Chapter 18

29.9K 568 26
                                    

Chapter Eighteen

Inaantok siyang sumakay ng elevator paakyat ng condo nila ni Blake. Kakarating niya lang galing ng Singapore at pagod siya sa byahe at pasyal na ginawa nila ni Marie. Mukhang sinulit nito ang pagkakataon.
Kung hindi lang talaga siya inaantok ay uuwi siya ng Belladona. Kaso hindi na niya  kayang magdrive, wala na rin iyong sarili niyang condo unit dahil may kamag-anak na pinatira doon ang parents niya. Kaya no choice. Sigurado naman siyang wala si Blake dahil friday ngayon, nasa office o kaya sa university iyon. It's just one in the afternoon.

Nakarating siya sa penthouse floor at ginamit ang kanyang susi para mabuksan iyon. Nagising ang kaluluwa niya ng marinig ang halakhakan sa kitchen. Minumulto na ba ang unit nila? Binitiwan niya ang hila-hilang maleta at kinakabahang pinuntahan ang kitchen nila. Hindi pa siya nakakita ng multo sa tanang buhay niya.

Pero agad napalitan ng galit ang takot niya nang ang bumungad sa kanya ay si Blake na nagluluto at si Trish na nag-aabot ng ingredient dito.

"What the fuck?" She said those words aloud.

Gulat na napatingin ang dalawa sa kanya.

Letse!  Ang gandang bungad Ianna! Great! Just great!

Inilibot niya ang tingin sa paligid. "Mali ba ako ng unit na napasukan?" She asked full of sarcasm.

"Ianna..."

"Or this is my cue to leave this damn house?"

"Let's talk."

She smirked. "Nawala lang ako ng dalawang araw may binabahay ka na agad na iba? Ang bilis naman. Ni hindi mo man lang ako binigyan ng notice para nahakot ko man lang sana ang mga gamit ko. Nakakahiya naman sa inyo."

"Ianna, it's not what you think..."

"Oh bullshit Blake!" She tried her very best not to get mad. Pero wala eh, pagod na nga siya at lahat lahat idagdag mo pang medyo iritado parin siya sa mga bagay-bagay. Tapos ganito pa ang bubungad sa kanya? Nah, her patience is definitely cut short. You'll see the bitch side of her.
Trish winced when she heard her cuss loudly. She raised her eyebrow at her kaya agad napayuko ito.

"Or from the very beginning this unit is not intended for me? Nagkataon lang na kinailangan mo talaga akong pakasalan kaya ako yung tumira dito imbes na siya. Tell me Blake? Are you that too eager to throw me out of this house? Matagal na ba ang dalawang buwan na pagtira ko dito? Sana sinabi mo na lang hindi yung ganito pa ang ibubungad mo sa akin. Nag-effort ka pa tuloy. Sorry ha. Don't worry, I'll see myself out of this fucking unit." She chuckled bitterly. "Bakit pa ba kasi ako umuwi dito?" Naiiling niyang saad bago tinalikuran ang dalawa. "Pakasaya kayo." She waved her goodbye.

"Ianna wait..."

Naramdaman niya ang paghigit ni Blake sa braso niya.

"Bitiwan mo ako." Payapa ngunit mariin niyang saad. She might snap anytime tho.

"Can we talk? Please." He pleaded.

"I'm too mad to talk Blake. You know me so better let me go."

"Let me explain..."

"I said let me go!!" Buong lakas niyang sigaw. Pakiramdam niya pwede na itong makabasag ng vase. Hinarap niya ito at pilit inalis ang braso sa hawak nito. Mukhang nagulat ito kaya mabilis niyang nabawi ang kanyang kamay. "Tang ina naman Blake. Gagawa ka na nga lang ng kalokohan dito pa talaga? Mambabae ka na nga lang dito mo pa dadalhin? Ay wait, oo nga pala... she's been your girl from the very beginning. Ako lang yung umepal." She shrugged. "Pero sana naman kung magkikita kayo huwag yung ganito, respeto man lang sana sa akin. Hindi naman kita pinilit na pakasalan ako Blake. I even give you all the chance you can get to stay out of this mess pero kayo ang nagpumilit sa kasal na ito tapos ganito ang gagawin mo sa akin?!"

All I Wanted (Bachelorette Series 3)Where stories live. Discover now