Chapter 26

2.4K 73 1
                                    

Chapter 26
Shoot

Pagka kwento ko kay Yanis ng nangyari sa dance studio ay pumula nang kaunti ang kanyang pisnge. Noong una ay matatag siyang humindi sa alok ni JV pero nang mapilit nina Cess at June ay wala na siyang nagawa.

"Pwede rin tayong makakuha ng moves and styles, you know," pagiisip ni June. Umarangkada kaagad si Darrah upang tumutol.

"Hindi tayo bababa sa gano'ng level, Juanita," umasim kaagad ang mukha ni June nang marinig ang pang-asar sa kanya, "Kung mananalo tayo, ano ang sasabihin ng iba? We won because of Fiery Heroes?"

"Ano ka ba! I'm not saying we will ninja our way to get some moves. JV is not an enemy. The whole of Fiery Heroes is not an enemy."

"Eh ano lang?"

Nag kibit ng balikat si June, "Pwede tayong magpaturo minsan kay JV. O kaya ay kay Ricks. Magaling din iyon. Maybe Sien could help, too."

Napatigil ako sa pagsasayaw sa gitna ng room. Napatingin sila sa akin pero hindi ko sila inangatan ng tingin. I pretended to need a drink that's why I stopped. Nagtaas ako ng kilay habang umiinom at doon na nila ako pinaligtas mula sa nagaabang nilang mga mata.

"But we'll not use the routines for competitions. Gusto ko lang din ang style ng choreography nila," pagpapatuloy ni June.

"Pwede naman. I mean their dancing is really good..."

Tumikhim si Yanis sa dalawa. Doon na kami nagsimulang mag-rehearse nang sabay sabay. Ang sayaw na tinututukan namin ay para sa unang battle, ang ibang oras bago kami maguwian ay nakalaan para sa dalawang routines kung sakaling makakapasok kami sa mga susunod pa na battles.

Habang naglalakad ako pataas ng laboratory ay nakasalubong ko iyong si slowpoke. Sa pagkakatanda ko ay si Ricks ito. Napapansin ko rin siya sa Fiery Heroes kapag nagpe-perform sila at talagang magaling din ang isang ito.

Puno ng clearbook ang kanyang braso at sa kanyang kabilang kamay naman ay isang itim na attache case. Tumango siya nang makita ako. Dumausos ang isang clearbook mula sa tore na kanyang dala. Nagmadali ako para tulungan siya dahil hindi naman niya iyon maaabot pa.

"Thanks, Cazandra." Ngumiti siya. Pinatong ko ang clearbook sa itaas ng dala niya at napangiwi siya.

"Tulungan na kita," sabi ko. Umangal pa siya noong una pero nang sabihin niya na sa fourth floor pa ang punta niya ay nagpatulong na rin siya. Doon din naman ako patungo.

Nalaman kong sa laboratory katabi ng amin ang tungo ni Ricks. Nadaanan namin ang klase ko at kakaunti pa ang naroon. I saw some of my busy friends. Pareparehas na silang nakasubsob sa laboratory manuals. Naabutan ako ng tingin ni Khean kaya't tumango ako at tinuro ang dala kong clearbook at si Ricks.

Nilapag namin ang mga dala namin sa professor's table at tsaka lumabas. Kay Professor Concha pala iyon. I understood. Sir really is old but he sure still have a knack in teaching.

"Salamat ulit, Cazandra," ani Ricks. I gave him a small smile. Bago pa ako makapasok ng laboratory ay humabol siya ng paalala, "Our groups will still hang out, right? Iyong sinabi ni JV?"

"Ah, oo! Pumayag si Yanis. Pagkatapos pa naman 'yon ng unang battle, right?"

"Yes, yes. Pagkatapos makapasok ng grupo natin sa pangalawang battle," tumawa siya, "Good luck sa inyo!"

Excited naman si June sa pagyaya ng Fiery Heroes na hang out. Ako ay hindi pa sigurado kung makakasama. I can give them reasons but I'm not sure if they'll buy. Hindi ko naman sinasabi sa kahit sino na naiilang ako sa isang miyembro ng Fiery Heroes. Ngunit alam kong ang mga kagrupo ko ay may ideya na kahit kaunti. It's my fault, I know.

Friendshipidity (Chase #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon