Chapter 16

27.9K 565 5
                                    

Chapter Sixteen

Where are you?

Bungad ni Blake ng sagutin niya ang tawag nito.

"Bakit miss mo na ako agad?" She teased. "Andito pa lang ako sa condo, papunta na ako sa Montejo Network."

Ngayon kasi 'yung interview niya para sa tv network nila Erin at si Blake naman ay nasa University.

Yup I miss you already.

Can you give me a minute? I just wanna squeal my lungs out. Saad niya sa kanyang isip.

Medyo hindi pa kasi siya sanay sa side na ito ni Blake. Nag-a-adjust pa siya sa pagiging sweet nito. She bit her lower lip, unconciously.

Can you drop by here in my office?

"Why?" Saad niya habang dinadampot ang kanyang bag sa kanilang kama.

Let's have a late lunch. Three pa naman iyong interview, right?

"You forgot to have your lunch again?" Napatingin siya sa wall clock, lampas ala una na. "Okay. I'll be there in a bit." Matapos magpaalam sa isat-isa ay in-end na niya ang tawag at pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin. She is wearing a sleeveless yellow dress that reached just above her knees and a pair of nude heels.
Nagdrive siya ng sariling kotse tutal ay diretso na siya sa Montejo Network mamaya. Hassle pa kay Blake pag ihahatid siya nito, tambak ang trabaho nito dahil ang tagal nitong nawala.

Nagpark siya kung saan siya dati nagpark noong unang dumalaw siya sa Arcega University. She felt herself smile upon that memory.

"Now where's his office?" She decided to text him instead. Mahirap ng mawala, ang lawak pa naman ng university na ito.
Maya-maya pa ay napansin na niya ito habang papalabas sa isang building kaya bumaba na rin siya ng kanyang kotse.

Nakangiti niya itong sinalubong. He kissed her lips shortly when they came face to face.

"Let's go inside. It's hot in here." Aya nito habang hinahawakan ang kanyang kanang kamay at iginiya siya papasok sa building na pinasukan nito kanina.

"Akala ko ba magla-lunch tayo?" Tanong niya habang hindi maiwasang pansinin ang mga tinging ipinupukol sa kanila ng mga staff at faculty ng university.

"Yeah. But I'm too busy to leave the school. Papadeliver na lang ako."

Tumango siya. "Wait. Di ba may school canteen naman kayo? Doon na lang tayo. From what I've heard, parang restaurant daw ang cafeteria niyo dito." Naikwento ito sa kanya noon ng assistant niyang si Marie.

"You sure you want to dine there?"

"Why not? Hindi naman ako mapili na tao. Besides it's convinient, hindi ka na lalayo sa office mo." She's been with so many people across the globe kaya hindi siya mapili sa environment na pinupuntahan niya.

"Okay, let's go then." He smiled.

Habang papunta sila sa cafeteria ay madaming bumabati dito. Well, he is the president of Arcega University and their family own it. For sure lahat ng etudyante dito ay kilala siya.

"Ang gwapo talaga ni Sir Arcega."

Rinig niya impit na tili ng mga college girls na nadaanan nila.

Napataas siya ng kilay bago nakangising binalingan ang asawa. "Kulang na lang ay magtayo ng fanbase mo ang mga estudyante dito." She teased.

"Don't mind them." Nagpatuloy lang ito sa paglalakad habang hawak parin ang kamay niya.

"Naaliw nga ako sa kanila eh." Nakangisi niyang sabi.

All I Wanted (Bachelorette Series 3)Where stories live. Discover now