Chapter 25

2.4K 75 7
                                    

Chapter 25
I thought

"May sakit ka ba, Mae? If you're not feeling well you can rest." Sinapo ni Cess ang noo ko.

Umiling ako at umupo sa isang tabi. Napahilamos ako sa mukha ko. It's almost the first battle and here I am being a weak-ass girl.

"Rest, Mae. We still have time to rehearse," sabi ni June. Napansin ko ang marahang pag-siko ni Darrah sa kanya. Nagkatinginan ang dalawa, ngumiti naman nang maliit si June.

Binalewala ko ang mga bumabagabag sa isip ko at isinayaw na lang ito. Often times when I dance I forget about all the problems, but now is different. It's like this type of medication does not cure me anymore... at all. Maybe sometime this week I'll try to dance alone again.

"Paano ang costume natin dito? Uniform or should we be unique from one another?" tanong ni Darrah.

Nililigpit ko na ang mga gamit ko habang naguusap usap na sila sa tungkol sa susuotin. Tinignan ko ang phone ko para sa messages at habang iniisa isa ko ito ay walang galing sa kanya. Right.

"Mas maganda siguro kung iba iba muna tayo ngayon. Sa next battle na iyong may uniform talaga. Kung suswertihin ay sa final battle naman ay pwedeng sa una ay iba iba tapos sa huling routines ay tsaka natin ipapakita ang uniform na nasa ilalim ng unang costumes."

Isinuksok ko ang phone ko sa ilalim na parte ng bag at nakisali na sa usapan. Mamayang gabi ay review na naman ako at hindi na makakapagbasa sa group chat namin kaya't tinanong ko na ang lahat.

"Pwede pwede!" masayang pag sangayon ni June, "Sana makapasok tayo sa final battle."

Matapos ang paguusap ay umuwi na kami. Bago ako umakyat sa kwarto ay sinigurado kong kumain na ako dahil tiyak ay makakalimutan ko na naman. Minsan ay nagdadala si Mama ng pagkain sa kwarto ko. Hindi madalas dahil ang gusto ni Papa ay sa hapag pa rin kumakain.

Sunday nang mapagpasyahan kong magsayaw mag-isa. Buong araw kahapon ay nagsayaw lamang kami dahil malapit na ang unang wave ng kumpetisyon. Magaganap ito sa kalagitnan ng paparating na linggo. Pagkatapos nito ay sa susunod na linggo kaagad ang pangalawang kumpetisyon. Kakaunti ang oras para pag ukulan ang routines kung sakaling makakapasok sa next battle kaya't ang inaaral namin ay tatlong routines na kaagad. Hanggang finals. Own it!

Pagkadating ko sa studio ay marami pa ring sasakyan ang naka-park sa labas. Halos lahat ng narito ay taga-Summerridge. Ang ibang mukha ay pamilyar dahil nakita ko silang lumahok sa Rhythm Week noon.

"Sorry, Ma'am, full na po ang lahat ng studio," ani ng babae sa front desk pagkalapit ko.

Nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na lalaki na nakaupo sa puting couch malapit sa elevator. Nakasalamin ito at nakasuot ng cap pabaliktad. Nagpapabalik-balik lamang ang tingin niya sa wristwatch at sa entrance.

"What time ang out ng pinakamalapit?" I asked the lady. Saglit siyang nag-tap sa touch screen na monitor.

"One hour and twenty minutes. Are you willing to wait po, Ma'am?"

Dumating pa ang isang lalaki at tumabi doon sa couch. Nang tanggalin ng isa iyong salamin sa mata ay tsaka ko pa nakilala. That's JV. So if he's here, then...

"He's bitchin' about something, man! Tawa lang ako ng tawa. He's not in the mood today but I managed to make him move his ass over here," rinig kong kwento noong kadadating lang na lalaki kay JV.

Napatingin ako. I was surprised when I saw JV already looking at me. Itinaas niya ang kamay niya para kumaway dahilan din para mapatingin sa akin iyong isang lalaki.

Tumango ako at agad inalis ang tingin sa kanila. I started calculating the time. I couldn't wait that long. Kung uuwi ako at babalik dito mamaya ay wala ring kasiguraduhan dahil baka mag-extend ang naroon sa studio. I should've booked last night!

Friendshipidity (Chase #3)Where stories live. Discover now