Chapter 22

2.7K 88 12
                                    

Chapter 22
Stupidity

Hindi ko na namalayan ang bilis ng panahon dahil sa dulot na kabusy-han ng pagaaral. Ngayong gabi ay may party kina Aria dahil sa pagkapasa namin nina Jesca sa battery exam. Halo halong friends at schoolmates namin ang narito.

Malaki ang bahay nina Aria kaya't hindi naging problema ang accommodation sa maraming tao. I think I saw some people from our High School, hindi ko lang maintindi dahil sa dami ng tao. I think most of them have plus ones. And speaking of plus one...

"Jescapits! Buti nakarating ka!" Ten greeted Jesca who arrived fashionably late. Talagang kumukurba na ang katawan nito, ah!

"Duh. I'm the MedTech student here?"

Hindi ako lumapit sa dalawa nang makita ko ang pamilyar na pigura sa bandang likod ni Jesca. He's wearing the jeans he usually wears on the nights we ate dinner together. Ang buhok niya ay ganoon pa rin. It's been a while.

Nagmamasid masid pa siya na parang may hinahanap. Awtomatiko akong napaatras dahil muntik na niyang mahagip ang gawi ko. Isang babae ang naatrasan ko.

"I'm sorry!" Inalok ko kaagad sa kanya ang panyo ko dahil tumapon ang kaunting inumin mula sa basong dala niya.

"Ayos lang," mabait na sagot ng babae. Itinulak niya pabalik sa akin ang kamay kong may hawak ng panyo.

Binalik ko ang tingin ko sa pwesto ni Gage kanina ngunit ibang tao na ang naroon. Siguro ay nakahanap na siya ng crowd na pakikihalubian. Inalis ko ang isip ko roon at dumating si Ten sa tabi ko.

"Kung hindi ako nagkakamali, you were checking out Gage?" Pinanliitan niya ako ng mata. "Alam ba 'to ni Sien? Naka-move on ka na ba sa kanya? Balita ko hindi pa! Ang sabi ng iba ay good terms na raw kayo at may nabubuo na..."

Kinurot ko ang pisnge ni Ten kapalit sa makahulugan niyang ngiti. Napangiwi siya.

"Alam mo ang dami mong alam. Nasaan na ba sina Elaine? Si Jesca saan pumunta?"

"I don't know. Hanapin natin."

Iginiya niya ako para ilibot sa bahay. Sa loob ay dim ang mga ilaw para magbigay ng kakaibang aura, habang sa pool area naman ay iba't ibang kulay ng ilaw ang sumasayaw sa paligid. Malakas din ang tugtugan kaya't enganyong enganyo ang mga nagsu-swimming at mga nagiinom sa gilid ng pool.

Ilang kakilala na ang nakausap namin and there are still no signs of our friends. Pinakilala ako ni Ten sa mga nakilala na niya noong wala pa ako rito, habang ganoon din ang ginawa ko kapag nakakakita ako ng schoolmate namin sa Summerridge.

"Sigurado ka bang hinahanap mo sina Jesca? Baka naman iba ang nasa radar mo, Mae! Please control yourself," malakas na tumawa si Ten. She angled my face into the direction of someone who seemed to be engrossed on watching us... me... roam around.

I awkwardly introduced myself to a bunch of people who probably won't even remember me later.

"Nagle-level up ka na, hindi na si Sien lang ang gusto mo. Gume-Gage ka pa. Ang tuh-ray!" Sinundot ni Ten ang gilid ko.

"Ten, alam mo konting konti na lang ay ihahagis na kita sa pool."

"Pero hindi mo magagawa 'yon kasi kailangan mong maging magpakababae sa mata ni Gage. Talandi talaga!" Humagikhik pa ang bruha! "Kailangan ko itong i-share sa kanila. News flash! News flash!"

"NO! Ten, manahimik ka dyan!"

Mas lalo siyang nagtatalon noong nakita niya akong mag-panic. Daig pa nito ang lasing! Ihulog ko na kaya talaga ito sa pool nang mahimasmasan?

"Hindi ko naman sasabihin..."

Nakahinga ako nang medyo maayos. I don't want my friends to know what happened because it's stupid.

Friendshipidity (Chase #3)Where stories live. Discover now