita Lai with their other friends," mabilis na sagot ni Jesca.

Binigyan ako ng tingin nina Ten at Aria na huwag ko ng subukang ipasa sa kanila ang sasabihin ko kaya't napabuntong hininga na lang ako at pumayag. Now they're like wildcats rummaging the house.

"Mae! Nagtext si Sien, susunod daw sila ni Jayce. Silang dalawa lang daw kaya 'wag kang mag alala," sigaw ni Elaine mula sa sala.

Naghahanda kami ni Aria ng snacks sa kitchen nang sabihin iyon ni Elaine. Iba't ibang klase ng reaksyon na naman ang nangyari mula sa aking mga kaibigan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin inaamin ang nararamdaman ko para kay Sien, ngunit hindi ko na rin iyon itinatanggi tulad ng dati. Ngayon ay... slight na lang.

Habang itinatanggi ko kasi, mas sumasakit. So instead of trying to feed them lies, I just shut up about it instead.

"Dude, ipaglaban mo na! May laban ka naman eh," sabi ni Elaine. May kasama pang conviction iyan ha. Hindi ko alam sa babaeng ito.

Friendshipidity (Chase #3)Where stories live. Discover now