Chapter 19

31.6K 608 32
                                    

Chapter Nineteen

"Hindi mo pa rin ba tatawagan ang parents mo? Atleast inform them your new number." Saad ni Sierra habang umuupo sa tabi niya.

Nandito pa rin siya sa villa nito at kasalukuyang nakasalampak sa sofa ng living room nito at nanonood ng Phineas and Ferb habang kumakain ng duhat na nahirapan silang hanapin.

"Oo nga 'no?" Sumubo siya ng panibago at kinain iyon saka iniluwa ang buto at inilagay sa bowl na nasa gilid niya. "Later I'll call them."

"Phineas and Ferb huh? I didn't know that you're fond of cartoons." Puna nito.

She shrugged. "Eh ito agad ang bumungad pagbukas ko ng tv eh. Bukod sa tinatamad na akong maghanap ng channel, maganda naman siya. Ang genius nitong si Phineas at Ferb sana magmana sa kanila si baby." Saad niya habang sapo ang tiyan.

Napailing na lang ito. "That's nice. Atleast your baby is a good diversion."

Tumango-tango siya. "Oo, hinayupak kasi yung tatay niya. Magsama sila nung pinakamamahal niyang girlfriend for four years. Mabuti na lang talaga at andito si  baby. Atleast, I'm not alone. Sa kanya na lang ako magfofocus."

"So... what's your plan now?"

Bago pa siya makasagot ay tumunog ang landline sa gilid ni Sierra. "Hello?" Sagot nito sa tawag... "Give me a minute." Inilayo nito ang telepono bago bumaling sa kanya. "It's the guard. Nasa gate ng villa proper ang asawa mo."

Tamad niyang tinignan si Sierra. "Tell them that I'm not here. Na hindi pa ako umuuwi dito. Kunwari sasabihan na lang siya ng guard pag nagawi ako dito para hindi na siya pabalik balik dito."

Tumango ito at iyon ang sinabi sa guard.

"Hanggang kelan mo siya pagtataguan?"

"Hanggang gusto ko." Wala sa sariling saad niya.

"C'mon Ianna."

She sighed. "I'm actually planning of talking to Lj and process our divorce papers. Since sa France naman kami kinasal."

"That fast? Wala ka bang balak ayusin ito? You never know Ianna." Suggest nito.

"Can't you see? No matter how hard I  try I can't compete with love that is good enough to last for four freaking years. They have that great love for each other, true love na iyon Sierra. Anong laban ko doon? Apat na taon na sila and growing strong kung hindi lang ako dumating." She sighed. "Ako lang naman talaga yung kontrabida sa love story nila. I can't fight with great and true love."

Tahimik lang ito, ina-absorb ang sinabi niya. "Okay I get your point."

"Masyado akong maganda para magpaka-martyr. I know when to stop, and I think this is the right cue to stop. Hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin." Umirap siya sa kawalan. "There's ton of fish in the water. Besides I have my baby now."

"Ang bilis mo namang maka-move on."

She smiled sadly. "Hindi rin. I am just trying my best to be strong. Noong nakita ko si baby sa ultrasound, I guess that was my turning point... Ianna get your ass up, you're not gonna sulk and pity yourself just because the lerson you love doesn't love you back. I need to be strong for us. Kayang-kaya ko 'to. Kaonting strong na lang naman ang idadagdag ko. I was born tough and strong. I can do this." She joked.

Nakangiting umiling ito. "You sure you wouldn't give this a chance? I mean for your baby, he or she deserves a complete family."

"Ayokong paglaki ni baby eh maramdaman niyang hindi naman talaga inlove sa isa't-isa ang parents niya... na magkasama lang kami ni Blake para magkaroon ang anak ko ng kumpletong pamilya. I don't want my child feeling guilty in the near future. I'd rather raise my baby alone." Paliwanag niya. Wala na siyang pakialam kung pagiging selfish iyon basta para sa kanya iyon na muna ang makakabuti sa ngayon.

All I Wanted (Bachelorette Series 3)Where stories live. Discover now