Chapter 35

4.7K 71 32
                                    

(Nakaraan)

Bumuntong hininga ito. "When was your last period?"

"Well.." Natigilan ako ng unti unting mag-sink in ang mga sinasabi at tanong ni Bianca. Napahawak ako sa upuan ko. "Oh my God."

Chapter 35

Tara's POV

"May result na ba?"

Nakapameywang akong hinarap ni Bianca. "Excited? Kalalagay lang e. Umupo ka nga lang dun sa kama."

Wala ngayon si Kent sa bahay kasi nasa opisina sya. For the past days, nawala ang atensyon ko sa pag-iisip tungkol sa "affair" ni Kent dahil sa hinihinalang pagbubuntis ko. Nung una ayoko talagang magpatingin dahil natatakot ako. Kung bakit? Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan kung hindi pa lang talaga ako ready o dahil hindi lang talaga naging maganda ang lagay naming dalawa ni Kent ngayon. Pero in the end, napilit ako ni Bianca na magpregnancy test.

Naalala ko pa yung usapan namin nung gabing dumating ako sa bonding namin tatlo nina David.

Nagulat ako dahil mas nauna pang nakauwi sa akin si Kent. Tahimik syang nanunuod sa living room. 

Derederetcho ako sa kwarto para magpalit ng damit. Habang nagpapalit ako, hindi ko maiwasang haplusin ang tyan ko. Am I pregnant? For a moment nakaramdam ako ng tuwa sa pagiisip na buntis ako dahil alam kong anak namin yun ni Kent. Pero at the same time, hindi rin nawawala ang lungkot sa akin kapag naiisip ko ang 'affair' ni Kent.

Nawala ako saglit sa pagmumuni muni ko ng marinig ko ang pagsarado ng pinto. Nasa kwarto na rin si Kent. Lumabas ako ng banyo at dali daling humiga ng kama. 

Maya maya, naramdaman ko ang pagupo ni Kent sa tabi ko. "What are you doing with that guy?"

Nanatili akong nakahiga at nakapikit. "Hindi ba sinabi na sayo ni Bianca kanina? We were hanging out. Hindi lang kami ni David, kasama si Bianca."

"I saw you. You were looking at him. Para bang.."

Mumulat ako at umupo. "Para bang ano, Kent?"

"I know I'm not really around these past weeks, but -  "

I looked at him intently. "Parang ano Kent? Ituloy mo."

Bumuntong hininga ito. "Para bang may ginagawa kayong hindi dapat."

And there I was, thinking na sya ang may affair, but all of a sudden now its me. I wanted to tell him he was wrong. But I was too hurt na naisip nya yun. He doesn't trust me. Nanatili akong tahimik.

"Is that what you are doing noong mga panahong wala ako? Mga panahong busy ako?"

Nagulat ako sa tanong nya and instantly I slapped him. "Bahala ka na kung anong gusto mong isipin." Tuluyan na akong umalis sa kama at nag-iiyak hanggang sa makatulog sa guest room.

I was deeply hurt noon. Kung totoo mang buntis ako then it has got to do with these feelings. Para bang yung sakit, nadodoble. I'm too senstive. The next day,  he constantly texts and calls me, knowing kung nasaan ako, kung nakakain na ako and the like. But I never bothered na tanungin sya in return. It feels like na balik na ulit kami sa unang stage. Para bang ngayong sinusubok na kami, ang bilis bilis naming manghina. Our love wasn't that strong, was it?

He doesn't trusts me. Hindi ko alam kung san nanggagaling yung idea na yun but it is what I am feeling. Pero hindi ba yun din naman ang iniisip ko sa kanya? Na pinagtataksilan nya ako? We lack trust then. I don't want to confront him. Kahit pa gustong gusto ko, hindi ko magawa. I found this fear in me. Natatakot ako sa maari nyang sabihin. Natatakot ako na baka totoo ang hinala ko. And knowing that I can be pregnant magnifies the fear. Ayokong lumaki ang magiging anak namin sa isang pamilya na ganito.

"Hoy, Ta. Naririnig mo ba ko?"

Napatigil ako sa pag-iisip dahil kay Ca. "Ano?"

Kinuha nito ang phone ko sa kamay ko at tinapat sa muka ko. "Sabi ko, ang phone mo nag-riring."

Tiningnan ko ang caller ID. Tumayo ako at sinagot ang tawag. "Hello?"

[ How are you? I heard hindi ka pumasok ngayon. Are you alright? ]

Bumuntong hininga ako at ibinaling ang tingin ko kay Bianca na tinitingnan ang pregnancy test. Kinabahan ako. "Ahm, yeah. I'm fine."

[ Are you sure? ]

"Yeah, Kent."

[ Kumain ka na ba? ] Narinig ko na may nagsalitang babae. "Malalate tayo nyan."

Natigilan ako. I wanted to ask kung sino yun kasi for sure, it is not his secretary. Pero sumenyas si Bianca sa akin na may resulta na. "Kakain ako. I need to go. Andito ngayon si Bianca sa bahay. She needs help with something. Bye." At inend ko na ang tawag.

Dahan dahan akong lumapit kay Bianca at inabot ang PT. One bar and it's negative, two bars and it's positive. I inhaled at unti unting tingnan ang PT.

POSITIVE.

NOTE:

I know its short, bear with me. gustong gusto ko na talaga tong matapos yet I can't find time to do updates. Anyway, here's an update, hope you enjoy it. :)

I changed my username coz i thought it was a bit mouthful. Please follow me on twitter guys. Still new in there. Maybe through that, makilala ko kayo better. Thank youu. :)

God Bless guys! ♥

Please Vote, Comment, Follow and Recomend! :D

EVERYTHING ARRANGED [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon