Chapter 20

38.6K 631 51
                                    

Chapter Twenty

Athens, Greece.

Binuksan niya ang bintana ng apartment na tinutuluyan niya. The chilly air greeted her face. Kapag kasi November dito sa Greece ay nagsimula na ang mild winter na minsan ay may kasamang ulan.
Napatingin siya sa baba at tanaw niya mula sa bintana ang mga taong naglalakad-lakad sa Kolonaki Square.

Lampas tatlong buwan na rin simula ng umalis siya ng Pilipinas. Medyo naka-adjust na rin siya, ang problema lang ay hindi siya marunong magsalita ng Greek pero matututo din naman siya dahil magtatagal na siya dito. Napagpasyahan niyang dito na siya hanggang sa makapanganak siya.

Nadalaw na din siya ng triplets at ni Sierra dito, ini-insist nga nila na kumuha na daw siya ng kasambahay dahil hindi pwedeng mag-isa lang siya lalo na at buntis siya. Napahawak siya sa kanyang medyo umbok ng tiyan, halata na ang baby bump niya dahil four months na rin siyang buntis. Sabi nga ng OB, medyo malaki ang tiyan niya kumpara sa normal na four months na buntis.

"Baby, gutom ka nanaman?" Kausap niya sa kanyang tiyan. "Kaya tumataba si mommy eh." Iling niya habang pumupunta sa kusina. She'd gain a bit weight over the past months which is a normal thing as what the OB said.
Ini-scan niya ang kanyang ref para maghanap ng pagkain, medyo mapili pa naman siya sa pagkain ngayon. Bigla bigla na lang may hinahanap ang tiyan niya. Nakita niya ang bowl ng strawberries at mukhang naakit na siya sa pulang pula nitong kulay. Kumuha siya ng mug at ini-slice sa dalawa ang mga strawberry hanggang sa mapuno ang mug, kumuha siya ng fresh milk at ibinuhos ito sa mug.

"Ayan! Perfect." Ngisi niya habang kumukuha ng kutsara para tikman ang pagkaing ginawa. Nakailang subo na siya ng biglang may kumatok sa pinto. She rolled her eyes in the air. Baka si Nicolas nanaman, iyong makulit niyang kapitbahay na nagbibigay sa kanya ng kung anu-anong pagkain.

"Coming!" Sigaw niya saka binuhat ang mug habang nakasubo sa bibig ang kutsara. Tamad niyang binuksan ang pinto. Nag-angat siya ng tingin at halos mabitawan niya ang hawak ng makilala ang nasa harapan niya.

It's freaking Blake!

Shock is written all over her face. Paanong?

"Ianna, let's talk." Anito sa pagod na boses.

Kumurap siya ng ilang beses baka sakaling maglaho si Blake sa harap niya at isa lamang halusinasyon ang lahat. Nakita niya ang pagbaba nito ng tingin sa kanyang tiyan.

Kung gulat siya ay mukhang nagulat din ito ng makita ang tiyan niya. "Y-you are pregnant."

Nang marinig niyang muli ang boses nito ay doon siya agad natauhan. Inalis niya ang kutsara sa bibig. "Go to hell and stay there permanently!" Bulyaw niya bago ibinalibag ang pinto, right before his eyes. Napakurap siya at napapaypay sa sarili gamit ang isang kamay.
She tried to inhale and exhale to relax. "Okay... Blake is here. Blake is actually here in Greece." She slowly said trying to digest the whole situation. "So much for your first sentence in seeing him huh?" Saad niya sa sarili.

Nakarinig siya ng katok mula sa pinto. "Ianna! Let's talk!"

Umirap siya ulit bago pumunta ng sofa. "Manigas ka diyan." Bulong niya. Ilang minuto din siyang nakatunganga sa kawalan. This is the last thing she had in mind, seriously! Ilang beses niyang na-imagine ang muling pagkikita nila ni Blake... iyon ay dala-dala na niya ang kanyang anak. Na-practise na nga rin niya ang pagmamalditang gagawin niya sakaling magtangkang angkinin ni Blake ang baby niya. Pero ito, hindi niya ito napaghandaan! Hindi ba dapat ay nagpapakasaya na ito kay Trish?!

"Naku! Buntis na nga ang tao, ginugulat pa ng ganito!" Litanya niya. Hinanap niya ang cellphone sa bulsa ng suot niyang dress para tawagan si Sierra. Napasubo siya ng pagkain habang hinihintay ang pagsagot ni Sierra. Anong oras na ba kasi sa Pilipinas?

All I Wanted (Bachelorette Series 3)Where stories live. Discover now